ADP 4 - Success

54.2K 1.1K 126
                                    


385.) Delarmente, Jethro Alvin S.


"Kuya! You made it! Congrats!" masayang bati ni Jelyn kay Jett sa kabilang line. Napatalon siya sa sobrang saya kanina nang makita ang pangalan ng kuya niya sa list of passers ng Architecture Licensure exam. Their dad will definitely be happy to hear this. Sa wakas ay nagbunga rin ang lahat ng pagod, puyat at pawis na ibinuhos ng kuya niya sa pag-aaral. Idol ni Jelyn ang kuya niya pagdating sa pagdo-drawing.

"Thank you, Jel!" sagot ng kuya niya. Mukhang pagod na pagod ang boses nito kahit na aminado namang masaya sa naging resulta ng licensure exam.

Buong buhay ay sinikap ng Kuya Jett niyang maging perpekto sa mga mata ng daddy nila. Pangalawang anak ito sa kanilang tatlong magkakapatid; nag-iisang lalaki kaya grabe ang pressure.

Sa tuwing mayroon silang family gatherings o kahit na anumang okasyon ay bukambibig palagi ang dalawa niyang kapatid na sina Jessa at Jett. Malayo na kasi ang narating ng mga ito.


Nagkaroon sila ng munting salu-salo kasama ang ilan pa nilang malalapit na kamag-anak at kaibigan nang makauwi si Jett galing sa Cebu.

"Congratulations, Jett!" bati ng Tita Beth nila. Nakababatang kapatid ito ng daddy nila. "May architect na si Kuya Jaime!"

"Thanks po, Tita," sagot naman ni Jett. Kahit kailan ay ramdam din ni Jelyn kung gaano nape-pressure ang kuya niya sa tuwing napapasali na sa usapan ang daddy nila. Their dad is one of the best so his brother needs to be one also.

All through out the party ay nakatago lang si Jelyn sa likod ng kuya niya. Napansin naman siya ng Tita Beth nila nang makita siya nito.

"Oh, well. Nandiyan ka pala, Jelyn." Nagtaas ito ng kilay sa kanya.

"Good evening po, Tita," bati niya sa tiyahin.

Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang sa paa. "How are you, Jel? You're already in third year, right?"

"O-opo..."

"So, what's your plan after college?" usyusong tanong ng tita niya. "Your Ate Jessa placedfifth in the bar exam, ngayon naman licensed architect na ang Kuya Jett mo. And you?"

Mabuti na lang at walang masyadong tao na nakikinig sa pag-uusap nila. There's nothing wrong with her aunt's question, but it sounded so insulting for her. Para bang ipinapamukha nito na ang dalawa niyang kapatid ay naging matagumpay sa buhay samantalang siya na bunso ay parang hindi makakarating sa finish line.

"H-hindi ko pa po alam, Tita. Mag-vo-volunteer po muna ako after taking the licensure exam," magalang niyang sagot.

"Ang dami ng nurses graduates ngayon." Umirap ito saka humalukipkip. "I'm sure sa call center lang ang bagsak mo!"

That statement from her aunt crashed her heart. It hurts when some of their relatives try to belittle her. Hindi raw kasi siya kasing talino kagaya ng Ate Jessa niya. Hindi siya kasing galing katulad ng Kuya Jett niya. That somehow made her sad. Bata pa lang sila ay ganito na ang treatment ng ilang mga kamag-anak nila and even their dad on her. Napaka-cold, parang wala lang silang paki-alam sa kanya.

Hinawakan siya ng Kuya Jett niya sa kamay. As much as possible, ayaw ng kuya niya na maramdamang iba siya sa kanilang magkakapatid. Her brother doesn't want her to feel being unloved. Kung hindi man siya kayang pahalagahan ng ibang tao, ang kuya niya ay gagawin ang lahat maipadama lang na mahal na mahal siya nito. Lalong-lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon