Nang makakababa na ko sa parking lot at agad akong sumakay sa kotse ko at binuhay ang engine.
Mabilis akong nagmaneho at tinahak at daanan tungo sa condo niya. Hindi ko alam pero bahala na kung ano mangyari pag dating ko roon.
Napansin kong umuulan sa labas. Kasabay ng hagupit ng mga baston ni adan ay ang marahas ng pag-agos ng luha sa aking mga pisngi.
Napahikbi ako sa loob ng sasakyan. Parang sirang plaka na paulit-ulit ko pinakikingan ang sinabi ng babae kanina sa tawag.
Pero... bakit?
Ayos namin kami these past few days ah. Mahal niya ko di ba? Pero bakit? Bakit sobrang sakit naman ata na isiping nambabae siya.
I didn't expect that he would do that. Hindi ko alam na magiging ganto kahapdi. Kasakit. Kasikip sa dibdib.
Habang paakyat ako sa condo ay umiiyak pa din ako. Pakiramdam ko hindi na titigil ang luha ko. Parang maria cristina falls yung luha ko at walang katapusan sa pagbagsak.
Nang pumasok ako sa condo ay sarado pa iyon kaya mabilis kong kinuha ang susi sa bag ko kahit nanlalabo na ang mata ko.
Nang mapagtagumpayan kong buksan ang pintuan ay binaba ko agad ang dala ko sa couch. Pumasok ako agad sa kwarto at nilapag ang maleta. Gusto ko munang magpahinga.
Pinunasan ko ang luha ko kahit alam kong magpapatuloy iyon sa pag-daloy. Kinuha ko ang mga damit ko at hindi na nag-atubiling ayusin iyon. Ang gusto ko lang ay mailagay iyon sa maleta.
Narinig kong may pumasok at tiyak akong si ady iyon. Naaninag kong pumasok siya sa kwarto at nagpatuloy lang ako sa pagiimpake.
"Please...Vesta wag naman ganto. Let me explain." Ramdam kong pagod ang kanyang boses habang hinahawakan ang kamay ko.
Hinahawi ko ang kamay niya, "You don't need to explain to me,adonys." Malamig ang aking boses habang pinupunasan ang luha patuloy pa rin sa pag-agos.
Nakita kong lumuhod siya sa harap ko. What comes into his fucking mind. Hindi ko hinihingi na gawin niya yan. Pero bakit ang sakit makita siyang nagkakaganyan.
Tumigil ako sa pag-iimpake at hinawakan ang dalawang balikat niya, "Tumayo ka nga diyan,adonys." Sabi ko habang nanginginig ang boses ko.
Hindi pa rin siya tumayo kaya napatalungko na lang din ako sa harap niya. Nabalot ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto. Tanging paghihinagpis ko lang ang naririnig ko at ang pagiyak ni ady. Alam kong ayaw niya umiyak pero hindi niya mapigilan.
Nag-angat siya sakin ng tingin, "Please... let me explain." I can see in his eyes the pain. Fear and something else.
I shook my head, "Adonys, i didn't know na ayaw mo na pala." Sabi habang nanginginig ang boses ko.
"Hindi sa ganon,love. Hindi ako nambabae. Please,maniwala ka sa akin." Sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko.
I sniffed, "L-let m-me go." Sabi ko habang tinaggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko.
Tumayo na ko at sinarado ko na ang maleta. Naramdaman ko ang bisig niya sa aking bewang. Mahigpit iyon. Sa sobrang higpit parang ayaw niya ko pakawalan.
I hate him. I hate him so much. When his doing this to me, i dont want to go. This is my safe place but now I find it a danger zone.
Bakit ba sobrang epektibo ng yakap niya tila isang gamot na kayang pahilumin ang malalim na sugat na meron ako ngayon?
Nakabaon ang ulo niya sa aking leeg, "Love...please don't leave me. I can't live without you." Mariin akong pumikit at himinga ng malalim.
Marahas kong binuga ang malaking hangin, "If you really love me,you will let me go." Hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin.
Kumalas ako sa bisig niya at binitbit na ang bag. Gustuhin ko man siyang lingunin ngunit alam kong hindi ko makakayanang umalis kapag nakita ko siya.
Bago pa ko makalabas ng pintuan ay hinawakan niya ang braso ko kaya napaharap ako sa dibdib niya. Naglapat ang labi namin sa isa't-isa.
Mainit ang kanyang mga labi. Alam niya kung paano ako amuin. Alam niya kung paano tanggalin ang pagod at sakit na nararamdaman ko.
Isang halik lang at alam na niya iikot na ulit ang mundo ko sa kanya. Isang halik lang ang kailangan para bumalik ang pagmamahal na naramdaman ko noon para sa kanya. Isang halik lang,sapat na para burahin ang bahid ng kasalanan na nagawa niya. Ang sakit na nararamdaman ko humuhupa sa halik na binigay niya ngayon.
Kumalas ako sa labi niya at hinawi ko din ang kamay niya sa braso ko. Kung magtatagal pa ang halik niya ay sigurado akong mawawala na ang sakit na nararamdaman ko.
Yumuko ako, "L-let m-me go." Nanghihina ang tuhod ko dahil sa mainit na halik niya.
Pipihit ko na ang pintuan ng magsalit siya, "If you really want to leave. Do me a favor." Nanginginig ang kanyang boses habang ako naman ay nagiintay ng susunod niyang sasabihin.
"Tell me that you love me." Matigas ang kanyang boses.
Pumikit ako ng mariin bago nagsalita, " I love you so much, love. I'll come back." Mariin kong sinabi ang bawat salitang binitawan ko.
Mabilis akong bumaba sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Tulala ako ng makapasok sa sasakyan.
Alam kong nasaktan ko siya. Alam kong sobra siyang nasaktan dahil sa ginagawa at gagawin ko. Pero mas masakit yung ginawa niya sakin. Nambabae siya. Yun ang totoo.Hindi ko alam pero ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang nangyari ngayong taon. Nawala si Calvin tapos 'eto naman. Ano pa ang susunod?
Baka meron pa. Baka may darating pa. Sobrang bigat. Sobrang sakit. Sobrang hapdi. Parang dahan-dahan ako binubuhusan ng asido.
Paninindigan ko ang sinabi ko sa kanya. Mahal ko si ady... mahal na mahal. I could spend my life with him forever.
But now i didn't know pero sobrang nasasaktan ako ngayon. Nothing can heal my wound that i have right now. Nothing.
Babalik ako kapag okay na ang lahat. Babalikan ko siya dahil nangako ako sa kanya. But for now I need to heal myself privately.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko. Gusto kong mapag-isa kaya naman uuwi muna ko sa bulacan. Sa bahay ko. As of now, thats the only place that I feel safe. I can't call grace because she's on vacationg with her family. I don't want to ruin her day.
I have only myself right now.
Ilang oras ang byahe kaya ng makarating ako sa loob ay tumihaya ako sa aking kama. Pinikit ko ang aking mata. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.
I wish this is a deep nightmare. I sleep in tears. I didn't mind to change my clothes, all I want right now is rest.
Nagising ako ng maaga. Hindi ko na nakuhang kumain kagabi dahil sa sobrang pagod ako sa pag-iyak at sa byahe.
Para bang nangyari lang kahapon ang mga matatamis na alaala ng nilibot ko ang aking mata. Nakikita ko pa rin ang anino ni ady sa tuwing tumitingin ako dito sa paligid ng kwarto.
Kailangan kong tumakas sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong lumayo para hindi siya makita. Dahil alam kong pupuntahan niya ko dito. Ito lamang ang bahay na pwede kong takbuhan.
I'll comeback ady. I promise I will.
YOU ARE READING
Inexplicable Love (Completed)
RomanceAn engineer, Adonysus Apollo Sanchez who have feelings for her bestfriend, Ane Vesta Merced that has alot of dreams for herself but does she had a dream with him? Hindi mo na maibabalik ang bagay na iniwan mo na at inalagaan na ng iba. You can fix t...