Chapter 27: Amnesia

73 5 0
                                    

Chapter XXVII: Amnesia

Legends are hard to kill, like a weed, they don't easily die...

~Stella

~~~~~~~~~~

Someone's POV

Naalala ko nanaman yung huling dalawang babaeng kambal na nakita ko. Yung isa sa kambal ay dinapuan ko sa ulo saka naging isang koronang bulaklak. Maganda kasi ang babaeng 'yon...

Ako rin yung nang-hypnotize sa kambal at mga royalties na kasamahan nila at dun ko rin nalaman na hindi sya tinablan ng pag hypnotize ko sa kanya. Yung kakambal naman nyang isa ay kamukha ang aking kaibigan na si Zaira, ang yumaong reyna ng Aqua Kingdom...

Ako ang nangangalaga sa gubat na pinuntahan nila. Sabihin na nating ako ang dyosa ng kapaligiran...

~~~~~~~~~~

Zack's POV

"Ano ba talaga nangyayari sa kambal?!" pasigaw na tanong ni HM sa mga kalapit kong mga nurse. Kadarating lang nya.

Lumingon naman sakin ang ilan sa mga nurse. Halos nanginginig silang tumitig samin saka kay HM...

"N-Nandun s-sila..." turo ng isa sa kanila sa isa pang kwarto. Nagteleport si HM sa kung saan. Agad naman kaming nagpunta doon sa kwarto na tinuro ng isa sa nurse....

"Goddess..."

"Oh my god!"

Ilan lang yan sa mga ibinulong ng mga kasamahan ko. Ang iba ay napasinghap at nagulat sa nakita, ang iba naman ay nakakunot ang noo ganun din ako...

Si Goddess Terra na dyosa ng lupa at kalikasan ay nasa harapan namin! S'ya ang pinakabagong dyosa sa lahat, ayon sa aming mga magulang.

Lahat kasi ng gods at goddesses ay nagpapakita daw tuwing every 100 years. Ngayon nga siguro ang 100 years nya...

May kulay brown na may highlights na blonde ang kulay ng buhok niya. Dark green naman ang kulay ng kanyang kasuotan.

Magkatabi sila ni HM. Sa kaliwa si HM, sa kanan naman siya. Ang mga magulang naman ng kambal ay nasa sulok at nakaupo sa upuan habang hawak ang mga gamit ng kanilang kambal na anak.

Ibinukas ng dyosa ang kaliwang kamay nya habang nakaharap kay HM saka may lumabas na lilang bulaklak na pinapalibutan ng mga lumilipad na alitaptap. Ang dulo ng mga petals ng bulaklak.

Pumitas sya ng talulot ng bulaklak at dinikit sa tapat ng puso ng dalawa. Tinakpan ko naman ng kamay ang mga mata ko dahil sa matinding pagliwanag ng petals na nasa dibdib nila...

"That's Violett's Amethyst Flower. May taglay na makapagpagaling... Magigising din sila mamaya..." paliwanag nya saka sya nawala...

~~~~~~~~~~

Third Person's POV

11:00 pm

Unti-unting iminulat ni Ella ang kanyang mga mata. Napahawak sya sa noo nya kasabay ng pag-upo nya sa hinihigaan nya. Masayang tumingin sa kanya ang mga royalties ganun din ang mga nurse pati rin ang HM.

"Daughter!" tuwang sambit ni Jasmine sa anak nya kasabay ng paglapit at pagyakap nya rito.

"Did you just call me daughter?" maarteng tanong nito saka dahan-dahang itinulak si Jasmine. Nagulat sila sa ginawa nito.

"What happened? Where am I?" nakapikit na tanong nya habang hawak-hawak pa rin ang noo.

"You and your twin touched the flower..." sagot ni HM sa tanong nya, kahit masakit pa rin ang ulo ay lumingon sa rito.

Vladimir Academy: School for Vampires and etcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon