Chapter 30: The Burning Hospital

77 5 0
                                    

Chapter XXX: The Burning Hospital

Third Person's POV

4 hours later...

"Aray naman!" sigaw ni Zack sa kakambal nang hawakan nitong muli ang kaliwang braso. Paano ba naman kasi ang kaliwang braso nya ay napilay gayun din ang mga binti nito sa pagkakabagsak n'ya mula sa buhawi nung nakaraang araw...

Nasa clinic ang royalties, binabantayan ang napilayan na si Zack.

"Buti at sinuwerte ka pa sa nangyari sayo," ngising sabi ni Caitlyn. Inis na lumingon dito si Zack.

"Swerte?! Swerte ba yung nilipad ng buhawi ng napakataas?!" bulyaw nya rito.

"Sorry to burst your bubble, Zack, kasi 7 feet lang naman talaga ang nilipad mo. Mababa lang kaya yun," natatawang sabi ni Caitlyn. Natawa na rin si Jennylyn.

~~~Flashback 4 hours ago~~~

Nang mahigop sya ng isang buhawi ay agad din syang nawala doon at muli syang nabalik sa kwartong kanina nya kinalalagyan at saka rin sya nahulog.

*Blaggg!*

"ARAY!" hiyaw nya dahil sa pagkakahulog. Napahawak ito sa brasong tumama sa sahig.

Pumasok sa kwarto si Dave at sinaklolohan ang kanyang kakambal.

"Ang tanga mo naman!" tumatawang sabi nito.

"Kaysa sumbatan mo ako, tulungan mo nalang ako..."

Hinawakan ng kakambal ang kanyang kaliwang braso kaso...

"Aray ko, aray ko, aray ko!" halos magpagulong-gulong na ito sa sahig sa sakit na nadarama.

"Ay sorry!" hindi mapigilang tawa ni Dave sa kakambal.

"Sa kanan mo kasi ako alalayan!" ang emosyon ni Zack ay galit na may halong sakit.

Pumasok na rin sa kwarto ang iba pang royalties.

"I'll help you," saka inilahad ni Drake ang kaliwa nyang kamay kay Zack.

Tiningnan nya muna ang kamay ni Drake. "Salamat," natutuwang pasasalamat nito saka niya inabot ang kamay ni Drake. Inilalayan nya ito patayo pero base sa reaksyon ni Zack ay mas nasaktan pa ito.

Mukhang pati ang dalawang binti nito ay napilay rin sa nangyari.

Tinulungan na din nina Dave at Vlad si Zack. Inalalayan sya ng dalawa sa likod. Si James naman ay gumawa ng portal papuntang clinic.

~~~End of the flashback~~~

"Kung hindi kita nakita kanina baka lasug-lasog na yang katawan mo" pagmamalaki ni Caitlyn. Sabagay, hindi ko sya masisisi. Sya kasi ang nag-power off ng system ng training room na pinag-ensayuhan ni Zack.

"Salamat, Cait..." pasasalamat nito.

Bahagya itong nagulat sa sinabi ni Zack. Never pa kasi ito nagpasalamat sa lahat ng kabutihang ginawa nya mula pagkabata.

"Welcome..." tanging nasabi nito.

"Wait, guys kamusta na kaya yung isa pang kambal..." napapaisip na tanong ni Zack. Animo'y pati pilay nya ay nakalimutan.

"Shocks! Oo nga pala!" gulat na sabi ni Jennylyn. Dahil din sa abala sila sa dami ng nangyayari sa academy.

"Eh di dalawin natin sila mamaya tutal..." tumingin si Dave sa sariling relo...

Vladimir Academy: School for Vampires and etcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon