ADP 3 - Heart

60K 1.2K 75
                                    


Antok na antok na si Jelyn. Katatapos lang kasi nilang mag tv marathon ng Ate Jessa niya. Bumili siya ng dvd sa isang mall bago umuwi galing sa school. Sinimulan nilang panuorin ito pagkatapos ng hapunan. Bandang alas kwatro y medya na ng umaga sila natapos. Kinabukasan ay Sabado, walang pasok at opisina kaya tinapos talaga nila ang buong series.

"Ate," tawag ni Jelyn sa kapatid.

"Yes?" Humarap sa kanya ang ate niya. Tabi silang matutulog sa kwarto nito.

"Ang ganda ng The Heirs 'no?"

"Super!" nakangiting sagot ni Jessa.

Naisip ni Jelyn na napaka-genuine talaga ng Ate Jessa niya. Beauty and brains were just an understatement. Mas mahigit pa ito roon kung tutuusin. Others call her sister, Miss Perfect. Lahat na yata nasa kapatid niya. Her sister is an achiever since birth. But they both know what's been missing- her sister's long-lost freedom. Hindi lang kalayaan sa mga bagay na gusto nitong gawin sa buhay, kundi pati na rin sa kalayaan nitong pumili ng mamahalin.

"Ate, can I ask a question?" tanong niya kahit na ilang sandali na lang talaga ay babagsak na ang talukap ng kanyang mga mata.

"Sure, baby." Her sister smiled.

"Kung ikaw ang papipiliin, Ate, ano'ng korona ang gusto mong isuot? Wealth? Fame or Love?"

"Syempre katulad nang pinili ni Kim Tan. I'll choose Love."

"Weh? Talaga? Crush mo lang yata si Lee Min Ho eh." Natawa siya dahil biglang pinamulahan ang kapatid. "But seriously, why?"

"Because love heals all wounds. Kapag nagmamahalan lang siguro tayong lahat, walang nag-aaway, walang nagkakagulo. At isa pa, kapag nagmamahal ka, masaya ka. Daig mo pa ang pinakamayaman o pinakasikat na tao sa buong mundo. Aanhin mo naman ang karangyaan kung hindi ka masaya? Aanhin mo ang kasikatan kung wala namang may nagmamahal sa'yo ng tapat? 'Di ba?"

Nagising nang tuluyan ang diwa niya dahil sa mahabang sinabi ng ate niya. "Sa tingin mo, Ate, gano'n ba talaga 'yon?"

"Of course. Been there, done that." Ngumiti ito.


Minsan, umamin ang ate niya sa kanya na nagkagusto ito sa isang lalaki way back in high school. First love daw ito ng ate niya. Pero hindi niya alam ang pangalan. Isang malaking lihim pa rin ito ng ate niya na gusto niyang malaman hanggang ngayon. Kaklase daw ito ng ate niya. Hanggang sa nagtapat ang lalaking ito noong nasa senior year na sila at sinagot naman daw ito ng ate niya noong graduation day nila. From the start, alam naman daw ng ate niya kung gaano ka-strict ang daddy nila, especially with boys. When their dad found out what's going on between her and that guy ay pinaghiwalay silang dalawa ng kasintahan nito.

Sabi pa ng ate niya ay pinagbantaan daw ito ng daddy nila na kapag hindi ito makikipaghiwalay sa boyfriend nito ay patitigilin ito sa pag-aaral at ikukulong na lang sa bahay. Kaya pala bahay-school lang ang naging routine ng Ate Jessa niya noon.

Kung may pinagsisisihan man daw ang ate niya ay 'yong hindi nito nagawang ipaglaban ang nararamdaman sa minamahal. Takot na takot itong itakwil ng sariling ama.


"Ate, about your past..." she said out of nowhere.

"What about my past?" kunot-noong tanong ng ate niya. Pero alam nito ang ibig niyang sabihin.

"Why didn't you follow your heart?"

"Of course, I did. I followed my heart. Ginawa ko lang ang dapat because I love my family."

"Kahit na labag sa kalooban mo?" she asked curiosly.

"Minsan kasi natuturuan naman ang puso. There are things that you don't like at first, pero once na nasanay ka na dito ay mamahalin mo rin sa huli."

"Ibig sabihin mahal mo na ang Scott na 'yon?!" Napataas bigla ang boses niya. Masyadong mabait ang ate niya para lang mapunta sa mayabang na lalaking 'yon!

Si Scott ay galing sa isang politiko at ma-impluwensyang pamilya. Anak ito ng malapit na kaibigan ng daddy nila na si Congressman Antonio Ferrer. Ipinagkasundo dito noon ng daddy nila ang ate niya. But things didn't work for the both of them. Iba kasi ang mahal ng ate niya. And besides, Scott is a pure asshole!

"Hindi ah!" tanggi ng Ate Jessa niya. "I don't like him either. Over my dead body! Please don't mention his name again. Sana kunin na lang siya ng masamang espirito kung nasaan man siya ngayon." Ngumuso ito at natawa na rin sa mga bigla nitong nasabi. "What I mean is 'yong sa profession ko. I used to hate law before, pero napamahal na rin sa akin. Na-e-enjoy ko na nga siya ngayon. That's it."


Jelyn remembered her sister's motto before - Top the bar exam, or take it again. Wala na itong inatupag kundi ang mag-aral nang mag-aral. Kung ang lifespan ng isang tao ay sixty, it suggests that nearly half of her sister's life was spent on doing things that others tell her to do.

Bata pa lamang ang ate niya ay gustong gusto na nitong maging isang teacher. A Pre-school teacher to be exact. Her sister loves kids. Kahit na buong araw pa itong magbantay at mag-alaga ng mga bata ay ikaliligaya nito. Not until their dad pushed her sister to take up law instead. Ayaw man nito ay sinubukan nitong gawin alang-alang sa ama. Ito na ang nagsilbing ilaw at haligi ng bahay nila when their mom passed away. Kaya ano man ang hilinigin ng ama ay pinagbibigyan naman nito. 'Yon lang ang natatanging paraan na alam nitong makakapagpasaya sa daddy nila sa kabila ng lahat ng mga pagsasakripisyo nito sa pamilya.

Hindi alam ni Jelyn ang buong kwento tungkol sa Ate Jessa niya. Pero alam niyang grabe ang pinagdaanang paghihirap nito noon sa daddy nila. Palaging nakakulong lang kasi ito noon sa kwarto nito. Ayaw nitong makipag-usap sa iba. Bumalik lang ulit ito sa dating sarili nang maging abogada na ito. Hindi niya mawari kung paano nito nakayanan lahat ng 'yon. Her sister must be a one tough woman!

Naalala pa ni Jelyn minsan nang nagmamaka-awang lumuhod ang ate niya sa harap ng daddy nila. Nakatinign lang sila noon ng Kuya Jett niya. Nagsusumamo itong bigyan ng ama nila ng konting kalayaan. Kalayaan na makagawa ng desisyon sa sarili. Kalayaan na gawin ang mga bagay na isinisigaw ng puso nito. But their dad is so stubborn. He made a deal with her sister na kapag napasama ito sa top ten ng bar exam ay saka lang ito magiging malaya. After all, her dad's main concern is their name, nothing more, nothing less.

Fortunately, Jessa made it and placed fifthin the bar exam. Simula noon ay naging mas maluwag na ang daddy nila rito.

"Pero paano naman, Ate, kapag kunwari may minamahal ka, pero ayaw ng iba para sa'yo? Susundin mo pa rin ba ang gusto ng iba?" tanong niya ulit.

"Ibang usapan naman 'yon." Napabuntong-hininga nang malalim si Jessa. "Siguro... depende na rin sa sitwasyon. Because if you will ask me, I can sacrifice, kung 'yon lang ang makakapagpanatag ng loob ng ibang tao. But you know what, mahirap din pala kapag masyado kang selfless. There will always be desires and wants in your heart na kapag hindi mo magawa ay lalo ka lang masasaktan. Akala mo magiging masaya ka kapag nasusunod mo ang hiling ng ibang tao, pero hindi naman pala. How can you give yourself fully to someone if you are broken inside? Natutunan ko na dapat marunong din tayong makipaglaban sa kung ano mang nararamdaman natin, sa kung ano man ang mga gusto natin sa buhay. Because you'll never know when will the battle end."

Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ni Jelyn. Ramdam na ramdam niya ang kapatid habang nagsasalita. If she could only do something to ease all of her sister's burdens, she will gladly volunteer.

Nagkunwari siyang humikab at pinunasan ang mga luha. "Ate, I believe that one day, happiness will knock again in your heart. And love, will surely be at your doorstep waiting for you. Good mornight, Ate. I love you," sabi niya saka niya niyakap ito nang mahigpit.

Jessa smiled at her. "I love you too."

She reached for the lamp shade beside her bed and turned it off.

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon