Chapter 14:
Ramdam ko ang init ng katawan ni Grey na yumayakap sa 'kin dahil pareho kaming walang saplot na kumot lang ang nakatakip sa kahubaran namin.
Tiningala ko ito na payapang natutulog habang naka-awang ang mapupulang labi. Ang sexy talaga ng asawa ko kahit tulog.
Umangat ako sa pagkakahiga upang marahan siyang halikan sa labi na walang sabing inalis ko ang braso niya na nakayakap sa baywang ko.
Walang pakialam na bumangon ako sa kama na hubad ang katawan na dumiretso sa banyo para gawin ang morning routine ko.
Binuksan ko ang shower dahil mainit ang katawan ko at medyo malagkit. Napailing na lang ako ng maalala ko kagabi ang mainit na pinagsaluhan namin ni Grey.
Tsk! Masyadong wild and rough ang asawa ko sa gano'ng bagay lalo na ay gusto na niya ng anak.
Nakakatuwang isipin na malapit na kaming bumuo ng pamilya.
Agad kong tinapos ang paglilinis ko ng katawan dahil ipagluluto ko ng agahan si Grey, ipagluluto ko siya ng paborito niyang ulam na menudong manok.
Dahan-dahan lang ako lumabas ng kwarto para hindi magising ito at agad kong tinahak ang kusina.
Mabuti na lang talaga ay kompleto ang mga rekado para sa lulutuin. Kaya inuna ko muna ang linisin ang manok bago ang iba.
Inabala ko ang sarili ko sa pagluluto para naman makuha ko ang perfect seasoning at para mamangha si Grey sa 'kin na may ipagmamalaki na ako sa kanya.
Naghintay lang ako ng ilang minuto bago maluto ang ulam at nagsain din ng kanin kaya halos bumabalot ang amoy nito sa kusina.
Ngunit napaigtad ako sa kinatatayuan ko na malapit sa stove dahil may umakap sa 'kin mula sa likod at hinalikan ang batok ko.
"Good morning, Baby." Bulong niya sa tainga ko.
Napangiti ako. "Good morning din." Humarap ako sa kanya na agad siya binigyan ng smack kiss.
"Luto na yung ulam. Kain na tayo o mamaya na kasi mainit pa?" Tanong ko.
"Ikaw ang gusto kong kainin." Pinaghalik-halikan niya ang buong mukha ko kaya natawa ako ng marahan na marahan siyang tinutulak.
"Tumigil ka nga! Kagabi mo pa ako pinagod!" Natatawang komento ko na medyo pasinghal kaya ngumuso ito sa 'kin.
"Ayaw mo na ba sa akin?!" Parang batang tanong niya.
Mas lumapit pa ako sa kanya bago bumulong. "Mamaya na natin gawin iyon. Pero ngayon magbihis ka muna." Ngising sambit ko kaya lumayo ito na nakakunot ang noo.
"Hindi mo ba gusto ang six packs abs ko?" Parang nayayamot ito kaya mas lalo akong napatawa.
"Silly husband!" umiling ako. "Magsuot ka nga ng short baka may biglang pumasok sa bahay." Utos ko dahil boxer lang ang tanging suot niya na bakat talaga ang pagkalalaki nito.
"Opo, Wifey! Magbibihis na ako." Sambit niya na agad lumayo sa 'kin na narinig kong umakyat na ito ng hagdan.
Natatawang umiling na lang ako dahil ang aga-aga ay iba ang gustong kainin. Naalala ko tuloy 'yong birthday gift niya sa 'kin na maliban sa kwintas ay may isa pa lang romantic love making na hindi ko makakalimutan na ginawa namin dahil halos abutin kami ng umaga.
Inayos ko na lang ang mesa para paghanda ng pagkain namin. At hindi naman nagtagal ay bumababa na si Grey sa hagdan na nakabihis na ng maayos at nakangiti pa itong lumapit sa 'kin.

BINABASA MO ANG
Affection Series 01: Taming My Elusive Husband [COMPLETED]
General FictionCTTO sa book cover na ginamit ko. [UNDER EDITING AND REVISING] [R-18] They say love is all about happiness but for her, it's all about sacrifice. Daig niya pa ang may sakit na nakakahawa dahil palagi siyang tinutulak palayo ng taong mahal niya. Ngun...