CHAPTER 18

776 28 0
                                    

Chapter 18:

Nasa veranda kami ngayon sa pangalawang palapag ng mansion ni Grey at kasama ko si Lola Vien na abala sa pagbuburda ng puting panyo.

"Gusto ko ng babaeng apo sa tuhod." Napatingin ako kay Lola dahil sumulyap ito sa akin mula sa pagtatahi.

Kararating lang kahapon ni Lola Vien mula sa Brazil dahil agad daw niya tinapos ang meeting 'dun para lang makasama kami ni Grey.

"Kaso ang gusto ni Grey ay lalaki." Natatawang komento ko.

Nang malaman ni Lola Vien na buntis ako ay sobrang saya nito para sa 'min ng asawa ko, lalo na ay magkaka-apo na daw siya sa tuhod.

Nakita kong niyuko nito ang binuburda at tumingin ulit sa 'kin na nakangiti.

"Ayan! Tapos na ang burda ko." Tinanggap ko ang panyo na inabot niya sakin kaya tinignan ko iyon at hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa nakasulat na 'The First Child of Grey and Clarise Octavious'.

"Iyan ang palagi mong gamitin pag manganak ka na," tumingin ako kay lola. "Sa tuwing pupunasan mo ang apo ko sa tuhod ng maligamgam na tubig, tuwing paliliguan niyo ito."

"Syempre po. Lalo na ay kayo ang gumawa nito." Segunda ko.

"Maiba ako apo, kailan ang uwi ng mga magulang mo sa Pilipinas?!" Tanong niya sa 'kin.

"Ang sabi nila pagmatapos na 'yung business nila sa London at ang sabi din nila na uuwi sila ng Pilipinas bago ako manganak." Sagot ko.

"Mabuti kung gano'n." Nakita kong tumango-tango pa si lola.

Hindi ako agad naka-pagsalita ng makarinig ako ng yabag ng paa kaya pareho kami ni Lola Vien napatingin sa sliding door na may pumasok doon.

"At ano naman ang pinag-uusapan ng dalawang babaeng mahal ko?" Lumapit muna si Grey kay Lola Vien upang halikan sa pisngi bago umupo sa katabi ng upuan ko na binigyan ako ng smack kiss sa labi.

Kaya hindi ko maiwasan kiligan dahil hinalikan niya ako sa harapan pa talaga ng lola niya kaya lihim ko itong kinurot sa baywang na hindi man lang pinansin.

"Pinag-uusapan lang naman namin ni Zaylee kung paanong hindi siya sisipot sa simbahan sa araw ng kasal niyo." Napangiti ako sa sagot ni lola sa tanong ni Grey dahil nakangisi pa ito.

"Tsk, don't kidding at me like that, Grandma Victorina." Napalingon ako kay Grey na nakasimangot ngayon kaya marahan kong ikinawit ang braso ko sa kanya at sumandal sa kanya.

"Ano kaya kung hindi talaga ako sumipot?" Tiningala ko ito na may ngisi.

Tinignan ako nito ng madilim na mukha.

"'Wag nga kayong magbiro ng ganyan." Kahit medyo malakas ang pagkakasabi niya sa mga salitang iyon ay hindi ko maiwasan mapangiti.

"Biro lang po." Inabot ko ang tungkil ng ilong niya para pisilin ng marahan kaya ngumuso ito sa 'kin.

"Ang cute niyo talagang tignan," sabay kaming napalingon kay Lola Vien na nakangiti ito sa amin. "Napakasaya ko talaga na kayo ay malapit ng ikasal." Dagdag pa nito.

"Mas masaya ako dahil makakadalo kayo sa kasal namin ng asawa ko." Naramdaman kong hinalikan ni Grey ang ulo ko na nakangiting nakatingin kay lola ng diretso.

"Kami na ang mag-aayos sa mga invitation card na ibinigay sa mga bisita." Turan ni Lola Vien.

Napangiti ako. "Thank you po, Lola Vien." Malambing na sambit ko.

"Gusto ko sa Pilipinas ikasal kaming dalawa ni Clarise para sigurado ako na hindi siya makakawala sa buhay ko." Napataas ako ng kilay kay Grey ng bumaling siya sa 'kin.

Affection Series 01: Taming My Elusive Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon