Prologue

404 8 3
                                    

Sa buhay, mayroon lang tayong isang pagkakataon para gawin ang mga bagay na gusto at kailangan nating gawin. Make the most out of your choices and stand up for your decisions. Kapag nagkamali ka sa mga bagay na ginawa mo, hindi ito parang buhay sa eskwela na kung sakaling bumagsak ka ngayon ay pwede kang bumawi bukas.

Simple lang ang buhay ko, gumigising ng maaga para pumasok sa school, laging kasama ang barkada, kinakaharap ang komplikado kong lovelife, at lumalaban sa mga pagsubok na ihinahanda para sa akin sa araw na iyon nang sa gayon ay makaabot ako sa susunod na kabanata ng buhay ko. Everyday, in someway, we are all survivors.

Hawak tayo sa leeg ng mga pagkakataon at pangyayari sa ating buhay, at nasa kamay natin kung anong gagawin natin sa buhay natin. Sasama ka ba sa mga kabarkada mo para magsaya ngayon o uuwi ka nalang para mag-aral, papayag ka ba sa gusto ng kasintahan mo na magtalik kayo o itatabi mo ang kasagraduhan ng iyong pagkabirhen para sa taong tatayo sa tabi mo sa altar, mangongopya ka ba sa katabi mo o paninindigan mo ang iyong prinsipyo, pipiliin mo ba siya o mas dapat na piliin mong mahalin ang isa, magpapatawad ka ba o kikimkimin mo ang sakit na dinulot sa iyo ng pagkakamaling hindi na maiwawasto pa, ipagpapalit mo ba ang makulay mong buhay para makilala ang sarili mong pagkatao? Yan ang mga tanong na itinatanong ko sa aking sarili.

Pagulo ng pagulo ang buhay ko. Nakagawa ako ng desisyong pinagsisihan ko, mga desisyong nagpapaalala sa akin kung anong dating meron ako at kung ano ang ipinagpalit ko sa kanila. Meron akong simple’t masayang buhay kasama ng pamilyang kinilala ko, ng mga kaibigan ko at iba pang taong mahahalaga sa akin pero pinili kong gawin ang isang bagay na sa tingin ko ay tama – pero ano nga ba ang tamang gawin? Ano nga ba ang dapat gawin? Kailan nagiging tama ang tama at kailan nagiging mali ang mali? Kailan nagiging mali ang tama at kailan nagiging tama ang mali?

Kailangan ko nang magdesisyon dahil konti nalang ang oras na natitira.

Bloodlines and Heartstrings 2: Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon