CHAPTER 02

1.2K 51 1
                                    

Chapter 02:

Walang siglang bumangon ako sa kama dahil hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kagabi dahil sa pag-iyak ko sa ginawa ni Grey.

Sigurado ako na umalis na naman iyon. Siya 'yong tipo ng tao na hindi nagtatagal na manatili sa bahay lalo na pagkasama ako.

Nag-ayos muna ako ng sarili sa loob ng banyo, saka ngumiti sa harapan ng salamin.

Maganda naman ako kung hindi lang ako manang manamit.

Malalaking damit ang sinusuot ko at palaging nakasuot ng eye glasses na malaki sa 'kin. Ewan ko ba kung nasaan na ang dating ako, malayo na sa realidad.

Masyadong nagpapadala sa mga nangyayari sa 'min ni Grey, tulad ng dati na palagi akong nag-aayos para sa kanya ngunit hindi naman ako pinapansin kaya nakakawalang ganang mag-ayos.

Dumiretso ako sa kusina dahil nakaramdam na ako ng gutom. Tsk, hindi naman ako masyadong marunong magluto kaya nga minsan nakikikain na lang ako kay Jove.

"Ang aga mo naman yatang nagising." Nagulat ako ng makita si Grey sa kusina na nagkakape habang may hawak na diyaryo.

"Ba't hindi ka pa umaalis ng bahay?" Tanong ko dito dahil hindi ako makapaniwala na naabutan ko ito ngayon sa kusina.

Nakita ko na nilapag niya ang diyaryo sa lamesa at tinignan ako na walang emosyon.

"Maybe you forgot about it, it's also my house. Pinalalayas mo na ako?!" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bahay nga ito, hindi motel o hotel na magdadala ka ng babae na ikakama mo lang." Hindi ko gustong makipagbangayan kay Grey ngayon kaya pumunta ako sa island counter para magluto ng pancake.

Naiinis na ako kay Grey dahil sa kagabi pero wala akong karapatan.

"You cried last night, didn't you?" hindi ko ito nilingon. "Akala ko sa limang taon na pagsasama natin mapapaamo mo ako, pero hindi pala. Hindi mo alam kung gaano kita kinamumuhian ng sobra, lahat sinira mo sa 'kin dahil lang sa pagiging makasarili mo." Parang mawawalan ako ng hininga dahil sa mga sinabi niya, ang sakit.

Tangina! Kahit gusto kong umiyak ay hindi pwede kaya pilit akong ngumiti sa kanya ng lumingon ako.

"How can I tame you? Kung ikaw ang umiiwas. Sa limang taon na pagsasama natin hindi mo ako hinahayaan na makapasok sa puso mo. Palagi kang umaalis ng bahay natin na hindi ko alam kung saan ka pupunta. Gusto kong magalit sa 'yo pero hindi pwede dahil mahal kita," ayaw kong umiyak sa harapan niya dahil naninikip ang dibdib ko. "Sana naman kung wala kang respito sa 'kin irespito mo naman ang bahay na ito, huwag kang magdala ng babae." Dagdag ko.

"Hindi ko maiwasan na magdala ng babae sa bahay na ito. I'm a man, at may pangangailangan ako." Parang piniga ulit ang puso ko.

Pwede naman ako, hindi ba? Ako na lang basta huwag lang ang ibang babae.

"Edi maghotel kayo." Hindi ko mapigilan ang pagsigaw sa kanya para itago ang nararamdaman ko kaya narinig ko ang pagtawa nito na nakaka-asar.

"Five years ago, we made a deal about this fucking arranged marriage. Malapit na ang 26th birthday mo, kapag hindi mo pa ako mapaamo sa natitirang oras ay ako mismo ang magpapa-annul sa kasal natin." Tumayo ito sa kinauupuan niya na marahan naglalakad sa pwesto ko.

Agad kong naalala ang naging kasunduan namin.

*Flashback*

"Ito ba talaga ang gusto mo? Ang ipilit ang sarili mo sa 'kin?" Hindi ako makapagsalita dahil nakikita ko ang galit sa mga mata niya.

Affection Series 01: Taming My Elusive Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon