ADP 5 - Date

53.6K 1.1K 82
                                    


"Jelyn, may nagpapabigay."

Kinuha ni Jelyn mula sa kaklase ang isang bagong pitas na bulaklak. Kulay pink iyon na rose.

Heto na naman. Araw-araw na lang ay nagpaparamdam sa kanya si Jake- her suitor for almost two years.

"Sige, pakisabi na rin sa kanya thank you," nakangiti niyang sagot.

Nang makalayo-layo na ang kaklase ay agad niyang inamoy ang bulaklak. Jake never failed to surprise her everyday. Minsan nagugulat na lang siyang may nagpapabigay sa kanya ng balloon, chocolate o di kaya'y sulat. You're the world to me, minsan niyang nabasa sa sulat ni Jake. At kahit na gusto niya rin ito ay hindi pa rin niya kayang sagutin.

Her dad would surely be mad at her. Minsan na rin niyang nasaksihan kung paano nagalit ang daddy niya sa Ate Jessa niya noon dahil sa lalaking gustong-gusto ng ate niya pero ayaw naman nito para sa anak. Pinaghiwalay ng daddy niya ang mga ito at nagtangkang hindi pagpapa-aralin ang ate niya kung sakaling sumuyaw ito. No one is good enough for him.

Kaya hangga't maaari ay pinipigilan ni Jelyn ang sarili. Ayaw niyang mangyari din 'yon sa kanila ni Jake. Ipinapanalangin na lang niyang kakayanin pa ng binatang hintayin siya hannggang sa makagraduate silang pareho sa kolehiyo.

Pero may mga bagay talagang mahirap pigilan. Lalong-lalo na kapag ang puso na ang nagdidikta.


***

"Hi!"

"Hello!"

Nagtama ang mga mata nilang dalawa nang yumuko si Jake sa kabilang side ng bookshelf. They are usually talking with each other like this. Tanging mga mata lang ang nakikita ng isa't isa dahil sa mga librong nakapagitna sa kanilang dalawa. Sa library ang lover's place nila. Doon sa Filipiniana Section because students rarely visit this part of the library.

They started first as friends. Naging magkaklase sila nito sa isang minor na subject. Biology kasi ang kinukuhang kurso ng binata. Nagtapat ito sa kanya ng pag-ibig noong first year pa lamang sila at simula noon ay niligawan na siya.

Masaya silang pareho kapag magkasama kahit na nakatayo lang ito sa tabi niya. Napakatangkad ni Jake. Kulang na lang ng dalawang pulgada at masasabing 6-footer na ito. He has this chaste smile that makes him different from the rest. Pero ang pinaka nagustuhan niya rito ay ang pagiging mapag-unawa at maalaga nito sa kanya. Pilyo kung minsan ngunit nagiging emosyonal ito kapag ang pinag-uusapan ay tungkol na sa kanilang dalawa. Their feelings are very mutual. Sa mga ikinikilos at ipinapakita nila sa isa't isa'y masasabing magkasintahan na silang dalawa. Kulang na lang talaga ay sagutin niya ito.

Kumuha si Jake ng isang libro, umikot sa kabilang side ng bookshelf at pasimpleng tumayo sa tabi niya. Binuksan nito ang hawak na libro at nagkunwaring may binabasa roon. "Jel... may itatanong sana ako sa'yo."

"Ano 'yon?" tanong niya na ang tingin naman ay nasa mga nakahilerang libro rin doon.

"Kailan mo na 'ko sasagutin?"

Nalaglag ang panga ni Jelyn sa tanong ni Jake. Kung hindi siya nagkakamali, mga five months ago pa siya huling tinanong nito tungkol sa status nilang dalawa. Pinagsabihan niya itong bawal pa siyang magka-boyfriend kaya hanggang sa ligaw-ligaw na lang muna ito. Nagkatinginan silang dalawa.

"'Di... Joke lang." Napakamot ng ulo si Jake. "Just... don't mind my question. Sorry."

"O-okay lang," tipid niyang sagot saka nag-iwas ng tingin.

"Na-pe-pressure ba kita?" Kahit na nakangiti pa rin ito'y halata naman sa boses na malungkot. "Kung nakukulitan ka na sa'kin, sabihan mo lang ako, ha? I'm just... really into you." Hindi man sinasadya ay parang nagulat si Jake sa mga huling sinabi nito. "A-ano... sorry ulit. Ah... Pa'no ba? Hmm..."

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon