a.) Go to the kitchen.
b.) Go upstairsYou chose a!
Continue?
YES | No-+-
"WALANG-HIYA KA! PUTANGINA!"
Umaliwangwang ang malakas na tinig ng tatay ko sa buong kusina. Kitang-kita ko kung paano nagkakapira-piraso ang mga plato namin na naririto.
Galit na galit si papa. Tila may lumalabas na usok sa ilong niya. Gayunpaman, hindi niya magawang masaktan si mama lalo na't alam niyang naririto na ako.
Tiningnan ko si mama. Nakaupo siya sa sahig na tila ba galing lang sa pagkatumba. Nakasuot siya ng itim na sleeveless dress that hugs her perfect body. Napakaiksi nito, na hindi man lang umabot sa kalahati ng kanyang hita. Nakinang-kinang pa ito. Ang kanyang mukha ay may make-up pa. Hindi niya pa rin natatanggal ang kahit na anong accessories niya.
Nagawi ang tingin niya sa akin. Nakita ko bigla ang takot sa mga mata niya hindi ko malamang dahilan. Kung ito ba'y dahil sa nakita niya ako o dahil ayaw niyang nakikita ko siya sa ganitong klaseng kalagayan.
"Ma!" Tinakbo ko ang espasyo sa pgitan namin saka ko siya tinulungang tumayo. "A-ayos ka lang ba?"
Tumango na lamang siya na tila ba nahihiya. Tumalikod ako sa kanya at hinarap ang ngayong galit na galit pa rin na tatay ko.
"Anong ginawa mo sa kanya?" matapang kong tanong.
Saglit na natigilan ang tatay ko at nang makabawi ay nagbalik ang kaninang ekspresiyon.
"Tanong mo diyan sa puta mong nanay!" galit na sabi niya saka naglakad papalapit sa amin at hinigit si mama. Kaagad ko siyang pinadapuan ng suntok sa mukha kaya napaatras siya. Tumingin lamang siya ng matalim sa akin.
"Gradient!" sigaw niya. "'Wag ka nang makialam! At talagang kakampihan mo pa 'yang putanginang malanding 'yan ah?!"
Nayukom ko ang kamao ko. Palagi akong nagtitimpi sa tuwing pinagsasasabihan ng tatay ko ng masasakit na salita ang nanay ko. Alam ko namang nagkamali ang nanay ko noon pa man, pero kailangan ba talagang saktan pa? Alam kong napakahipokrito ko ngayon, dahil gusto ko rin manakit ng kapwa. Pero iba ang usapin na ito. Iba kung ang nanay mo na ang kasali rito.
Hindi ko rin kase maintindihan, kung bakit hanggang ngayon ay naglalalabas pa rin si mama sa kung anu-anong lugar at nagsusuot mg malalaswang damit. Iba ang iisipin ng mga tao at lalo na ni papa. He thinks that mom is cheating on him. Well, she really is.
Gusto ko nang makawala ang nanay ko sa malaimpernong bahay na ito. Gusto kong hindi niya maranasan lahat ng paghihirap na nararanasan niya ngayon. Siya lang ang kasakasama ko magmula noong bata ako. At siya lang ang tanging tao na tunay akong nag-aalala.
Palagi akong pinipigilan ng nanay ko sa tuwing gusto kong labanan ang tatay ko. Kayang-kaya ko ito. Bukod sa lango sa alak at sigarilyo, ay ubod din ng payat nito. Hindi ko lang alam kung mapipigilan ko pa ang tatay ko ngayon.
Hindi ko namalayan na nakalapit na ang tatay ko ngayon, saka niya hinigit ng napakalakas ang nanay ko mula sa akin. Hindi ako nakagalaw agad.
Nakita ko na lamang na pinadapo ng tatay ko ang isang malakas na sampal sa pisngi ng nanay ko kaya muling napatumba ang nanay ko at hindi inaasahang tumama ang ulo niya sa kanto ng lamesa.
Napakabilis ng lahat ng nangyari.
Sa isang iglap lang ay bumulagta ang katawan ng nanay ko sa sahig, halos wala nang buhay. Ang puting mga tiles ay unti-unting nababalutang ng mapulang likido na nanggagaling sa kanyang ulo. Hirap na hirap na siya ngayon at ang mata ay papapikit na.
Nilingon ko ang walang-hiyang may gawa nito. Nagpupuyos ako sa galit nang magtama ang paningin namin. Sa isang saglit tila nalimutan ko na kadugo ko siya at ang tanging nasa isipan ko ngayon ay ang kagustuhan kong patayin siya.
Kitang-kita ang takot sa mga mata niya nang masaksihan niya ang paghihirap na dinaranas ng nanay ko habang nakikipaglaban sa kamatayan. Gusto kong makita ko rin siyang nasa ganoong kalagayan.
Agad akong lumapit sa kung sana nakalagay ang mga kutsilyo dito sa kusina saka ko hinugot ang pinakamalaki rito. Napalunok siya.
A smirk was formed on my face. Napatingin ang tatay ko dahil sa anyo ko ngayon. The devil inside me has won this time. The demons inside me wants to express its wrath.
I quickly walked towards him when I heard my mother called me.
"G-gradient..."
a.) Turn around and go to your mother.
b.) Walk towards your father..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
If you chose a.), please proceed to Chapter K
If you chose b.), please proceed to ENDING 8
BINABASA MO ANG
To Write The Perfect Murder || a reader-based story
Mistério / SuspenseI am a psychopath. I am a writer. And I want to write a perfect ending for my murder story. Will you help me do it? ఌ︎ 𝚊 𝚛𝚎𝚊𝚍𝚎𝚛-𝚋𝚊𝚜𝚎𝚍 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 ᴄʜᴏᴏsᴇ ғᴏʀ ʜɪs ᴅᴇᴄɪsɪᴏɴs ғɪɴᴅ ᴜɴɪǫᴜᴇ ᴇɴᴅɪɴɢs