Chapter 19:
Agad kong tinapos ang pagtitipa sa keyboard ng laptop na walang pag-aalinlangan na ibinigay ang resignation letter sa ahensiya namin sa pamamagitan ng e-mail. Kaya ng mag-loading iyon ng ilang segundo at na-sent na rin sa wakas.
Alam ko naman na maiintindihan ng AHIA ang rason ko sa pag-alis dahil buntis ako at bawal sa ahensiya namin ang bagay na iyon dahil ayaw ng Superior namin na may madamay na inosenteng buhay.
Nag-inat ako ng mga braso dahil sa pagod at marahan na minasahe ang mga darili ko bago sumadal sa kinauupuan ko.
Nakatambay ako ngayon sa Lanai ng bahay namin. Samantala si Grey, ay nasa kusina para gumawa ng snack naming dalawa.
Kauuwi lang namin kahapon galing sa Espanya na kasama si Lola Vien pero nasa meeting si lola ngayon. Sumama siya sa 'min sa pagbalik ng Pilipinas dahil magkakaroon daw ng engagement party para sa amin ng apo niya.
Nang maramdaman kong may dumating mula sa likuran ko ay lumingon ako at wala sa sariling nginitian ko ito na papalapit na sa mesa.
"Here's your snack, Baby." Inilapag ni Grey ang tray sa lamesa at hinalikan ako sa labi bago umupo sa bakanteng upuan.
Nang makita ko ang pagkain sa tray ay bigla akong na-crave dahil may pancake siyang ginawa para sa akin na may kasamang strawberry syrup.
"Ang sweet talaga ng asawa ko dahil hindi niya kinalimutan ang pancake." Bumaling ako sa kanya na may ngiti sa labi.
"Syempre! Hindi ko makakalimutang gumawa ng pancake kasi paborito 'yon ng asawa ko." medyong may pagka-baby talk na turan niya.
"Asus. Ikaw talaga." Malambing na turan ko na biglang pinitik ang tungkil ng ilong niya kaya agad niya iyon hinawakan at tumingin sa 'kin ng diretso na hindi maipinta ang mukha.
"Iisipin ko talaga na naglilihi kana at ako naman ang pinaglihian mo." Segunda niya kaya tumawa ako.
Siguro tama ang sinabi niya na pinaglilihian ko siya dahil minsan hindi buo ang araw ko paghindi ko siya napipikon o nabibiro man lang.
"Okay lang naman na ikaw ang paglihian ko, dahil ikaw naman ang ama ng dinadala ko." Kinindatan ko siya nakita kong umiling ito at uminom ng pineapple juice kaya kumuha na lang din ako ng pancake para kumain.
"Hindi ko maiwasan kiligan sa narinig na ako ang ama ng dinadala mo." Namula ang tainga niya kaya hindi ko maiwasan na abutin iyon para pingutin iyon.
"Silly! Ikaw lang naman ang umaangkin sa akin tuwing gabi," walang salitang hinalikan ko ang pisngi niya. "I love you, Baby." Dagdag ko na ngumiti ng malawak.
"I love you more, my Wife." Inabot niya ang batok ko na agad sinakop ang labi ko upang halikan na biglang naman humiwalay sa akin dahil baka may makakita sa amin mula sa labas.
"Dadating na mamaya ang mga magulang mo galing London, kaya magluluto ako para sa dinner." Bigla akong na-excite sa narinig dahil muntik ko ng makalimutan na uuwi na pala ang mga magulang ko.
"Tutulong ako." Segunda ko.
"Sure, Baby. Masarap ka namang magluto e." Natatawang komento niya na hinalikan ang tungkil ng ilong ko kaya napanguso ako.
"Sana talaga compliment ang sinabi mo na masarap akong magluto at hindi insulto, dahil hindi mo kasi ako hinahayaang magluto sa kusina." Ngumuso ako sa kanya na parang bata kaya tumawa siya ng marahan.
"Nah. Masarap kang magluto Mrs. Octavious, kaya hindi lang kita pinagluluto ng pagkain natin dahil ayokong mapagod ka." Mas lumapit pa siya sa akin na walang pag-aalinlangan na hinalikan na naman ako pero banda ng leeg ko.
BINABASA MO ANG
Affection Series 01: Taming My Elusive Husband [COMPLETED]
General FictionCTTO sa book cover na ginamit ko. [UNDER EDITING AND REVISING] [R-18] They say love is all about happiness but for her, it's all about sacrifice. Daig niya pa ang may sakit na nakakahawa dahil palagi siyang tinutulak palayo ng taong mahal niya. Ngun...