ADP 9 - Letter

50.5K 1.1K 50
                                    


Kinabukasan ay umuwi si Doc J sa bahay nila. Ayaw pa sana niyang umuwi kaya lang ay pinilit siya ni Jessa. Wala pa rin kasi siyang matinong tulog simula nang matapos ang operasyon. Hindi siya nag-almusal at nagtanghalian. Nakabantay lang siya sa tabi ni Jelyn.

Nagmamadali siyang naligo at nagbihis. Ayaw naman niyang umidlip kahit sandali lang dahil ina-alala niya ang bunso. Umaasa pa rin siyang magigising ito. At gusto niya na sa pagmulat ni Jelyn ay siya agad ang unang makita nito. Papa-alis na sana ulit siya pabalik ng ospital nang mapadaan siya sa kwarto ni Jelyn. Nakabukas iyon ng bahagya kaya siya pumasok.

Puro mga drawings at litrato ang nakapaligid sa kwarto nito. Ang husay-husay gumuhit ng anak niya. Napag-alaman niyang mahilig ito sa kulay pink dahil halos lahat ng gamit sa loob nito ay 'yon ang kulay.

Ang nakakuha ng kanyang atensyon ay ang litrato ng asawa niyang si Arlene na nakapatong sa bedside table nito. Napa-upo siya sa kama at kinuha 'yon. Pinagmasdan niyang mabuti ang litrato. Labinsiyam na taon na pala ang nakakaraan.

Nang ibinalik na niya ang litrato ay napansin niya ang isang maliit na notebook sa tabi nito. Diary pala 'yon ni Jelyn. Binasa niya ang laman ng bawat pahina nito. Sa pinakahuling pahina ay nagulat siya nang makita na may naisulat doon ang anak para sa kanya.


Dear Dad,

        If you happen to open this letter, I must be in heaven right now. Isang himala na siguro 'yon ang makita kang binabasa ito, Dad. Hindi mo naman kasi ako napapansin. Pero okay lang.

       I just want to thank you for bringing me into this world. And I'm sorry that Mom died because of me. Kung ako lang sana ang may hawak ng kapalaran ko, mas gugustuhin ko pang ako na lang sana ang namatay. Buo at masaya sana kayo ngayon nina Mommy, Ate at Kuya. I'm sorry for being a big disappointment in your life. Sorry dahil hindi ako kasing talino ni Ate at kasing-galing ni Kuya. I'm sorry, Dad.

       You rarely talk to me, and even smile at least. Hindi ko na nga naaalala, Dad 'yong huli mo akong niyakap. Did you happen to hug me before when I was still a child? I can't really remember. To tell you, Dad, those were the lonely years of my life. I felt rejected, abandoned and unloved.

       Please don't get mad at me, Dad. Kahit na ang dami kong mga reklamo sa'yo, I want you to know that I am so proud to have you as my father. I am your number 1 fan. You're the best surgeon of my life! Thank you for being a great provider. Salamat dahil hindi ka nagkulang sa mga pangangailangan namin. You're the best dad in the whole world!

       I love you, Daddy!

      

       Love,

       Jelyn


Napahagulgol si Doc J nang matapos niyang basahin ang sulat ng anak. Bumuhos ang kanyang mga luha. Ganito rin ang naramdaman niya noong namatay ang kanyang asawa. Pakiramdam niya ngayon ay parang namatayan din siya ng anak. Isang pangyayari na kinatatakutan niya.

Ayaw niyang mawalan ulit ng isang mahalagang tao sa kanyang buhay. Hindi niya kakayanin kapag mangyari ulit 'yon. Sa sinulat ng anak ay doon niya napagtanto ang mga kakulangan niya bilang isang magulang, bilang isang ama.

Grabe ang sakripisyong ginawa niya para sa kanyang pamilya. Nagpakahirap siya sa trabaho para maibigay ang lahat sa mga anak niya. Naranasan niya kung paano mamuhay na walang-wala noon, kaya lahat ay ginawa niya para hindi iyon muling maranasan ng mga ito. Sinigurado niyang mamumuhay sila ng matiwasay at walang ina-alalang problema.

Akala niya'y magiging isang mabuti siyang ama kapag naibigay niya ang lahat-lahat sa mga anak. Magandang edukasyon, maayos na pamumuhay, masasarap na pagkain at lahat ng luho sa mundo. Pero mali siya. Dahil hindi pala matutumbasan ng kahit ano mang bagay sa mundo ang pagmamahal. Unconditional love. 'Yon ang hindi niya naipadama sa mga anak, lalong-lalo na sa bunso niya.

Kung hindi pa nangyari ang lahat ng ito ay habambuhay siyang nabubulag sa katotohan. Ang dami niyang pagkukulang kay Jelyn. Nang mga sandaling iyon ay napag-isipan niyang hindi pa huli ang lahat para makabawi siya rito. May pag-asa pang magkaayos silang mag-ama.

Pero paano pa siya makakabawi sa mga pagkukulang niya kung huli na ang lahat? Paano kapag hindi na ito magising pa?


***

Wala pa ring malay si Jelyn. Oras-oras na tsini-check at tinatanong ni Jessa ang mga nurses kung kamusta na ang kundisyon ng kapatid niya. They said her vital signs were okay. Nag-re-respond naman daw ito sa mga gamot na binibigay rito. Pero sabi ng head nurse ay hindi raw dapat sila magkumpyansa. There are some cases katulad ng kay Jelyn na basta-basta na lang daw nauuwi sa comatose ang pasyente kahit na mabuti naman ang vital signs nito. There's no assurance kumbaga. Still, hinihintay pa rin nilang magising ito.

"Good Lord, please help my sister!" sambit ni Jessa nang marinig ang mga sinabi ng mga nurses.

Pumunta siya sa chapel ng ospital. Kung mayroon man siyang gustong kausapin ay walang iba kundi Siya. Gusto niyang magdasal nang mataimtim dito. Magsusumamo siya sa Diyos na pagalingin ang kapatid niya.

Nagulat siya nang madatnan doon ang ama. Nakaluhod ito sa harap ng isang malaking crucifix.

Lumapit siya sa daddy niya. Bumalik ito sa pagkaka-upo nang makita siya sa likuran nito.

"'Nak, naging mabuting ama ba ako sa inyong tatlo?" tanong nito sa kanya. Ang mga mata nito'y nasa crucifix pa rin nakatuon.

"Of course, D-dad... Ginawa mo ang lahat para maprotektahan kami. Para mabigyan kami ng magandang kinabukasan," naiiyak niyang sagot.

"Pero bakit parang pinaparusahan yata ako ng Panginoon? Bakit kailangan pang maranasan ito ng kapatid mo?"

Hindi na napigilan ni Jessa ang maiyak. "Hindi, Dad. Pagsubok lang 'to sa pamilya natin. Binibigay sa'tin 'to para mas maging matatag pa tayo sa buhay. Hindi Niya ibibigay 'to kung hindi natin makakaya. Magtiwala lang tayo sa Kanya, Dad."

"Sorry, 'Nak." Humarap ang daddy niya sa kanya. "Alam kong ang dami kong mga pagkukulang sa inyo. Nawalan ako ng oras sa inyong tatlo. Naging mahigpit ako sa'yo. Naging unfair ako sa kapatid mo.

"Kasalanan ko pa rin ang lahat. Alam mo noong namatay ang Mommy ninyo, para akong tinakluban ng langit nang mga sandaling iyon. Hindi ko matanggap na wala na ang Mommy ninyo. Nagsumpaan kaming dalawa sa harap ng altar na magsasama habang buhay at bubuo ng isang masayang pamilya. Kumpleto na sana ang lahat pero ang lahat ng 'yon ay nawala sa isang iglap." Tuluyan nang umiyak ang daddy niya. Maging siya rin ay hindi na makapagsalita nang umagos ang mga luha niya sa pisngi.

"Simula noon ay naging workaholic na ako. Hindi ako naglalagi sa bahay dahil naaalala ko ang Mommy ninyo. Hindi ko kayang mabuhay na wala siya sa tabi ko. Kaya inilaan ko ang lahat ng oras ko sa trabaho. Hindi ko namamalayang meron na pala akong nakakaligtaang mga importanteng tao sa buhay ko. At kayo 'yon ng mga kapatid mo.

"I'm sorry... Sorry for being so strict. Sorry dahil hindi mo nagawa ang mga gusto mong gawin sa buhay. Sorry for making all of this hard for you. Sorry at hindi mo nagawang sundin ang laman ng puso mo. Takot lang naman ako noon na magaya kayo sa kinagisnan kong pamilya. Ayokong mangyari din 'yon sa inyo. Ayokong mamuhay kayo na maraming inaalala.

"Sorry dahil naging close-minded ako at ang naisip ko lang ay ang sarili ko. I was so depressed, Jess. Patawarin mo si daddy. Sorry... I'm so sorry, Anak."

"Ssshh... Dad, 'wag mo nang isipin pa 'yon. At wala kang kasalanan sa mga nangyari kay Jelyn. Ang mahalaga ay kung ano ang meron tayo ngayon. We can always have a new start. May purpose kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. At kahit na mahirap tanggapin, ay kailangan nating lumaban." Niyakap niya ang ama. "We'll get through this, Dad."

Her dad hugged her back.

Nagpupunas si Jessa ng kanyang mga luha nang biglang nagtatatakbong pumalapit si Jett sa kanila. Humahangos ito.

"Dad! Ate! Si Jelyn, nagka-seizure!"

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon