Chapter 08:
Parang wala lang nangyari sa 'kin noong isang araw ngunit bumabalik pa rin sa isip ko ang mensahe na mula sa Red Phoenixxxx.
Kaya napabuntong-hininga ako at lihim napangiti ng makita ko cellphone na may tumatawag.
"Hi Mom!" Sagot ko sa tawag.
"Hello, my Honey!" Awts! na miss ko ang boses ng ina ko na siya ang tumawag sa 'kin ngayon.
"I'm glad na tinawagan niyo po ako." Napanguso ako na animo'y nakikita ni mommy.
"As if naman matitiis ko ang Honey ko. I miss you, Baby, and your Dad also miss you." Kahit kailan malambing talaga ang ina ko at hindi ko ikaka-ila na swerte ako sa kanila.
"Miss ko na rin kayo ni Dad. Tatlong taon na kayo sa London, pero kailan po kayo uuwi ng Pilipinas?" Tanong ko.
"Sabi ng Daddy mo pag may anak ka na daw." Binuntutan niya ito ng tawa kaya napasimangot ako.
"Pero wala pang laman ang tiyan ko." Umiling ako na parang bang nakikita niya.
"So sad! By the way, kamusta ang relasyon niyo ng asawa mo? Nag-wowork ba anak? Gusto mo gumawa ako ng paraan para mapasayo ang puso niya? Just tell me, honey, dahil gagawin ko lahat para sa 'yo." Ramdam ko na seryuso ang boses ng ina ko.
Kahit kailan ay ibinibigay niya sa 'kin ang lahat ng gusto ko kahit may masaktan pa siyang damdamin ng ibang tao. Tulad na lang ang ginawa niya sa 'min ni Grey, kahit ayaw ng tao na ikasal sa 'kin ay ginawan ni Mommy ng paraan ito kahit pinagbantaan pa siya ng asawa ko na hindi mangyayari ang gusto ko, ang ikasal sa kanya.
Siguro ito ang dahilan kung bakit spoiled brat akong lumaki ngunit wala akong pinagsisihan 'dun.
"Actually, nagkakaayos na ang relasyon namin pero ayokong umasa agad lalo na hindi ko kabisado ang takbo ng isip ni Grey." Totoong sagot ko.
"That was great to heard, Honey, at least may pag-asa na. At sana naman pag-uwi namin ay may apo na kami ng daddy mo." Masyadong halata na masaya ito.
"By the way Mom, asan si Dad?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Oh, nasa Canada siya ngayon para sa business trip, don't worry patatawagin ko siya sa 'yo."
"Sige po aasahan ko." Napangiti ako.
"Oh, siya anak! Papatayin ko na ang tawag dahil nandito na ang mga kaibigan ko. Alam mo naman na mahilig si Mommy sa mga shopping kaya pupunta kami ngayon sa mall."
"Ingat po kayo d'yan Mom, kayo ni Dad." Turan ko.
"We will Honey. By the way, don't forget to make our grandchildren with your husband," tumawa ito sa sinabi niya kaya ngumiti ako. "Always remember that Mommy and Daddy will always love you, I love you my dearest daughter... I love you Clarise Zaylee Legazpi-Octavious." Gusto kong umiyak dahil tinuturing pa din nila akong baby, nakakataba lang ng puso.
BINABASA MO ANG
Affection Series 01: Taming My Elusive Husband [COMPLETED]
General FictionCTTO sa book cover na ginamit ko. [UNDER EDITING AND REVISING] [R-18] They say love is all about happiness but for her, it's all about sacrifice. Daig niya pa ang may sakit na nakakahawa dahil palagi siyang tinutulak palayo ng taong mahal niya. Ngun...