ENDING 9

27 3 0
                                    

"P-please...."

I closed my eyes and shut it hard. I breathed deeply.

Should I do this or not?

I sighed.

I picked up the knife beside my mother and held it tightly. Nag-aalangan ako kung dapat ko bang gamitin ito sa kanya. But when I saw the expression that her eyes are giving, it pained me. Natamaan ako nito. Kitang-kita ko ang lahat ng paghihirap na dinadanas ng nanay ko mula sa mga mata niya. Bigla ay gusto kong maibsan ang lahat ng paghihirap niya.

"S-sige na, Gradient... Do it."

Muli akong huminga ng malalim saka ko itinaas ang kamay ko. Itinarak ko ang kutsilyo sa mismong puso ng nanay ko.

I smiled bitterly at her at inaasahan ko ring ganun ang isusukli niya sa akin, but her expression screams the opposite.

"W-why... why did you do this, Gradient?" she asked me, tears falling unstoppably from her eyes.

W-what's happening?

I thought she wants me to stab her? To stop her sufferings?

Namasa ang mata ko. Nararamdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko. Ano bang ginawa ko?

"G-gradient..." tinawag ako ni nanay. "B-bakit?"

Nakarinig ako ng mga hakbang papalapit pero wala na akong lakas pa para lingunin ito.

"Kuya!" sigaw ni Hue. "Anong nangya— M-mama?"

"Ma!" tumakbo siya papaapit sa amin at bahagya akong tinulak. Niyakap niya ang nanay namin.

"A-anong ginawa mo, kuya?!" nauutal niyang tanong. "Bakit mo nagawa 'to kay nanay, kuya?"

I looked at my mother but I can see again the expression she was giving me earlier. She, then, smiled proudly. "Si Hue naman, anak..."

I looked at her with so much confusion. Bakit parang hindi man lang siya nasasaktan?

Pinunasan ko ang mga luhang napatak sa mga mata ko at tiningnan si Hue. Nakangiti lang rin siya sa akin, katulad ng ekspresiyon na binibigay ni nanay.

"Sige lang, kuya. Saksakin mo na ako..." He, then, smiled... or was it a grin?

Nalilito na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Anong nangyayari?

"Kuya! Naririnig mo ba ako? Anong nangyayari sa'yo?" tanong muli ni Hue.

"Saksakin mo na ako, kuya..." udyok ni Hue.

"G-gradient... ayos ka lang ba?" hirap na hirap na sambit ng nanay ko.

"Gradient. Naghihintay si Hue. Do it." Nagbago ang ekspresiyon niya.

"Kuya!"

"Do it, Gradient!"

"G-gradient..."

"A-anong nangyayari?"

"Saksakin mo na ako, kuya.."

"Can you do it, Gradient?"

"K-kuya?"

"Kaya mo ba, kuya?"

"AAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!" I shouted as I held the knife firmly and stabbed my brother in the chest.

Hingal na hingal ako pagkatapos. Tumingala ako sa kanila, but the only thing that I can see is Hue's pained expression and my mother's closed eyes.

A-anong nangyari?

"K-kuya..." Hue called me while his blood is dripping down his chest. "I love you, k-kuya..."

And he closed his eyes thereafter.

To Write The Perfect Murder || a reader-based storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon