•Zia's POV•nagising ako kinaumagahan na masakit parin ang katawan. Pero di na katulad nung nakalipas na araw. Dinilat ko ang mata ko at nilibot ang paningin. Pinilit kong bumangon dahil baka mawalan ako ng trabaho kapag di pa ako kikilos nito at tsaka mamaya isipin nila sinasadya ko ito para di makapasok. Nag unat unat pako at kinapa ang noo ko kung mabuti na ba pakiramdam ko. pinakiramdaman ko ang sarili ko.
"wala na 'kong lagnat"bulong ko . Medyo masakit lang ang katawan ko. Marahil ay dahil sa lagi na lang ako nakahiga. Buti na lang at tinulunga't di ako pinabayaan ni aling seldah. Yes. Naramdaman kong siya yung nag alaga sakin. Dahil wala na mang ibang gagawa nun diba. Kundi siya lang. Matapus kong gawin ang morning rituals ko ay lumabas na ko. Pumunta akong kusina dahil nagugutom ako. Buti na lang may naluto na dito. Hinanda na siguro to ni aling seldah.
Habang kumakain ako. napasulyap ako sa dinning table na kung saan sila sir at maam lang ang gumagamit nun. pwede rin dun kami pumpwestong kumain kaya lang nahihiya kaming mga maid kaya nagpagawa si maam na sarili naming dinning table para sa mga katulad kong maid. Napaiwas ako ng tingin ng makitang kumakain pala duon ang alaga kuno ko . Napansin nya sigurong may nakamasid sa kanya kaya tumingin siya sa dereksiyon ko. ilang minutong ganun ang pakiramdam na tinitignan nya ako . Kaya hindi ko napigilang lingunin din siya. At tama nga ako. Tinititigan nya ako. Sinalubong ko ang titig nya dahil ang akala ko ay mag iiwas din siya ng tingin. Pero mali pala ang akala ko. Sa huli ako din ang nag iwas ng tingin.
minadali kong kumain para makaalis na dun. dahil hindi ako mapakali dahil sa titig nya.
'Bakit ba siya, titig ng titig sakin?'
Nanginginig ang kamay kong niligpit ang pinag kainan ko at hinugasan ito. Matapus kong gawin yun. Ay papasok na sana ako sa kwarto ko ulit ng may biglang humawak ng braso ko. Napatingin ako dito tsaka napabuntong hininga. Nag iwas ako ng tingin at saka sinalubong ang titig nya.
"oh, bakit?"nagkunwari akong hindi naiilang sa mga titig nya.
" hows your feeling?"tanong nya na nagpataas ng bulbul ko este balahibo ko. "O-okay n-naman na"sagot ko . Dahan dahan kong hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa braso ko't inalis ito. Bumuntong hininga siya at bigla na lang ako tinalikuran.
Tinalikuran ko na lang din siya at pumunta na nga ng kwarto ko. Umupo ako at wala sa sariling napabuntong hinga ako. Meron sa dibdib kong masaya na may halong inis. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nakakaimbyerna.
'Kinamusta nga ako, tas ng malaman okay nako. Bigla na lang ako tinalikuran?'
Halos mapamura ako sa inis. Akala ko magsosorry na siya sakin. Pero putsa wala akong narinig. Yes. Hanggang ngayon di pa rin siya nagpakita ng guilty o nagsorry man lang ng makita ang tinatago kong kayamanan na hindi malabong manakaw nya to. Charot. Naghahalo halo ang nararamdaman ko. Naiiniss, nababadtrip, nalulungkot at may konting saya na kahit papano kinamusta nya kalagayan ko. Akala ko wala siyang pakialam sakin. Meron din pala. Pero konti lang, mga kasin liit siguro ng utak nya. Charot ulit. Nababaliw na ata ako.
Ilang minuto akong nasa ganung posisyon bago ako nakapagdisisyong lumabas. Lumabas ako ng bahay. At nilanghap ang simoy ng hangin na paparating sa gawi ko. Ang lawak ng bakuran nila na kahit saan kang tumingin may makikita kang bulaklak na iba't ibang kulay. Marami ding puno na sobrang berde sa paningin ko. Ngayon ko lang ito nagawa't nasilayan. Hindi ko ito napapansin dahil sa amo kong hindi ko alam kung ano ang ipinaglihi kaya ganun na siya kasupladong lalake. Pinagsawa ko ang mata Ko kakatingin sa mga iba't ibang halaman dahil hindi ko alam kung magagawa ko pa ba ito ulit. isang buwan at isang araw na akong nagtatrabaho dito. bukas ang uwi ni mom at bukas na bukas nya din ibibigay ang unang sweldo ko. Pag makuha ko na iyon. idederetso ko ng ihulog sa mga taong kumupkop sakin . At sana sa araw na yun payagan nya akong gumala para naman maging malaya ako kahit isang araw lang. Hindi pa kasi ako nakakagala dito sa manila.
May natanaw akong nakasabit na duyan sa may dalawang puno, hindi ito kalayuan saakin. Pinuntahan ko ito at sari saring halaman ang nakapalibot dito, bale nasa gitna ang duyan na may dalawang puno.. iba't iba rin ang mga kulay nito na kapag pinagsama sama mo ito ay parang bahaghari ito. Nagsimula akong umupo duon sa duyan at ipinagpahinga ang sarili . Ang simo'y ng hangin ay nakakapag-daragdag ng ganda ng paligid.
"Bakit ngayon ko lang to nalaman?"nagtatanong ako sa kawalan habang mga mata ko'y libang na libang sa ganda ng paligid. "Ang ganda dito"sambit ko at pinikit ang mga mata.
Halos mahulog ako mula sa duyan dahil sa gulat ng may "ehem.."sa harapan ko. Napaayos ako ng tayo at napapahiyang tumingala sa kanya."p-pasensya na"nauutal kong sabi habang hindi makatingin sa kanya. ng hindi siya magsalita. Nilingon ko ito at ngayon ko lang napansin na hinihintay nya akong umalis mula sa pwesto ko. Napapahiyang tumabi ako. May dala siyang dalawang makakapal na libro na nasa kamay nya.
Ginawa nya yung ginawa ko at pumpwesto ng mabuti sa duyan. Ni hindi man lang ako nilingon. Binuklat nya yung isang libro at nagsimulang magbasa na para bang walang tao sa tabi nya. Napasinghal ako sa kawalan at naiiniss na umalis duon. "You can join me, if you want"napahinto ako at nilingon siya. Nasa libro parin ang paningin nya."tss, di bale na lang, zerr"masungit kong sabi at nabigla ako ng ibaling nya sakin ang tingin nya. " this place is my possession. kung naiinis ka dahil nasira ko ang magandang pamamahinga mo rito kanina, sorry not sorry...."supladong sabi nya tsaka bumalik ang tingin sa binabasa." Hindi ko na iyon kasalanan. besides, kanina pa ako dito. Kumuha lang sandali ako ng libro ng sa pagbalik ko. Hindi ko inaasahang may tangang dadapo sa pinagbabawal kong pasukan ng ibang tao."mahabang litanya nya na nakapagpanigas sakin'g kinatatayuan.
Paktay...
'pinagbabawal? Nya itong pasukan ng kung sino?'
'so, a-ako lang ang nakapasok dito?'
'Bakit walang nagsabi?'
"P-pasensiya na talaga, hindi ko alam"tanging nasabi ko lang. Halos di na ko makagalaw sa kinatatayuan ko. "Hindi ko kasi alam, na pinagbabawal at may ari pala ito ng unggoy"pabulong kong sinabi ang huli . Bago pa siya makapagsalita ay umalis na ako dun .
bakit ang sungit sungit nanaman nya. Parang galit na galit nanaman siya sakin. Kanina lang ang ayos ng pakikitungo nya sakin. At diba nga kinamusta pako . Tapus dahil lang dun lumabas nanaman yung sungay nya.
'grrrrrrrrr....'
Habang nagmamaktol ako habang pabalik na sa mansyon . biglang may pumasok na magarang kotse na hindi ko alam kung kanino to o sino tong paparating. Pinagbukas siya ng guard at dahang dahang umandar ito habang papunta na sa gawi ko. sinundan ko ng tingin hanggang sa nasa garahe na yung kotse. May lumabas na lalake sa kotse at pinasadahan nya ng kamay ang buhok nya na para bang nagpapagwapo. Kumindat pa ito saakin at lumakad sa papunta sa dereksiyon ko. Napangiwi ako sa inasta nya at nag was ng tingin.
'Tsk. GGSS( Gwapong gwapo sa sarili )'
napailing iling ako sa naisip. At aakmang papasok na ng mag salita ito.
"hey!"nagmadali itong pumunta sakin."ikaw ba yung maid ni javier?"tanong nya sakin. Kumunot pa ang noo ko at saka tumango."where's he?"tinuro ko sa kanya ang pinaggalingan ko kanina. nilingon nya ito At tumango na animo'y alam na.
"by the way, I'm steven."pakilala nya. Tumango lang ako at aalis na ng magsalita ulit siya."ah... pipi kaba?"tanong nya na nakapagdagdag ng inis ko. Nagsalubong ang kilay ko at tsaka siya nilingon. Pinakita ko sa kanyang naiiniss ako. "Pwede ba, tinuro ko na sayo ang pakay mo sakin. At wala akong time makipag-chikahan sayo. tabe!" masungit kong sabi at saka inirapan siya bago umalis. Sorry na lang sa kanya. Bad mood ako ngayon dahil sa lintik na amo ko. ang ganda na sana ng umaga ko eh. sinira lang ng dalawang yun. Bago ako pumasok sa mansyon. Sinulyapan ko si steven na papunta na sa kweba ng amo ko. Nakangiti naman na sinalubong ng amo ko yung steven daw. tss. Napairap na lang ako sa kawalan at dumeretso ng kwarto. Nakakabagok, wala man lang ako ginagawa. Di ako sanay. Humiga na lang ako at tumingin sa kisame. Masyadong gwapo yung steven na yun sa paningin ko. Kaya mas lalo akong nainiss. Nakatulugan ko na ang ganun posisyon dahil sa pag iisip.
zzzzzzZzzzZZZzzzzzzzz....
to be continue....
YOU ARE READING
I'm in Love with My Maid [On-going]
Подростковая литератураAng isang katulong ba'y, posible bang mapa-ibig ang amo nyang lalake na ubod ng sunget, tamad, walang ibang alam kun'di ang pag-aaral, at higit sa lahat, siya'y isang sobrang inosente. Posible bang magbago ang kanyang estilo at pananaw? Dahil sa ka...