A

73 4 0
                                    

a.) Mix Oil and Water
b.) Create a Potassium Cyanide.
c.) Pick up two random chemicals and mix it.

You chose a/c!
Continue?
YES | No

-+-

I picked up the two erlenmeyer flasks and mixed it, but... nothing happened.

I stared at it for a long time and I keep on mixing and stirring it up but still, wala pa ring nangyayari. Para na akong tanga ngayon sa harap habang nakakarinig ako ng mahihinang bungisngis.

Sige, pagtawanan niyo lang ako, sa susunod ako na ang hahalakhak sa inyo habang nagmamakaawa kayo para sa buhay niyo.

"Park," tawag sa akin ng Professor namin sa Chemistry. Tinignan ko ang nameplate niya at nakita kong Dela Rosa ang surname niya. I looked at him, with my ice cold eyes. "You did great! I commend you for doing that. Parang napakahirap gawin noon ah!"

He smirks at me, na nagpapahiwatig that he's sounding sarcastic. Wala akong pakialam sa sarcasms niya, kaya pinili ko na lamang na bumalik sa upuan ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na saksakin ng ballpen na nasa bulsa ko ang lahat ng taong pinagtatawanan ako ng palihim.

Maingay akong umupo sa upuan ko habang hawak ang itim kong ballpen saka bumalik sa pagsusulat sa itim kong notebook. Napatingin ang lahat sa direksyon ko dahil sa dinulot na nakakabinging ingay ng upuan ko. Most of them glared at me, and God knows how I controlled myself from pricking out their eyeballs from their eye sockets.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jia. "Ayos lang 'yun! Halos lahat naman tayo rito wala pang alam sa Chemistry maliban na lang sa mga nerd na nakagawa na. Kaya nga tayo pumasok dito 'di ba? Para matuto? Asdgdkagdldlj."

May mga sinabi pa siya ngunit hindi ko na pinakinggan iyon, wala akong panahon para alalahanin pa ang pagcomfort niya sa akin. As if I'm pleading her to do it. Tss.

At saka, hindi totoong wala akong alam sa Chemistry. I could even make poisons out of those things on the table but I chose not to. I wanna be discreet. Kung pipiliin ko mang mambiktima gamit ang lason, they won't suspect me of being the culprit because they all think that I'm dumb at this subject. Well, they are all dumber.

"Now class," They all turned to our Professor's direction after he called all of us. Hindi ako tumingin sa kanya at pinagmasdan lang ang madidilim na ulap na namumuo sa labas.

Nice.

If I am to make a crime right now. It would be a perfect opportunity dahil hindi maririnig ang mga sigaw nila dahil matatakpan ito ng malakas na pag-ulan. The windows are even closed because the room is air-conditioned

Should I do it now or not?

Nah.

'Wag muna ngayon.

"You saw him, right?" tanong ng professor namin probably referring to me. "That's what dumb persons do."

I smirked.

"People tend to think that they're superior over anyone kaya akala nila magtatagumpay sila sa lahat. Akala ng mga tao, mas magaling sila sa lahat. Now, what happened? Nagpakitang gilas siya without even knowing what substances are in these erlenmeyer flasks. This is because of the lack of knowledge. Ganyan ang ginagawa ng mga bobo." that ugly Dela Rosa said.

Insult me more. I wanna hear more. And if it exceed the limitations of my patience, you'll know what kind of monster I am.

"Makinig kayo sa akin, ha? I'm saying this para matuto kayong lahat. Hindi tulad ng bobong lalaking iyon na hindi siguro tinuruan ng mga magulang niya. Baka mas masahol pa sa kanya ang nanay niya kaya hindi siya naturuan ng maayos."

Nice.

Okay.

He wanted me to do it, really?

Should I do it now?

a.) Lock the door.
b.) Close his eyes.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

If you chose a.), please proceed to ENDING 1

If you chose b.), please proceed to Chapter C

To Write The Perfect Murder || a reader-based storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon