Ibig sabihin...
Napakagat ng labi si Jessa.
...nandito rin si Edge.
Si Gregory Edge Flores. Her ex-boyfriend. Her first love. The one she thought she would grow old with someday. Ang lalaking hindi niya nagawang ipaglaban noon.
Masigla silang ipinakilala ni Jake sa pamilya nito.
"Ma, Pa. I would like you to meet, Jelyn. Girlfriend ko po. And this is her sister. Si Ate Jessa."
Jake's parents were both smiling at them. Ang mama pa ni Jake ang nagpakilala sa kanila to the rest of the family. Nahihiya nga si Jessa dahil parang nakisawsaw pa siya sa spotlight ng kapatid. Her heart began to tremble when she heard a familiar voice behind her back.
"Insan!"
Napalingon si Jake doon sa pinanggalingan ng boses. "Kuya Edge! Late ka na naman!"
Sabay nang paglapit nito sa kanila ay ang paglakas ng tibok ng puso ni Jessa.
"Katatapos lang ng shift ko. Dumiretso nga agad ako rito e."
"A, Kuya. Si Jelyn nga pala, girlfriend ko po. Heto naman si Ate Jessa, kapatid niya. Classmates daw kayo noon sa high school?" tanong ni Jake. "What a small world."
Ang sama naman niya kung hindi siya haharap dito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang lumingon. Their eyes met the moment she turned to face him. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
"H-hello... Edge," bati niya.
"Uy! J-Jess... Long time no see," he said casually.
Ang pagkailang sa isa't isa'y nawala nang pinaupo sila ng mama ni Jake at binigyan ng tig-iisang plato.
"Mamaya na lang kami kakain, Ma," sabi ni Jake sa mama nito. Hinawakan ni Jake ang kamay ni Jelyn at nagpa-alam sa kanya. "Ate Jess, puwede po bang doon na muna kami ni Jelyn? Sa may garden lang."
She answered yes right away. Ang ending ay dalawa na lang silang naiwan ni Edge sa isang canopy. Jake's mom excused herself para kumuha ng pagkain para sa kanilang dalawa.
"Kamusta ka na?" tanong ni Edge sa kanya.
"O-okay lang," she lied. Paano siya magiging okay. Eh nasa tabi niya ito. "How about you?"
"Ayos lang din."
Binalot sila agad ng katahimikan.
"How are you and Scott?"
"We're okay," she lied again. Bakit ba kasi hindi na lang niya sabihin ang totoo? Wala naman talagang meron sa pagitan nila ni Scott. It was just a show-off noong nasa college pa sila just to please her Dad. Isang pagpapanggap na pinagsisihan ni Jessa.
"Are you happy with him?" tanong ulit nito sa kanya.
"Oo naman." Gusto niyang sampalin ang sarili. She lied for the third time. Kung pwede lang sanang sabihin ang lahat-lahat. Pero wala namang silbi kung magsasabi pa siya ng totoo. Hindi na maibabalik pa ang nakaraan dahil inunahan siya ng takot. Takot siyang umamin na nawalan ng kulay ang buhay niya noong nakipag-break siya rito. It would be too painful to hear from him that he already moved on... that he's happy without her... that he has now a new found love. Natatakot siyang aminin sa sarili na mahal pa niya ito. Dahil kung tutuusin, si Edge lang naman talaga ang lalaking minahal at mamahalin niya.
"That's good to hear," walang ka-emo-emosyong sagot nito.
Parang may kumurot sa puso ni Jessa. Masaya ka ba talaga sa mga narinig mo mula sa akin? Wala ka na bang nararamdaman para sa'kin, Edge? Gusto niyang itanong dito. Kung alam lang sana nito ang nilalaman ng puso niya.
"K-kamusta nga pala si Grace? Bakit wala siya rito?" paglilihis niya ng usapan. Grace is Edge's twin sister. Malapit na kaibigan niya ito noon sa high school.
"Mamaya pa ang out niya. Hindi siya nakapag-leave dahil busy sila sa mga gan'tong oras sa bangko. Simula na kasi ng long holiday bukas," pagpapaliwanag nito.
Mayamaya pa'y bumalik ang mama ni Jake na may dalang mga pagkain. Nagpasalamat siya rito bago sila nagsimulang kumain.
Hindi na sila ulit pa nakapag-usap ni Edge. Kahit na pagsulyap lamang sa mukha nito ay hindi niya magawa. Nakatungo lang siya habang kumakain. Kung titingnan sila sa malayo ay para bang hindi lang sila magkakakilala.
***
Napakatahimik ni Jessa habang nasa byahe pauwi. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagkita ulit sila ni Edge after nine long years. It was like a dream to her. A sweet dream. Kaso lang ang sobrang iksi.
Ten minutes before six nang makabalik sila sa bahay nila. Ang daming ipinaluto ng daddy nila para sa hapunan. Parang mas bongga pa kaysa sa noche buena nila mamayang hating gabi. Doon na rin nag-dinner si Jake.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpa-picture taking pa silang lahat. Hindi na makapaghintay ang bunsong kapatid na maipa-print 'yong mga pictures dahil first time nilang magpakuha ng litrato na buo at masaya bilang isang pamilya. Wala man dito ang mommy nila ay sigurado namang masaya na ito sa langit.
"Okay, kayong dalawa naman," tudyo ni Jessa kina Jelyn at Jake. Hinila niya ang dalawa sa ilalim ng mistletoe at saka inilabas ang kanyang cellphone. Kukunan niya ang mga ito ng litrato. "Smile naman d'yan! Jake, akbayan mo naman si Jel!"
Parehong pinamulahan ang dalawa. Lalong-lalo na si Jelyn. Nahihiya ito dahil nakatingin ang daddy at Kuya Jett nito sa kanila ni Jake.
Masayang pinagmasdan ni Jessa ang mga nakuha niyang litrato sa kanyang cellphone. Kinikilig siya habang ine-edit ang mga pictures nina Jelyn at Jake gamit ang photogrid. Sa kilos ng dalawa ay masasabing in-love na in-love ang mga ito sa isa't isa. It was like reading a fairy tale book.
Kailan kaya ako magkakaroon ng happy ever after? Napailing din agad si Jessa. Hers is a different story to tell. Saka na niya pag-iisipan ang mga bagay na 'yon kapag kumatok ulit ito sa puso niya. Ang mahalaga para sa kanya ngayon ay ang makitang masaya ang pamilya niya. Sapat na ang lahat ng ito para sa kanya.
***
It's almost midnight. Abalang-abala si Jessa sa pag-aayos ng mga pagkain nila para sa noche buena. Nilapitan siya ni Jelyn.
"Merry Christmas, Ate!" Jelyn gave her a tight hug. "Thank you!"
"Para saan?" tanong niya sa bunsong kapatid.
"For everything, Ate. For being the best sister in the whole world. For always being there for me when the world seems so cruel. Salamat dahil sinusuportahan mo ako palagi sa mga ginagawa ko. At saka, hindi kami magiging ganito ka okay ni Jake kung hindi dahil sa'yo. You don't know how much this means to me," sabi ni Jelyn na medyo nahihiya. "Bakit mo nga pala ginagawa ang lahat ng 'to, Ate?"
Humarap siya rito. "Some things never last, Jel. Gusto kong maranasan mo ang hindi ko naranasan noon. I just don't want you to end up like me." Pinunasan ni Jessa ang mga luhang nangingilid sa kanyang mga mata saka niyakap ulit ang kapatid. "Merry Christmas!"
BINABASA MO ANG
A Daughter's Plea
Teen FictionSi Jelyn Allyson Delarmente ay bunso sa tatlong magkakapatid. Kapwa propesyunal na ang kanyang Ate Jessa at Kuya Jett, a lawyer and an architect respectively. Isang tanyag na neuro-surgeon naman ang kanyang ama. Namulat silang magkakapatid sa isang...