ADP 7 - Run

46.6K 1.1K 65
                                    



Jelyn has a curfew. Dapat alas syete ng gabi ay nakauwi na siya sa bahay nila. But this time she's willing to break some rules. All for the sake of love and happiness.

"Are you happy?" Jake asked her. Kasalukayan siyang ina-akbayan nito habang siya naman ay nakayakap dito. Pinagtabi nila ang dalawang upuan kanina saka sabay na pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

"Super happy. Thank you, Jake," she answered. "Ikaw? Did I make you happy too?"

"I think, I'm overjoyed," he chuckled.

Napangiti siya at mas lalong idiniin ang kanyang pisngi sa dibdib nito.

"Hmm... Hindi ka pa ba inaantok?" malambing na tanong ni Jake sa kanya mayamaya. "Kailangan na kitang i-uwi sa inyo, Jel. I'm sure sobrang nag-aalala na ngayon ang daddy at mga kapatid mo sa'yo."

"Five more minutes... please."

Walang may nakaka-alam kung nasaan siya ngayon kahit na ang Nanay Luz niya dahil alam niyang mag-aalala lang ito kung sakali mang gabi na siyang makaka-uwi. Pagkatapos siyang ihatid sa mall ng driver nila kanina ay nilakad niya lang papunta sa Rainbow Café. Malapit lang naman ito. She also turned off her phone para walang makaka-contact sa kanya. Alas diyes na pala nang tiningnan niya ang kanyang relo.

"Seriously, Jel, I need to bring you home now. Baka lalong magalit ang daddy mo nito sa 'yo... sa atin." She heard him sigh. "I'm sorry, this is all my fault."

"No, Jake. This will never be your fault. And besides, wala namang paki-alam si Dad sa'kin. Baka nga magpa-party pa 'yon 'pag nalaman niyang hindi na ako humihinga."

Jake stirred and looked at her. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "'Wag mong sabihin 'yan. Hindi mo alam kung gaano karami ang mga nagmamahal sa'yo. At kung sakaling mangyari 'yan, paano ako? I can't imagine my life without you, Jel," sabi nito saka siya hinalikan sa noo.

Nakipagtitigan lang siya rito. It's hard for her to absorb all those words from Jake. Ngayon lang niya naramdaman kung gaano siya ka-importante sa isang tao. She could not ask for more. Who would have thought that someone like him would make her feel so loved? Hinaplos niya ang mga kamay nitong nasa pisngi pa rin niya nakahawak. "Thank you for loving me, Jake," she whispered.

Both of them were teary-eyed. Niyakap siya nito nang napakahigpit. "I will never stop loving you, Jel, even in the next, next lifetime to come. No matter where I'll go, heaven or hell, my love for you will never be separated from me. You don't know how much joy you bring into my life. I love you."


***

Alas onse na nang makauwi si Jelyn sa kanilang bahay. She gave Jake a goodnight hug bago bumaba mula sa kotse nito. Halos malaglag ang panga ni Manong Bert, ang family driver nila nang pagbuksan siya ng gate. Kanina lang ay nakasimpleng tee shirt at skinny jeans lang siya nag umalis ng bahay, pero ngayon ay parang isa siyang prinsesang nakatakas mula sa malayong kaharian. Ang lapad ng ngiti niya nang sinalubong ang matanda.

"Bagay po ba sa'kin, Manong?" tanong niya.

"Ang ganda-ganda mo ngayon, hija!" manghang sambit ni Manong Bert sabay tingin sa security guard nilang napalingon din nang pumasok siya. "Kasing ganda mo si Ma'am Arlene."

"Talaga po?" Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang gown na suot. Kung buhay lang sana ang mommy niya, matutuwa siguro ito kapag nakita siyang nagsusuot ng ganito. "Sige po, mauna na po ako sa loob. Good night po, Manong!"


***

Bitbit ang isang bouquet, teddy bear at paper bag, huminga siya nang malalim bago buksan ang pinto ng bahay nila. She even smelled the roses and hugged the stuffed toy. Inisip niyang baka tulog na ang lahat dahil sarado na ang mga ilaw. Ano pa ba ang ini-expect niya?

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon