Prologue

18 2 2
                                    

Prologue


Welcome


Umaalingawngaw sa buong hallway ang tunog ng 3-inch high heels-boots ni Precious na terno ng kaniyang mini skirt. Bitbit ng dalaga ang kaniyang itim na maleta habang ang isang kamay ay hawak ang hindi kaliitan na lollipop. Habang naglalakad ito, sumasabay din sa kaniyang pag-galaw ang mala-alon niyang buhok na kulay itim sa itaas habang sa baba naman ay kulay pula.


Pula ang mga labi niya at kakaunti na lamang ay magmumukha na itong isang prostitute sa kaniyang hitsura. Pero, hindi niya na inisip pa ang kung ano mang sasabihin ng makakakita sa kaniya dahil ang mahalaga para sa kaniya, makapasok siya sa school na gustong-gusto niya.


‘‘Sino 'yan? ’’ Rinig niyang tanong ng isang estudyante. Hindi siya nag-abalang bigyan ito ng pansin. Sa halip, nagpatuloy lamang sa paglalakad.


‘‘Bagong chic. ’’


“Excuse me, ikaw ba si—” Hindi natuloy nang babaeng naka-uniporme ng pang-sekretarya ang kaniyang sasabihin nang tinanggal nito ang kaniyang itim na shades at pinagtaasan ng kilay ang babae.


“Ako nga, ” sagot ni Precious.


Ngumiti ang babaeng kaharap niya.


“Hinihintay na po kayo ni Madam. ”


“Oh! Edi, tara na! ” Sabay muling lakad niya. Kaagad na nataranta ang babae kaya naman sinundan niya ito at kaagad na inunahan sa paglakad upang matukoy ni Precious kung saan siya dapat magpunta.


Sa ilang saglit na lakaran, narating nila ang opisina ni Madam Ayiena. Nakaupo ito sa kaniyang swivel chair habang matalim ang tingin sa babaeng kakapasok lamang ng kaniyang opisina. Pinagtaasan niya ito ng kilay nang ngumisi si Precious.


“Ano iyang suot mo, Precious?! ” Halos mabingi si Precious sa lakas ng sigaw nito.


“Damit? ” Patay-malisya niyang tugon.


‘‘Huwag mo akong pinipilosopo, Precious! ’’ Banta niya.


“Oh! Kalma, Tita! Eto naman! ” Pabirong saad ni Precious.


Napahilot sa kaniyang sintido si Madam Ayiena.


“Pinapasok kita dito kasi alam kong pangarap mo 'yun pero sana, umayos ka naman! Tignan mo ang pananamit mo! Ano nalang ang sasabihin ng mga first class sa'yo?! ” Napanguso si Precious doon.


“Tita, kinakahiya mo ba ako? ” Tanong niya. Napatikom si Madam Ayiena.


“Hindi... naman... ” Napabuntong-hininga si Madam Ayiena doon.


“Anyways, anong class ko, Tita? Anong section ko? Saan ako kabilang? ” Sunod-sunod na tanong ni Precious at umupo sa upuan na kaharap ng mesa ng kaniyang Tita.


“Dito sa Elysian Academy, walang mga mahihirap. So, kabilang ka sa first class kahit pa hindi ka naman mayaman talaga. Dapat manatiling sikreto ito, Precious dahil maaaring paalisin nila ako sa aking puwesto kapag nalaman nila iyon. ” Nagpakurap-kurap ang dalaga. “Isa pa, lahat ng mga first class na naririto ay sabay-sabay ang klase. Malalaman mo iyan kapag nagsimula kana. ” Tumango si Precious.


‘‘Ito ang susi ng kuwarto mo. Mag-isa ka lang doon kaya wala kang dapat ikabahala pa. ’’ Iniabot ni Madam Ayiena ang isang kulay-gintong susi kay Precious. Doon na tumayo ang dalaga at hinila ang maletang dala-dala.


Bubuksan niya na sana ang pintuan ng opisina nito upang lumabas nang biglang magsalita muli ang kaniyang Tita.


Humarap ito.


“Hm? ” Tanong niya.


‘‘Welcome. Welcome to Elysian Academy. ’’


#30

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elysian AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon