Chapter 09:
Hindi ko maalis ang tingin kay Grey na nagmamaneho ng sasakyan niya patungo sa Valdemir's Liquor Company.
Naalala ko pa kaninang umaga na kinulit niya ako na sumama sa kanya at hindi ko naman kayang hindian siya dahil nangako ako noong isang araw na sasama ako sa opisina niya.
"Kamusta ang business trip niyo?" Hindi ko maiwasan magtanong dahil lumipas ang ilang araw na hindi ko pa siya natanong sa bagay na iyon.
"Nakakapagod at nakakabagot." Maikling sagot niya kaya iniwas ko na ang tingin sa kanya.
Hindi na lang ako nagsalita at diretso ang tingin sa kalsada. Pero naramdaman kong tumingin sa 'kin si Grey pero hindi ko pinansin iyon.
"Ang ganda mo pala paghindi suot ang malaking salamin mo." Lihim akong napangiti sa sinabi niya.
"Hindi naman ako nagsasalamin paglumalabas ng bahay o nasa trabaho." Turan ko sabay tingin sa kanya.
"At hindi ka na masyadong manang manamit." Dagdag niya pa.
Tama ang sinabi niya, hindi na ako masyadong manang manamit siguro ay dahil nagbabago na ang sarili ko sa mga style na gusto ko noon, gusto kong mapansin ni Grey na may ganda akong taglay.
"Well, I'll take that as a compliment." Ngumiti ako sa kanya.
"Tsk, sigurado na marami ang titingin sa 'yo mamaya sa company ko dahil sa suot mong over-fitted red dress." Sarkasmong komento niya napailing ako.
"Sexy naman ako, 'di ba?!" Hinaplos ko ang braso niya na natatakpan ng suot niyang kulay asul na polo.
"Indeed Baby. Kaya dapat ako lang ako nakakakita sa ka-sexy-han mo." Ngumiti siya sa 'kin ng kaakit-akit.
"Don't worry sayo lang naman ako." Lumayo ako sa kanya.
"That's was amazing to heard." Umiilang siya na nakatingin parin sa 'kin.
"I know. By the way, tumingin kana sa kalsada baka mabangga tayo." Turan ko dahil kanina pa niya hindi inaalis ang tingin sa gawi ko.
"Kaya kong magmamaneho ng sasakyan kahit hindi tumitingin sa kalsada at kaya ko rin magmaneho na nakapikit ang mga mata ko." Nginisihan niya ako ng nakakaloko.
"Naku, ang desgrasya palaging nakabuntot sayo kahit gaano kapa kagaling o kaingat sa mga bagay."
"Okay po! Titingin na ako sa kalsada lalo na ay kasama kita." Nabigla ako ng umangat siya sa kanyang kinauupuan at inabot ang batok ko gamit ang isang kamay niya na walang salitang hinalikan ang noo ko at hinalikan ang labi ko ng mapusok kaya napaungol ako ng konti dahil kinagat niya ang pang-ibabang labi.
Humiwalay na siya sa 'kin na may ngisi sa labi. "Lasang pancake." Komento niya kaya pakiramdam ko namula ang magkabilang pisngi ko.
"Siguro dahil iyon ang kinain ko kanina." Mahinang sambit ko.
"Gusto kong tikman 'yan ulit." Huling salitang niya na kinindatan ako at tumingin na ng diretso sa kalsada.
Pinabibilis mo ang tibok ng puso ko, Mr. Octavious.
Wala ng umimik sa 'min kaya kinalikot ko na lang ang cellphone ko para libangin ang sarili.
At hindi ko alam kung ilang minuto ang biyahe namin dahil nasa harapan na kami sa gusali ng kompanya ni Grey.
Pumasok kami sa basement nila na wari'y ko ay patungo sa parking lot at hindi nga ako nagkamali dahil makita ko ang mga nakaparadang sasakyan.
Huminto na kami kaya nilingon niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/234988176-288-k51051.jpg)
BINABASA MO ANG
Affection Series 01: Taming My Elusive Husband [COMPLETED]
General FictionCTTO sa book cover na ginamit ko. [UNDER EDITING AND REVISING] [R-18] They say love is all about happiness but for her, it's all about sacrifice. Daig niya pa ang may sakit na nakakahawa dahil palagi siyang tinutulak palayo ng taong mahal niya. Ngun...