Pagkatapos namin mag-usap sa kwarto. Lumabas na siya at nagluto.
"Ano yung ulam natin , kuya?" Tanong ni calv ng lumabas ng kwarto habang ako nakaupo dito sa sala katext si grace. "Adobo." Sagot ni Adonys.
Gusto daw tumawag ni Grace,wala naman akong rason para tumanggi. Kinuha ko ang earphone at saka sinagot ang tawag.
Pumasok ulit ako sa kwarto."Hi bessy!" Napaka taas ng energy ng babaeng 'toh di ko mareach. "Bakit ba napatawag ka?" Medyo seryoso ang mukha ko habang nakadapa sa kama sa may kwarto ko.
"Wala lang di ba sabi mo pupunta yung kaibigan mo...so ano plano mo girl?" Sagot niya at sumubo ng pagkain. "Aalis kami mamaya." Pormal kong sagot.
"Oh talaga? Saan kayo pupunta? Ano gagawin niyo?" Sunod-sunod niyang tanong. Apaka daldal talaga ng babaeng toh.
"Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko rin alam kung ano gagawin namin." sagot ko.
"Wow... so may date ka na." Napaupo ako dahil sa sinabi niya.
"Its not a date, grace. We're just hanging out like usual." Pinilit kong kumalma kahit gusto ko na siyang sigawan ngayon at kurutin.
"No,its not ane. I can see the happiness in your eyes." Di ko alam kung matutuwa ba ko sa sinabi niya o maiinis dahil aasarin na naman niya ko kay Ady.
"I'm always happy,grace. Its normal." Sinubukan kong hindi ngumiti ng sobra para di na niya ko kulitin pa.
"Okay fine, denial girl." Tumawa siya ng pagkalakas-lakas buti na lang di masyadong malakas ang volume ng earphone ko.
"Nga pala ane, di ba sa linggo ang kasal ni maam Rose?" Paniniguro niya sakin.
"Oo bakit?" Tanong ko.
"Di ako makakapunta kasi may pupunta kami ni mama na nueva ecija mamaya na kami aalis." Kwento niya sakin. Hay nako maa-out of place na naman ako sa kasal kung nagkataon.
"Ah ganun ba, eh paano yung regalo mo?" Sayang naman kung di niya mabibigay sa mismong kasal.
"Bibigay ko na lang sa kanya sa lunes kapag pasok." Sagot niya.
Nakita kong bumukas ang pintuan at sumilip si Ady. "Ane,kakain na."
Aya niya sakin habang nakangiti."Sino yon?" Tanong ni grace siguro nakita niyang lumingon ako sa pintuan.
"Ah si Adonys. Kakain na kami." Papatayin ko na sana ng kinuha ngunit may humablot sa cellphone ko.
"Hi grace!" Bati ni adonys kay grace. Dahil medyo malakas ang pagkakahitak natanggal ang pagkakakabit ng earphone.
"Hi!" Grace greeted back.
"Hiramin ko muna sayo si Ane ah. Rest day niya ngayon eh." Buong ngiti si ady habang kausap si grace.
"Its okay,besides tapos na rin naman kami." Mukha atang nawala yung pagiging madaldal nitong si grace ah dahil kung kaclose niya yan dami na niyang chika.
"Thank you ... bye..." pagkatapos noon ay pinatay na ni ady ang tawag at binigay sakin ang cellphone.
"Lets eat." Sabi ko pagkatapos ay hinawakan siya sa may bewang at hinitak palabas ng kwarto.
Kumakain kaming tatlo ngayon at naalala ko yung lakad namin ni adonys, "Anong oras nga pala tayo aalis?" Tanong ko ngunit napingon naman si calv sa akin.
YOU ARE READING
Inexplicable Love (Completed)
RomanceAn engineer, Adonysus Apollo Sanchez who have feelings for her bestfriend, Ane Vesta Merced that has alot of dreams for herself but does she had a dream with him? Hindi mo na maibabalik ang bagay na iniwan mo na at inalagaan na ng iba. You can fix t...