From: Jake
Jel, sorry. I can't pick you up. Can we meet na lang instead? Sa café na lang ni kuya.
Jelyn can't wait to see Jake again. Noong isang araw lang sila huling nag-date pero nami-miss na niya agad ito. Pumayag naman siyang makipagkita dahil nasa trabaho ang daddy at kuya niya. Ate niya lang ang nandoon sa bahay at sa tuwing nagpapa-alam siya rito ay pinapayagan naman siya. No one knows that she's dating someone, except for her sister.
To: Jake
Ok. =) I'll be there in 15 minutes. See you <3
Manonood lang daw sila ng movie at kakain sa Burpfield. She didn't know that there's a lot more to witness that night.
Nagsuot lang siya ng simpleng statement shirt na may nakalagay na "Fearless Princess" and a pair of faded skinny jeans. She wore her black sneakers and tied her hair into a bun. Hindi na niya naisipan pang mag-dress dahil baka magduda lang sa kanya ang ate niya. An unfamiliar get-up will do. Hindi niya binanggit pa rito na magde-date sila ni Jake. For sure, sasamahan siya nito. Kaya napag-isipan niyang kahit ngayon lang ay gusto niyang makasama si Jake na silang dalawa lamang.
Bago umalis ay nagpa-alam si Jelyn sa ate niyang may bibilhin lang siya sa mall. Pina-alalahanan naman siya nitong umuwi before seven. Mag-co-commnute na lang sana siya para walang makaka-alam kung saan siya pupunta. But her sister insisted na ipahatid siya sa family driver nila. So she obliged, knowing that her sister has a lot of reasons to say.
***
Maagang nagising si Jake that day. Halos hindi na nga siya nakatulog kagabi dahil sa sobrang pag-iisip tungkol sa date nila ni Jelyn. He wanted to surprise her. Gusto niyang bigyan ito ng napakasayang moment. 'Yong wala na itong magawa kundi ang maiyak sa sobrang tuwa. She was all to him. He loves her that much that he's willing to risk anything just to be with her. Kahit na buong buhay pa niyang patunayan ang sarili niya sa daddy nito ay gagawin niya, magkasama lang silang dalawa.
Before lunch ay pumunta na siya sa Rainbow Café, a snack bar owned by his Kuya Redson. Doon niya naisipang gawin ang special date sa roofdeck ng café. Alas dos na ng hapon nang makatapos siya sa pagse-set-up ng lahat. Kumakalam na ang sikmura niya dahil kanina pa siya hindi nakakakain. Naging okupado ang isipan niya sa mga puwedeng mangyari mamaya kaya nakalimutan niyang gutom na pala siya. Umuwi siya ng bahay nila at naligo. Pagkatapos niyang magbihis ay bumalik ulit siya sa café.
He's wearing a green sports shirt and brown cargo shorts. Katulad ni Jelyn, ayaw niya ring ipahalata na may inihanda siyang kakaiba ngayong gabi. Kabadong-kabado siya habang binabasa ang reply ni Jelyn. In less than fifteen minutes ay nandito na ito. He wished that everything will turn wonderful tonight.
Bandang alas tres nang makarating si Jelyn. Kinabahan bigla si Jake nang makita ang mukha ng mahal niya habang naglalakad ito papalapit sa café. Napangiti siya nang mabasa ang nakalagay sa tee shirt nito - Fearless Princess. "Oh yeah. You'll be the prettiest princess tonight, Jel," bulong niya sa sarili.
He waved at her nang makapasok na ito sa loob. Hindi niya sinalubong ito sa entrance dahil baka may makakita sa kanya. Mahirap na. Ayaw niyang masira ang mga pinaghandaan niya ngayong araw.
"Kanina ka pa?" tanong ng dalaga.
"No. Kararating ko lang din." He smiled at her. "Mabuti at pinayagan ka."
BINABASA MO ANG
A Daughter's Plea
Teen FictionSi Jelyn Allyson Delarmente ay bunso sa tatlong magkakapatid. Kapwa propesyunal na ang kanyang Ate Jessa at Kuya Jett, a lawyer and an architect respectively. Isang tanyag na neuro-surgeon naman ang kanyang ama. Namulat silang magkakapatid sa isang...