ENDING 3

28 3 0
                                    

𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛 𝗡𝗘𝗪𝗦

A body of a woman is found dead inside her office in the school she's working

She's known to be Ria Castro, 36 years old Senior High School Teacher.

The police said that she has several stab wounds, mostly in her face, but the identity of the killer is still unknown

That's all for today's news.

-+-

THIRD PERSON'S POV

Patuloy na tumatakbo si Gradient palayo sa school na pinanggalingan niya. Kahit nakakakaramdam na siya ng pagod, lamang pa rin ang satisfaction na nararamdaman niya ngayon.

Abot langit ang ngiti niya habang binabaybay ang madilim na kalsada. Gustong-gusto niya nang makarating sa kuwarto niya at isulat ang lahat ng nagawa niya.

Pagdating niya sa bahay nila ay kaagad niyang binuksan ang pintuan at hindi pinansin ang kapatid niyang nakaabang sa kanya. Pati na rin ang sigawan mula sa kusina ng mga magulang niya ay hindi niya na napagtuunan ng pansin dahil sa kasabikan na nadarama niya para pumunta sa kuwarto niya.

"Kuya!" sigaw ng nakababatang kapatid niya na si Hue ngunit binalewala niya lamang iyon at patakbong umakyat papunta sa kuwarto niya at isinara ito.

Kaagad niya ibinaba ang bag niyang dala at hinagilap ang kuwaderno niyang kulay itim at kaagad na nagsulat dito.

Ikinuwento niya ang bawat detalye ng kanyang krimeng ginawa. Sariwang-sariwa pa ito sa utak niya kaya maayos niya itong naisulat. Hindi niya na naalintana ang pagod at gutom dahil sa kapursigedaruhan niyang maisulat ang ginawa niya.

Isang napakamalokong ngisi ang lumabas sa mga labi niya. Nagawa niya na ito. Nagawa niya na ang bagay na inaasam niya. Ang gumawa 'di umano, ng isang perpektong pagpatay.

Ilang araw ang nakalipas at tuluyan niya nang natapos isulat ang kabuuan ng libro ng kuwento niya at ng biktima niyang si Mrs. Castro gamit ang ibang pangalan.

Pinaimprenta niya ito gamit ang pera niyang matagal niya nang pinag-ipunan. Mamamatay-tao man siya at isang psychopath, pangarap niya pa rin na makapaglimbag ng libro, at maging tanyag sa pagsulat ng ganitong klaseng mga kuwento. Sa tingin niya, ito na ang magiging tulay niya para makilala ng mga tao.

Dumating na ang araw kung kailan ilalabas ang libro niya. Malaking pera at pagod ang inilaan niya rito.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, walang pumansin ng akda niya. Nilangaw lamang ito sa estante ng mga pamilihan at kusang nasisira doon.

Nabigo siyang pukawin ang interes ng lahat sa pagpatay niya sa guro nang walang matibay na dahilan.

Hindi ito ang gusto niya.

Mahahanap mo kaya?

a.) Repeat.
b.) Repeat.
c.) Repeat.
d.) Repeat.
e.) Repeat.
f.) Repeat.
g.) Repeat.
h.) Repeat.
i.) Repeat.
j.) Repeat.
k.) Repeat.
l.) Repeat.
m

.) Repeat.
n.) Repeat.
o.) Repeat.
p.) Repeat.
q.) Repeat.
r.) Repeat.
s.) Repeat.
t.) Repeat.
u.) Repeat.
v.) Repeat.
w.) Repeat.
x.) Repeat.
y.) Repeat.
z.) Repeat.

-+-

A/N: Congratulations on finding the third ending of this book. Aww, hindi bumenta ang libro niya. You can try again, and try to change your choices to find another ending. Have fun!

To Write The Perfect Murder || a reader-based storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon