F

33 3 0
                                    

Binuksan ko ang pintuan pagkatapos ng tatlong katok kahit na may mantsa pa ng dugo ang damit ko. Hindi na ako makapag-isip ng maayos ngayon.

Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Jia. Tila alam niya ang maaari kong gawin, alam niya kung ano ang kapasidad ko.

"Ayos ka lang b—" Napatigil siya nang makita ang bakas ng mga pulang marka sa damit ko.

"A-ano yan?" hindi niya makapaniwalang sambit. Alam kong alam niya kung ano ang mantsang iyon pero hanggang ngayon ay gulat pa rin siya sa bilis ng lahat.

I just smirked at her and ignored her feared expression when suddenly someone shouted.

"AAAAAHHHHHH!" tili ng babae mula sa likuran ni Jia.

Naghihisterikal siya roon at tinuturo ang nasa paanan ko. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ang malapot na pulang likidong umaagos na rito.

Shit. I'm doomed!

Nagsisisigaw na ang babae at nagpaikot-ikot sa buong corridor so it attracted an unwanted attention to anyone near us. Nagsilabasan ang mga estudyante at guro sa kanya kanyang mga classroom at nakiusiyoso kaya wala na akong kawala pa rito.

Damn. I remembered earlier that policemen are just lurking around the area because of my fire alarm prank earlier. I didn't realize that I did dug my own grave when I pressed that button.

Kaagad kong hinawi si Jia sa daraanan ko at sinagi siya nang marahan saka tumakbo palabas ng opisina ni Mrs. Castro. With bloodstains in my white polo and a bloody pen in my hand, I quickly caught the attention of everyone.

Shouts and gasps filled the place. Kaagad kong tinapon sa isang tabi ang murder weapon na ginamit ko. Nagpaikot ikot ako ng tingin sa lahat, unable to do anything but to stand still there.

Natutuliro ako ngayon at hindi na makapag-isip pa ng maayos dahil alam kong pumalpak ako. Shit. If only I have known this would happen, I shouldn't have opened that door when Jia knocked three times. Why the hell didn't I think on the situation?

Pero wala na akong magagawa ngayon. Nangyari na ang lahat, and if I keep on blaming myself for what stupidity I did, tiyak na matatalo ako. And I don't wanna lose in my game. I wanna feel victorious because that's what I wanted. I wanted to be known as a bad villain, but I never wanted to be caught.

Alam ko na ang kailangan kong gawin ngayon. There's only one thing left to do, escape. I am no coward but escaping is the best choice right now. I can still feel the lingering stares of many people kaya kaagad kong inihakbang ang mga paa ko papalayo roon.

And yes, I ran. I ran and ran and ran. Kusa namang nagbibigay ng daan ang lahat ng nasa harapan ko, probably because of fear. It gives me a free access papalabas but no, it wasn't that easy.

Narinig ko na lamang na may mga bodyguard na ng eskuwelahan na nasunod sa akin sa likuran. They keep on shouting at me to stop but I am no idiot to do that.

Nakalabas na ako ng eskuwelahan, at malayo na rin ako sa mga matataba at matatandang guwardiyang iyon kaya napangisi ako, I thought I wouldn't make it.

But before I could make another step again, cars in blue and red lights came rushing to my side. Police siren leads the cacophony and I only have one thing left to do.

a.) Surrender.
b.) Fight back.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

If you chose a.), please proceed to ENDING 4

If you chose b.), please proceed to ENDING 5

To Write The Perfect Murder || a reader-based storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon