Ang bilis ng araw at paulit ulit lang din naman ang nangyayari bawat araw. Gising ng maaga. Pasok sa school. Uuwi. Tatawag ako kay Adonys.Repeat.
Friday na ngayon at maaga ang uwi namin. Since its friday, pupunta kaming mall ni Grace para bumili ng regalo sa kasal ni Rose. "Anong bibilin mong regalo?" Tanong ni Grace.
"Di ko pa alam eh. Libot muna tayo para magka-idea ko." I said sabay hila sa kanya. "Hayy nako" she sighed.
"Kamusta na kayo ni Adonys?" Napalingon ako sa gawi ni Grace ng tanungin niya ko. "Okay naman, pupunta nga siya sa kasal eh. Kasamahan niya pala yung groom." Patuloy pa rin ako sa pag tingin ng flower vase. Nasa tapat ko si Grace at ganoon din ang ginagawa.
"So sabay kayong pupunta sa kasal?" Tinapunan niya ko ng tingin at saka bumalik sa ginagawa.
"Ahh ganun na nga..." binababa ko na ang hawak kong flower vase. "Eh paano si Calvin saan maiiwan?" Tanong ulit niya ng di ako tinatapunan ng tingin.
"Malaki na siya and aalis daw siya ng araw na yon eh di daw siya makakasama tsaka di talaga siya sumasama kapag may lakad ako." Sabi ko habang tumitingin ng ibang design.
"Ahhh okay." Pagkatapos niyang sabihin yan ay may kinuha na siyang apat na vase. Binitawan ko na ang hawak ko at sumunod sa kanya.
"Di ka pa nakakapili?" Nilingon niya ko at tsaka binayaran ang binili niya. "Wala kong mapili eh. Papabili na lang siguro ako kay adonys sa manila." Sabi sabay lingon kung saan. Papabili na lang siguro ako sa kanya kasi magaling siya pumili ng regalo. Madami ding pagpipilian doon.
"Starbucks tayo?" Alok ko kay Grace dahil gusto ko magkape. I want to treat myself. Di naman madalas eh. "Arat na." Sabi niya at binilisan na namin ang lakad.
"Musta naman kayo ni Calv?" Tanong ni grace habang nagtitipa ako sa cellphone. "Yun nga eh, di ko alam kung niyang pumuntang america." Malungkot ang tono ko habang binaba ang cellphone at nakipagusap sa kanya.
"Bakit naman?" May halong pagtataka ang tanong niya. "Siguro dahil di pa siya handa pero kakausapin na siya ni Adonys. Sana nga ay maintindihan niya." Malaki ang pag-asa kong mapapayag si Calvin dahil kung hindi mukhang di matutuloy ang pagaamerica namin.
"Hmm...?" Naningningkit ang mata niya at humalukipkip sa harap ko. "What?" Tanong ko dahil may gusto siyang ipahiwatig. Uminom ako ng kape habang nakatingin sa kanya.
"Wala ka bang nararamdaman kay adonys?" Nasamid ako sa tinanong niya. "Saang parte ng mundo mo naman nakuha yung tanong na yan, Grace Perez?!" Medyo pasigaw ang pagkakasabi buti na lamang ay kaunti lang ang tao dito. Nagpunas ako ng tissue sa aking bibig.
"Bakit iniiwasan mong sagutin?" She chuckled. "Hindi ko iiniwasan,nagulat lang ako sa tanong mo. Magkaibigan lang kami ni Adonys at hanggang doon lang iyon." Medyo seryoso kong sinagot ang patutsada ni grace.
"Feeling can be change." Huling sabi niya sabay subo ng cake. Umiling na lamang ako.
Nakauwi na ko at nakakain na rin. Nagtext si bespren a minutes ago siguro nagshoshower ako nung nagtext siya.
adonys my friend:
'May pang regalo ka na?'
Mukhang alam niya ata ang ipagagawa ko sa kanya ah. Kaya naman nagreply na ko.
Me:
YOU ARE READING
Inexplicable Love (Completed)
RomantiekAn engineer, Adonysus Apollo Sanchez who have feelings for her bestfriend, Ane Vesta Merced that has alot of dreams for herself but does she had a dream with him? Hindi mo na maibabalik ang bagay na iniwan mo na at inalagaan na ng iba. You can fix t...