Chapter 05:
Grey's P.OV.
Hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko kaya huminga ako ng malalim para kumalma.
Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil hindi ko matanggap sa sarili na nakita ko kahapon ang asawa ko habang may kasamang lalaki at parang pinipiga ang puso ko sa panibugho.
Akala ko mahal niya ako pero hindi pala. At kung gano'n man, ay lahat gagawin ko para mapasa 'kin lang lubusan ang puso nito.
Kahit hindi ko ito kasama araw-araw ay palagi akong dumadaan sa boutique niya para tignan kung naka-uwi na ito sa bahay at para maka-sigurado kung ayos lang ito.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si Secretary Martinez.
"Mr. President, nandito ang ibang papeles na mula sa HR Department na bigay ni Mr. Kang para pirmahan niyo." Nilapag nito ang mga papeles sa lamesa ko at tinunguan ko lang ito.
"Bukas ko tatapusin ang pagpirma sa mga iyan." Sambit ko.
"Yes Mr. President. By the way, may meeting po kayo mamaya sa Finance Department."
"Anong oras?" Tanong ko dito na hinarap ang laptop ko.
"Three o'clock in the afternoon."
"Sige." Maikling turan ko.
Kaya naramdaman kong yumuko si Secretary Martinez sa 'akin na lumabas na ng opisina ko.
Sumandal ako sa swivel chair at inabot ang cellphone na katabi lang ng laptop at tinignan ang wallpaper nito.
Isang litratong na kung saan nasa loob ng sariling boutique ang asawa ko habang gumagawa ng gown.
Clarise's P.O.V.
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Matias at Hermoine na nasa platform. Kweni-kuwento nila sa mga tao kung paano sila nagka-kilala.
"Smile sweetheart," bulong ni Faro na nasa tabi ko. "Parang binagsakan ng langit ang mukha mo." Dagdag niya kaya napasimangot ako.
"Umasa ako kanina na siya ang date ko ngayon." Walang ganang turan ko at tinapunan ng tingin kung nasaan ang pwesto nila Grey.
"Tsk. That was stupid idea. Huwag ka kasing umasa sa lahat ng bagay dahil sa huli ikaw lang ang masasaktan." Lumingon ako kay Faro na walang buhay ang mata.
"Sorry, kung na abala kita."
"Tsk, wala akong sinabi na naabala mo ako."
"Salamat pala dahil ikaw ang ka-date ko ngayon, si Jove kasi hindi makakarating dahil may imbestigasyon daw sila na gagawin sa Negros." Turan ko dahil hindi nakadalo si Jove sa engagement party.
"I understand na busy talaga ang kaibigan mo. By the way, no need to thank me dahil imbitado din ako sa party ni Matias." Nakangiting sambit niya.
Hindi ko alam na magkakilala pala sila ni Matias Sandoval dahil wala naman siya sinasabi sa 'kin.
Walang umimik sa 'min na binalik ang atensyon sa nagsasalita.
"Ladies and Gentlemen, let's have a toast for this wonderful evening." Nakangiting turan ni Matias na sabay taas ng kopita kaya sumunod kami na ininom ang laman ng kopita na hawak namin.
"Enjoy the party." Sambit niya na katabi si Maine na sabay silang bumaba ng platform.
"Batiin natin sila." Saad ni Faro na tumayo sa tabi ko at inilahad ang kanyang palad sa 'kin kaya tinanggap ko 'yun.
BINABASA MO ANG
Affection Series 01: Taming My Elusive Husband [COMPLETED]
General FictionCTTO sa book cover na ginamit ko. [UNDER EDITING AND REVISING] [R-18] They say love is all about happiness but for her, it's all about sacrifice. Daig niya pa ang may sakit na nakakahawa dahil palagi siyang tinutulak palayo ng taong mahal niya. Ngun...