ADP 2 - Masterpiece

54.3K 1.4K 78
                                    


Kahit noon pa man ay hinahangaan na ni Jelyn ang daddy niyang isang magaling at tanyag na neuro-surgeon. Sariling sikap ang naging puhunan daw nito para makapagtapos ito sa pag-aaral ng medisina. Payak lang kasi ang pamumuhay nito sa probinsya noon kasama ang walo nitong mga kapatid. Nagpursige ito sa buhay hanggang sa nagkaroon na ito ng sariling pamilya.

Hindi naman masisisi ni Jelyn kung bakit palaging busy ang daddy niya. Napakasipag kasi nito sa trabaho. Kung hindi kinukulang ay nawawalan na nga ito ng oras sa pamilya nila. Lalo pa't naging Director na ito sa isang kilalang ospital. Doctor Jaime Delarmente, or Doc J to his peers and colleagues, is a one-word man. If he says no, it's really a no.


"Doc J, si Jelyn po nandito," bungad ng medical secretary. Kausap nito ang daddy niya sa kabilang line. "Sige po, okay po, sasabihin ko po sa kanya."

"Ano raw ang sabi ni dad, Miss Mai?" tanong niya sa medical secretary ng daddy niya.

"Nasa meeting pa kasi si Doc J, medyo matatagalan daw siya. Sabi niya ay iwan mo na lang daw sa'kin ang ipinabibigay mo sa kanya. Ako na ang bahala, Jel," nakangiting sagot nito sa kanya.

"Gano'n po ba? Uhm, puwede naman po akong maghintay dito sa kanya, 'di ba? I'll wait for him na lang."

"Are you sure? Baka mapagod ka sa paghihintay. Kung gusto mo doon ka na lang sa loob ng office ng daddy mo, Jel. Ano'ng gusto mong miryenda?"

"Naku, huwag na po, Miss Mai. I'm okay." She tried to give her a smile. Ang totoo ay hindi siya okay. Alam niyang wala siyang mapapala sa kahihintay sa daddy niya, pero she wanted to wait for him anyway. Tapos na rin naman ang klase niya. Hindi na niya makukuha pang makausap ito sa gabi dahil late na itong umuuwi.


***

Mahigit sa dalawang oras nang naghihintay si Jelyn. Hindi pa rin tapos ang meeting ng daddy niya. She wants to talk and personally give to him the program invitation and the two tickets. Sumali kasi siya sa isang art exposé sa school nila. Dahil sa isa itong funded activity ng school ay ang mga may tickets lang ang puwedeng makapasok doon sa loob ng mini auditorium kung saan ay gaganapin ang contest proper. Being a participant ay binigyan siya ng dalawang reserved seats as a privilege. Perfect sana kung nandito lang ang mommy niya.

Alas syete na ng gabi. Kailangan na niyang umuwi para makapaghanda. Maaga siyang pupunta bukas sa school dahil alas otso mag-uumpisa ang contest. The coordinator told them to be there at 7:30 in the morning.

Sighing, she got up from the couch. "Miss Mai, uuwi na lang po ako kasi medyo gabi na. Pakibigay na lang po ito kay Dad, please." She handed her the envelope. Nilagyan niya ito ng note sa loob.


Dear Dad,

I hope you can come tomorrow. I'll see you there.

Love,

Jelyn


***

Maagang nagising si Jelyn kinabukasan. Hindi na siya nakuha pang gisingin ni Nanay Luz dahil mas nauna pa siyang nagising dito. Umalis din siya ng bahay pagkatapos, bitbit ang isang canvas board, iba't ibang kulay ng oil paint, charcoal pencil at paint brush na gagamitin niya para sa contest.

Alas otso nang mag-umpisa ang contest. Tinawag silang magkakalahok isa-isa sa entablado. Nakangiti siyang pumunta roon nang tinawag na ang pangalan niya.

"From the College of Nursing, may we call on Ms. Jelyn Allyson Delarmente!"

Narinig niya ang palakpakan ng mga taong nandoon. Ang iba niyang mga kaklase at professors ay naroon din para suportahan siya. Siya ang naging representative ng college nila. Nang makaupo na siya sa ibabaw ng stage ay nilibot ng paningin niya ang kabuuan ng auditoriunm. Iniisa-isa niyang tiningnan ang mga mukha ng mga taong nandoon. Wala siyang nakita kahit anino ng daddy niya.

Nagsimula ang contest pagkatapos ipakilala ng emcee ang mga hurado at ipaliwanag ang mga rules and criteria for judging. Kabado niyang sinimulan ang kanyang masterpiece. Kahit na nakatuon ang atensyon niya sa iginuguhit ay minu-minuto namang napapagawi ang tingin niya sa entrance ng auditorium. Baka sakaling dumating ang daddy niya.

They were given one hour to finish their drawings. Halos kalahating oras na pero wala pa rin ang daddy niya. Minabuti na lamang niyang itinuon ang lahat na natitirang panahon para sa kanyang ginagawa.

Habang gumuguhit ay naisipan niyang hindi talaga siya mahalaga sa daddy niya. Ganoon naman palagi. Parang hindi na siya nasanay. Kailan pa ba naging abala ang daddy niya sa kanya? She remembered during elementary and high school days, sa tuwing may mga special events siya sa school ay wala ang daddy niya na dapat sana ay nandoon para suportahan siya. Si Nanay Luz na lang palagi ang kasama niya.

Half of her is feeling happy, and the other half is feeling sad. Masaya siya dahil natapos niya ang kanyang drawing, pero malungkot din dahil hindi dumating ang daddy niya.


Jelyn won second place. She faked a smile when she received her prize and certificate. Sinamahan pa siya ng Dean nila sa stage. Nang humarap siya para sa picture taking ay nagulat siya nang makita ang Ate Jessa niya sa baba, holding a camera, ready to take some pictures of her. Kumaway ito sa kanya saka siya sinalubong nang bumaba na siya mula sa stage.

"Congratulations, Jel! I'm so proud of you!" Niyakap siya nito. "Kung hindi ko kinausap si Nanay Luz ay hindi ko pa malalaman na sumasali ka pala sa mga ganitong contest. You're a great artist. Para sa akin ikaw ang winner! Ikaw ang first place!"

Hindi naman lingid sa kaalaman ng pamilya niya na mahilig siyang magdrawing kasi napupuno ang kwarto niya ng mga ito. But her dad and siblings don't know that she's into drawing contest sometimes. Para ano pa? Hindi naman mahalaga sa daddy niya kahit na manalo pa siya.

"Thank you, Ate." Niyakap niya ito pabalik. Alam niyang busy sa law office ang ate niya pero nakuha pang pumunta rito at i-congratulate siya. Ang nagkukunwaring masayang mukha niya kanina ay napalitan ng tunay na kagalakan. Mabuti pa ang ate niya, proud sa kanya.

At dahil sa nanalo siya ay nilibre siya nito ng lunch. The rest of her day became meaningful nang makita ang pinost ng ate niya sa facebook. Collage picture 'yon nilang dalawa hawak-hawak ang certificate niya at 'yong drawing niyang nanalo as second placer. Naka-tag din 'yon sa Kuya Jett niya.


Jessa Althea Delarmente:

With my baby sister and her winning masterpiece. Proud Ate here! Hala ka Jett, mas magaling pa ata si Jel sa'yong magdrawing... lol XD


Nag-comment din ang kuya niya.


Jethro Alvin Delarmente:

Oo nga! Hahaha. Congrats, baby sister! Let's celebrate pag-uwi ko. Love you both!

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon