CHAPTER 13

935 38 0
                                    

Chapter 13:

Nang makasakay na kami sa yate ay naramdaman kong binuhay ni Grey ang makina nito kaya dahan-dahan na itong umaandar sa dagat.

"Tayo lang ba ang nakasakay sa yate?" Tanong ko ng papalapit na siya sa 'kin.

"Yes," hinawakan niya ang baywang ko. "Doon tayo sa upper deck." Inalalayan niya akong naglakad papunta sa hagdanan.

Nasa dalawang palapag ang yate na ito na ang thema ng kulay ay black and white.

"Sa 'yo ba ito?" Tanong ko pa.

"Yeah! I bought it four years ago." Sagot niya kaya napatango ako.

"It's cozy. Nakakawala ng stress." Kibit-balikat na turan ko.

"Kaya nga dinala kita rito dahil lagi kang stress sa trabaho mo." Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko.

"Eh, 'asan na ang regalo mo?!" Tanong ko ng marating na namin ang upper deck.

"Mamaya na, nasa kwarto kasi." Nilingon ko siya kaya nakita kong nakangisi siya ng nakakaloko.

"Baka iba ang sinasabi mong regalo." Sarkistong turan ko.

"Pangako na magugustuhan mo." Tumawa siya sa 'kin.

Umirap ako sa kanya bago humiwalay para pumunta sa railing. Napatingin ako sa kulay asul na karagatan at tiningala ang langit na may mga bituin na kumikislap.

Naramdaman kong yumakap sa 'kin si Grey mula sa likod at hinalikan ang batok ko.

"Happy Birthday." Bulong niya.

"Thank you," masayang turan ko. "Ang saya ko dahil hindi mo ina- annul ang kasal natin."

"Hindi ako papayag na mawalay ka sa 'kin. Mahal kita ng sobra." Mas lalong humigpit ang yakap niya.

"Siguro kung noon mo pa sinabi na mahal mo ako baka inisip ko na noon na ako ang pinakaswerteng babae sa mundo." Hindi ko maiwasan maging emosyon.

Ayokong isipin ang mga bagay noon na tuwing sasapit ang kaarawan ko na hindi ako pinahahalagahan ni Grey.

Pinihit niya ako paharap sa kanya at inangat ang baba ko para magpantay ang mga mata namin.

"I'm sorry. Ang laki ng kasalanan ko sayo, napakagago ko." Nababasa ko sa mata niya ang pagsisisi.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Mahal kita kaya hindi ako magagalit o magtatampo sayo." Ngumiti ako ng matamis.

Pinaglapat niya ang mga ilong namin kaya pumikit ako bago siya magsalita.

"I promise, if we already finish our undercover mission ay aalis na ako sa ahensiya dahil bubuo tayo ng malaking pamilya at pakakasalan kita sa simbahan." Napangiti ako sa sinabi niya na ramdam kong seryuso siya.

"I'll wait that day, Grey." Turan ko.
Humiwalay siya sa 'kin kaya nagmulat ako ng mata.

"You have my words, Clarise," hinalikan niya ako sa noo. "Kaya kong talikuran ang mundong kinagagalawan ko na halos sampung taon, kaya ko silang talikuran para sayo dahil gusto ko magkaroon ng normal na buhay para sa mga magiging anak natin." Hindi ko alam kung bakit napaiyak ako sa sinabi niya.

"Sa pagkakataon na ito ay iisipin ko na ako na ang pinakaswerteng babae sa mundo dahil nasa piling ako ng taong mahal ko." Suminghot ako.

"Always remember that I will love you forever." Pinahid niya ang mga luha ko.

Affection Series 01: Taming My Elusive Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon