ADP 10 - Smile

53.6K 1.2K 40
                                    


Kapag may kalungkutang dala ang isang gabi, asahan mong kinabukasan ay may darating na isang masayang umaga. At sa pagdating nito ay masisilayan mo ang ngiti ng sikat ng araw. Hangga't nabubuhay tayo rito sa lupa ay may pag-asa. May pag-asa tayong itama ang mga pagkakamali, ibaon sa limot ang mapait na kahapon at magsimulang muli na may tiwala sa Kanya at pagmamahal sa isa't isa.


After two months, everything went back to normal.

Nakalabas na ng ospital si Jelyn. Masayang-masaya ang pamilya Delarmente. Noong nagka-seizure siya, akala nila ay katapusan na ng lahat. Mabuti na lang at noong ni-re-revive siya ay hindi siya bumitaw. Lumaban siya sa buhay.

Nagkapatawaran at nagka-ayos na rin sila ng daddy niya. Pero paminsan-minsan ay na-iilang pa rin siyang kausapin ito. Siguro ay hindi lang siya sanay na mabait at maalaga ito sa kanya. Isang bagay na noon pa man ay ipinapanalangin niya.

"'Nak, ano'ng gusto mong kainin?" tanong nito sa kanya. Nasa kitchen silang mag-ama. Sabado iyon, walang pasok. Dati-rati, kapag weekends ay nasa trabaho pa rin ang daddy niya. Pero ngayon ay mukhang maglalagi ito sa bahay nila buong maghapon.

"Kahit ano na lang po, Dad," sagot niya.

"Ah, I know! Ipagluluto na lang kita ng sinigang na hipon. Favorite mo 'yon, 'di ba?"

Nagtaka siya. Paano kaya nalaman ng daddy niya na paborito nga niya ang sinigang na hipon? Nakakapanibago but she felt happy knowing that her dad at least knows something about her. Kunot-noo niyang tinanong ito. "Marunong po kayong magluto niyan, Dad?"

"Oo naman. Specialty ko kaya 'to. At paborito rin 'to ng mommy mo," nakangiti nitong sagot.

Hindi niya alam pero bigla na lang niyang niyakap ang ama mula sa likod. "Sorry po, Dad, ha? Nami-miss ni'yo na po siguro si Mommy. Sorry, ako ang dahilan kung bakit -"

"Don't say that. Walang may gusto no'n at mas lalong hindi mo kasalanan." Humarap ito sa kanya at hinawakan ang tigkabilang pisngi niya. "Noong namatay ang mommy mo ay parang naging kalbaryo sa akin ang lahat. Gusto ko na ring mawala sa mundo ng mga sandaling 'yon. Pero, maniwala ka man o sa hindi, ikaw ang naging rason kung bakit nagpatuoly pa rin ako sa buhay. Ikaw ang binigay na kapalit ng Diyos, Anak. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang ipinanganak ka ng mommy mo. And sorry again for making you feel blamed and rejected before. Naging workaholic lang masyado si daddy. I'm sorry, Anak."

Ngumiti siya rito. Kung puwede lang sanang i-record ang lahat nang sinabi nito sa kanya. It was like music to her ears. Gusto niyang marinig 'yon nang paulit-ulit. She was almost teary-eyed. Parang ma-iiyak na rin ang daddy niya.

"And don't you ever feel na mas mahal ko ang ate or kuya mo kaysa sa'yo. I was just a bit insensitive noon. All I want for you is to be more determined... don't settle for mediocrity... always strive for excellence. That's why I always try to compare. Hindi ko alam na you would take it negatively. Alam ko na ngayon kung saan ako banda sumobra at nagkulang. The three of you are my greatest possession in life. Pantay-pantay ang pagmamahal ko sa inyo." He told her with so much sincerity. "I love you my little princess. Remember that."

"Yes Dad, I will. I love you too."

"Good." Her dad kissed her on the forehead.

Niyakap niya ito nang mahigpit. "Thank you, Dad!"

"For what?"

"For saving me," sagot niya. Lumuwag siya sa pagkakayakap dito at tinitigan ito sa mga mata. "Kung hindi po dahil sa inyo, Dad, baka hindi na po ako nagising."

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon