Chapter 1

40 4 1
                                    

𝑺𝒖𝒑𝒆𝒓 𝑮𝒍𝒖𝒆

"𝐁𝐞𝐟𝐨𝐫𝐞 you leave the room, I'll do the roll call," Saad ng kanilang homeroom adviser na si Mrs. Sarmento nang hapong iyong. Ganoon Ito ka-weird. Nasa huli ang roll call. Siguro ay dahil sa may Ilan silang mga classmates na tumatakas bag-o mag-uwian kaya 'di bale nang may mga late comers sa klase nito. Inihuhulog lang ng nga kaklase niya nang sekreto sa labas ng salaming bintana ang bag tapos magpapaalam lang na magsi-CR pero Hindi na babalik.

Napasandal ang dise-syete anyos na dalagitang si Kara sa kanyang upuan. Nakatingin siya sa kanilang matabang adviser na may salamin sa Mata. Halos paputok na ito sa katabaan sa suot na unipormeng beige na blusang may halos hanggang siko ang manggas at may butones sa harap at dalawang bulsa sa baba. May kapares iyong brown pencil skirt na hanggang tuhod at may dalawang pulgadang slit sa gitna sa likod.

Bahagya siyang napasulyap sa mga kaklase na ipinasok ang mga notebooks,libro,ballpen, at papel sa kani-kanilang bag. Siya Naman ay kakasara Lang ng kanyang backpack.
Pagtingin pa niya sa kaniyang armchair ay may nakita siyang mabangong stationary na nakatupi na biglaang nandoon na lang. Hindi niya napuna Kung sino ang sikretong naglagay niyon doon.

Matalim niyang tiningnan ang kaniyang seatmate na si Sun-woo na nakaupo sa kanang bahagi niya. He was tall and well-built for his age. He was known all over  the campus and other school because of his athletic skills,brains,and good looks. Maraming babaeng nagkaka-crush sa half-breed na Ito. Sa katunayan nga ay ito palagi ang class' Prince Charming at class president nila mula noong lower years pa sila. Palagi pa silang  magkaklase nito sa section one at magkakompetensya sa first rank. He was the perfect package if she would think about it. But she just hated him for always being there to make her day  hell.

Dahil magkalapit Ang kanilang apelyido ng lalaki ay magkatabi nga sila. Mahilig sa alphabetically-arranged seats Ang adviser nilang Ito. Kahit assignments or projects nila ay gino-group sila ayon sa mga pangalan nila. Kaya hindi sila magkatabi Ng BFF niyang si Sol. A pity indeed.

Hindi niya alintana ang kanilang adviser na tinatawag nang alphabetical order ang kani-kanilang pangalan sa klase.
"Diente,Soledad," tawag nito.
"Present,ma'am," ang tugon ng kaklase  niya at best friend. May lampas-balikat itong buhok na pinakulayan ng dark brown,medyo bilugan ang mukha, cat-like eyes,maarkong kilay na natural lang,matangos ang ilong ,at today. Kasing-tangkad niya ito na five-feet and four inches.

𝐍𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧 ni Kara na ngumisi si Sun-wo. Siguro ay dahil sa napansin niya ang nakatuping papel. Inis niyang kinuha Ito habang sumenyas itong basahin niya. Pero sa halip na buksan iyon at basahin ay pinunit niya ito nang ilang beses at pinandilatan pa ang lalaki habang ginagawa iyon. Baka kung ano pa ang sinasabi nito roon. Ayaw niyang makita o malaman iyon. Lalo lang siguro siyang maha-highblood kung sakali.
She knew him very well and he was up to no good when it came to her.

"Hameria,Kara Lyle",tawag ni Mrs. Sarmento sa kanya.Dalawang beses siyang tinawag nito bago siya nakapagsalita.

"Present po ma'am". Itinaas pa niya ang kanyang kamay na nakakuyom dahil nandoon ang pinagpira-pirasong papel.Napailing tuloy ang kanilang guro. Kasalanan iyon ni Sun-woo. Hindi niya agad narinig ang pagtawag ng adviser.

"Han, Sun-woo",ang tawag naman ito sa lalaki.

" Present ,ma'am!" malakas pang sinabi nito.

Tinapik Ito sa balikat ng nga kabarkadang Sina Chris,Matt,at Jim na nakapalibot dito ang mga upuan.
Nagtawanan pa ang mga ito nang mahina na halatang tinutukso si Sun-woo. Samantalang nagpatuloy pang nagroll call ang guro hanggang sa matapos iyon. Tumayo na siya kaagad at isinukbit ang backpack. Nakailang hakbang na siya nang hawakan ng lalaki ang kanyang bag.

"Oy,teka lang",anito. Napatingin ito sa harap ng silid para masiguradong nakaalisbna ang kanilang adviser.
Napasunod siya ng tingin dito. Wala na nga room ang kanilang guro. Parang mas mabilis pa sa alas-kwatro itong nawala pagkatapos ng roll call. Ninja moves lang ang teacher nila,eh. Buti pa nga ang ninjas may iniwang usok.

"Ano na naman ba ang kailangan mo kay besty ko ,ah, Sun-woo?" Sabat ni Sol. Napasulyap din ito sa tatlong barkada ng binantilyo na puro Rin matatangkad. Napalibutan sila ng mga ito. Napangisi pa ang mga tatlo tila excited na nanonood sa susunod na mangyayaring eksena sa pagitan nila ng chinito.

"Bakit mo hindi binasa 'yong ibinigay ko sayo?" Baling ni Sun-woo Kay Kara. Halatang hindi nga ito interesado na kausapin si Sol.

Ipinakita nya pinunit na papel na nasa kamay nya"Ah,ito na"?" Itinapon niya iyon sa mukha nito " Ayan,ibinalik ko na sa 'yo,"

Nagkalat tuloy ang mga piraso ng papel sa sahig.
Napatawa si Sol na tinatakpan ang bibig ng kaniyang kamay. Pero hindi man lang natinag ang binata sa kanyang nagawa.

Tatalikod na Sana si Kara nang pinigilan siya ng lalaki sa kamay. Sun-woo was tall kaya napaangat ito nag tingin . Napahanga man siya sa magandang pisikal na anyo at kakayahan simula pa noong first year nial ng junior high ay hindi man Niya gusto ang ugali nito Lalo na at parati siya nitong binu-bully. Sa loob man o sa labas ng campus. Ang lalo pa ikinaiinis Niya ay magaling itong tumayming. Hindi maniniwala ang mga teachers nila kapag magsusumbong silanng kaibigan dahil  sa magalang naman ito at palabiro.

"San ka pupunta?" tanong ng binata.

"C.A.T. saan pa? Kung ayaw mong magtraining,bahala ka sa buhay mo!" Binawi pa nya ang kanyang kamay.

Isa syang platoon leader,officer ng C.A.T., samantalang ang mga athletes ay may option na mag-undergo ng training o hindi at depende rin kung may laro ang mga ito o Wala.
Bago pa niya nalaman ang nangyari ay may papel na may super glue na ang kanyang kamay nang binitawan ito ng lalaki. Ngumisi pa ito sa kanya.

Tumawa pa ang mga kabarkada nito at hinika palabas ng classroom ang lalaki
"Han Sun-woo!,baliw ka talaga!" galit na sigaw niya sa lalaki.

_______________________________

ha? hatdog char......hehe

dont forget to like and comments whatever you want:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wanna be your OPPAWhere stories live. Discover now