Chapter 22: Heading Back

72 4 0
                                    

Chapter XXII: Heading Back

Liana's POV

Gabi na pero nandito parin ako sa lab ni Stella. Mahilig din ako mag-invent ng kung anu-ano kaso ang pagkakaiba ay kagamitan about magics at underwater ang akin, sa kanya hindi. Pero kahit ganon ay magkasing-level lang sila sakin...

Ngayon palang ako lalabas para matulog. Kung sa tingin nyo sirena parin ako, you're wrong. Dahil dun sa potion na binigay nya dati naging isa akong tao. Ewan ko kung paano bumalik para maging isang sirena ulit.

Pagkaalis ko don ay pumunta muna ako ng kusina para kumuha ng isang baso ng tubig. Napansin ko si yaya na naka-upo sa isa sa upuan ng dinning table. Pagkakuha ko ng tubig ay umupo muna ako sa isa sa mga upuan para makausap si yaya...

Nagulat sya nung nakita nya akong nakaupo sa isa sa mga upuan.

"Kung may problema po kayo pwede nyo pong ibahagi sakin," sabi ko sa kanya.

"Ah salamat, anak!" nung narinig ko ang salitang anak ay nalungkot ako ng bahagya dahil nga sa mag isa akong namuhay mula pagkabata...

"Naranasan mo na bang malawalan ng minamahal sa buhay?" panimulang tanong nya.

"Ahmm, hindi po eh..." sagot ko saka ngumiti sa kanya ng mapait.

"Ang totoo po kasi nyan ay wala po akong mga magulang, ni tumayong magulang wala po. Kahit kamag-anak po wala akong kilala," sagot ko saka ngumiti ulit ng mapait.

"Mayroon akong anak kaso matagal na siyang patay..." napayuko sya nung sinabi nya ang huling salita sa sinabi nya.

Ako nga hindi ko alam kung buhay pa sila o patay na.

"Hindi ko sya pinagsisisihang maging anak. Napakabait nyang anak," malungkot na sabi nya. "Kailan po ba sya namatay?" curious na tanong ko.

Nakita kong mas lalo syang nalungkot dahil sa sinabi ko. "Ahh... Kahit wag nyo na pong sagutin!" sabi ko rito.

"Ayos lang... Ang totoo nyan ay hindi ko alam kung patay na ba talaga sya. We just declared that my daughter is dead. Idiniklara namin yon dahil hindi na talaga sya matagpuan. Idiniklara naming patay na sya nung August 21, 2006, kung kailan mga pitong taong gulang na sya..." sabi nya sakin. So, babae pala ang nawawala o patay na nyang anak.

"Ang birthday n'ya ay April 27, 1999," sabi pa niya sakin. "Eh ikaw anak, pano mo nalalaman ang edad mo kung hindi mo alam ang birthday mo?" kunot-noong tanong nya sakin.

"Ah, based daw po sa hitsura ko magkasing-edad daw po kami ni Stella. Ang binigay nya po saking birthday ay April 4, 1999 kaya naice-celebrate po namin ang birthday ko kahit hindi ko po alam ang real birthday ko," sagot ko rito habang nakangiti.

"Ah anak? Nasaan si Stella?" tanong nya. "Umalis po kaninang madaling araw..." sagot ko

"Alam mo anak, naaalala ko sa iyo ang anak ko. Pwede bang anak nalang ang itawag ko sayo?" tanong nya sakin. Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Ah opo, basta po sa isang kondisyon..." sabi ko.

"Ano naman yon anak?" tanong ulit nya.

"Ahmm, tatawagin ko po kayong mama..." sabi ko saka kami nagtawanan...

"Ahmm, ano po pangalan ng anak niyo?"

"Kenna Wo-- I mean Kenna Salvador."

~~~~~~~~~~

Stella's POV

Nagulat ako nung bigla akong napunta kung nasaan ang mga kasamahan naming bampira sa isang kisap ng mga mata ko. I don't even know why...

Maraming alitaptap at paru-paro ang lumilipad sa kalangitan para magsilbing liwanag. Meron ding mga halaman na umiilaw...

"Sa likod mo!" rinig kong sigaw ni Dave. Medyo nalito rin ako sa sinabi kaya hindi ko malaman kung ano gagawin ko.

Napalingon ako dun sa sinasabi nyang sa likod ko, isang dark gray wolf na malapit na at pasugod sakin na para bang handang patayin ako.

Nagulat nalang ako nang may humila sakin sa bandang kanan ko. Tiningnan ko kung sino. Drake. Napalingon naman ako sa kanya. "You owe me," sabi nya saka nagsmirk. Nang mapansin kong yakap-yakap nya ako ay tinulak ko agad sya palayo sakin.

Nakita ko namang may tatlong dark gray wolves na pasugod sa likod nya. Ikinumpas ko naman ang dalawa kong kamay hanggang sa nagkaroon ng malawak at matataas na ice wall sa likod nya. "Paid!" sabi ko rito saka nagsmirk.

"Wahhh!" isang malakas na sigaw na palapit ng palapit sa lugar namin. Halos lahat kami nakaharap sa direkyon kung saan namin naririnig ang sigaw. Si Ella...

"Wahhhhhh!" tuloy-tuloy na sigaw nito hanggang sa nakita na namin sya na tumatakbo na parang hinahabol. Pinapasunod ko kasi yung white wolf sa kanya.

Halos mayakap na nya yung likod ni Vlad dahil nagtatago sya dun sa white wolf.

Napatingin naman si Vlad sa mga kamay na nakayakap sa kanya. Napailing nalang ako sa inasal ni Ella...

"N-Nandyan lang s-siya sa tabi-tabi..." nanginginig na sabi niya. Teka, hindi niya nakikita yung mga lobo? Eto lang sa harap ko nakaupo at nakaharap sa kanila.

"She's right, maging alisto kayo. Hindi natin sya nakikita, nararamdaman o kahit maamoy man lang," mahinang sabi ni Vlad saka sila umayos ng tayo at naghanda. Kita ko naman ang saya ng kambal sa mga mata nila na parang sinasabing...

Sus, gusto mo lang kamong yakap-yakap ka ni Ella tapos kami lang yung magiging alisto...

Bahagya naman akong natawa sa iniisip ko.

Narinig ko naman silang kambal na nagpipigil ng tawa. Hmm, parang tama yung iniisip ko...

"Ehh?" sabi ni Cait habang nakatingin sa mga dark gray wolves na umupo at unting-unting naging puti ang kanilang mga balahibo. Si Ella naman ay lumayo na kay Vlad saka inayos ang tayo at pinagpagan ang damit.

Nilingon ko yung white wolf na leader nila, alpha... Nakaharap parin siya sa kanila hanggang sa nawala na siya ulit.

Nilingon ko naman yung white wolves na umatake kanina. Nilalambing nila ang mga kasamahan ko, kumbaga ay parang na tame...

May lumapit sakin na isa sa mga white wolves habang nakatitig sakin. Tinitigan ko naman ang mukha nya pagkatapos non ay umalis sya ganon din ang mga kasama nya...

"Balik na tayo," sabi ni Dave. It's already 11:58  PM.

"We should head back to the academy." sabi ni Drake.

"Oo." sagot nila pero ako tumango lang.

"Pero yung mga gamit natin, balikan muna natin," sabi naman ni Ella.

~~~~~~~~~~

12:14 am, Wed

Ella's POV

Nagtipon-tipon na kami sa bonfire namin Sinimulan na ni James ang pag-chant ng spell para gumawa ng portal. Naayos na rin namin ang gamit na dala namin.

"The portal is ready," sabi ni James. Isa isa kaming pumasok sa portal at napunta naman kami sa harap ng clinic ng academy...

Napapikit at napahawak nalang ako ng noo ko nung bigla akong nahilo. Hindi naman siguro to dahil sa portal kase nung una akong pumasok doon ay hindi naman ako nagkaganito....

"Woah.... Sam!"

"Pnew! Buti nasalo mo sya. Bilis dalhin na natin sila sa loob!"

"Ella!" namalayan ko nalang na may kung sinong sumapo sakin nang mawalan ako ng balanse at ang sumunod na nangyari ay nilamon ako ng kadiliman...

Vladimir Academy: School for Vampires and etcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon