Epilogue

47.3K 1.1K 98
                                    


May 23. Birthday ni Jelyn.

Pagkagising na pagkagising niya sa umaga, isang nakatuping pink na letter sa ibabaw ng kanyang bedside table ang agad nakakuha ng atensyon niya. Walang pakundangan niyang binuksan ito.


My Dearest Jelyn,

Happy Birthday, Anak! This letter has to be short. You know that I'm not really good in this. Ikaw lang ang kilala kong kayang mapuno ang sampung pages ng diary sa isang araw. Haha! Oopss... Please don't get mad at me. Nagbibiro lang si daddy. I love you, my little princess.

So, why did I write you a letter at the first place? Wala lang. I just want to greet you a happy happy birthday! Pagpasensyahan mo na si daddy. Minsan lang mangyari 'to. At baka hindi na maulit pa.

At dahil birthday ng pinakamamahal kong bunso, I have a gift for you. Kunin mo na lang sa Ate Jessa mo kasi nasa kanya. I hope you'll like it.

Enjoy the rest of your day! I love you!


Love,

Daddy


She laughed softly after reading her dad's birthday letter for her. Napaka-ikli lang ng sulat na 'yon pero naka-abot siya ng halos limang minuto para basahin ang kabuuan ng sulat dahil sa penmanship ng daddy niya. 'Yong mga nakikita niyang sulat ng mga doctor sa riceta ng mga gamot. 'Yon na 'yon ang sulat-kamay ng daddy niya. Para kasing kinahig ng manok.


***

Later that day ay nanuod sila ng movie ni Jake kasama ang Ate Jessa niya. Ito 'yong birthday gift ng daddy niya sa kanya- a movie for three. Hindi na siya nagulat pang kasama ang ate niya dahil kahit na medyo matagal-tagal na sila ni Jake ay todo bantay pa rin ang daddy niya. Even on their dates, dapat ay kasama pa rin ang Ate Jessa niya.

They decided to watch a rom-com movie. As usual, on the left side of the lower box ng sinehan nakaupo 'yong lovebirds, tapos sa kanan naman ay si Jessa, mag-isa lang ito.

"Who are you texting?" nakasimangot na tanong ni Jelyn kay Jake. Mag-uumpisa na ang movie pero hindi mapakali ang boyfriend niya. Wala nang ginawa ito kundi ang magtext nang magtext simula pa kanina.

"Someone," sagot nito.

Ugh. Today is her birthday! Dapat masaya lang. Ayaw niyang mabadtrip pero malapit na talaga siyang mapikon dito. "Ang swerte naman ng someone na 'yan." She faced him with a fake smile. Diniinan niya 'yong pagkakasabi sa someone.

"Hey, are you jealous?" natatawang tanong nito sa kanya. "Alam mo namang ikaw lang 'di ba?"

"Whatever!" She rolled her eyes.

"Halika nga rito."

Napapitlag si Jelyn nang bigla siyang kabigin ni Jake at yakapin nang sobrang higpit. "Ano ba!" she hissed. "Bitiwan mo nga ako!"

"Ayoko nga. Not until you believe every word I say."

Nagkasalubong ang dalawang kilay niya. "Ano na naman bang kadramahan ito, Jan Kelvin?"

"I just want to profess. Nagseselos ka eh," bulong nito habang yakap-yakap pa rin siya. "Wala akong katext na ibang babae. Ikaw lang saka si Mama. You know, you're the only girl of my dreams. Ikaw lang ang babaeng niligawan ko, hinabol-habol ko, ipinagdasal ko, pinangarap ko't minahal at mamahalin ko." Bumitaw ito sa kanya saka siya nito tinitigan. "I love you."

Nawala ang lahat ng inis na naramdaman niya kanina. She was about to say I love you too nang marinig nilang pareho ni Jake ang pagtikhim ng isang lalaki sa likuran nila. Lumingon silang dalawa. The guy stands very tall and has a good built. Halatang maputi ito dahil kitang-kita ang complexion nito sa loob ng sinehan. She recognized a familiar face nang tanggalin nito ang hood ng suot nitong jacket.

"Kuya Edge?" tanong ni Jelyn. If she was not mistaken, this guy is Jake's cousin. Nagkakilala sila nito last Christmas when Jake introduced her to the rest of his family.

"Uhm... H-hi, Jel!" bati nito sa kanya.

"Kuya! Ang tagal mo naman. You're always late!" pagmamaktol naman ni Jake kay Edge. "She's on the other side. Ikaw na ang maghanap. Bilisan mo at baka may nakaupo na sa tabi niya. Kasalanan mo 'yan, ang bagal mo kasi e."

"Chill! Masyado kang high-blood, Insan." Nagpa-alam si Edge sa kanila bago tumungo sa kabilang side ng sinehan. "Sige, doon na muna ako. Bye, Jel!"

Tumango lang dito si Jelyn. Nang maka-alis na ito ay saka niya tinanong si Jake sa mga nangyayari. Naguguluhan siya. "Si Kuya Edge ba 'yong ka-text mo kanina?"

"Yup!" nakangiting sagot ni Jake.

Tumango-tango siya but deep down she felt relieved. Akala niya kasi kanina ay kung sino na itong someone na katext ng boyfriend niya. "And who's this girl you're referring to na pupuntahan niya? May ka-blind date siya?"

Tinawanan siya ni Jake at saka inakbayan. "Hindi mo pa rin ma-gets 'no? Ang cute lang talaga ng mahal ko," sabi nito sabay kiss sa namumula niyang ilong.

"Ang alin nga?" malambing niyang tanong. Kinurot-kurot pa niya ito sa tiyan.

"Si Kuya Edge..."

"Ano?"

"Si Kuya Edge... siya ang ex-boyfriend ng Ate Jessa mo noon sa high school. First love nila ang isa't isa."


-wakas-

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon