34 Something (M)

71.2K 481 18
                                    

Chapter 34

Lisa's POV

I thought it was a dream na inalagaan ako ni Jennie but it was real. 

Nandito ako ngayon sa kama ko at katabi siyang natutulog . Nakayakap din ito sa akin at nakadantay ang isang paa nito sa may hita ko.

Tinignan ko ang orasan na nasa bedside and it's already 2:30 in the afternoon . Ganun kami katagal natulog ? Seryoso ? We already skipped lunch .

Kagabi ay may hindi magandang nangyari sa daan.  Lumabas kasi ako ng condo para bumili ng makakain.

Saktong malayo pa naman ang nagparkingan ko ng sasakyan at umulan ng malakas . Wala pa naman akong dalang payong nun at tanging suot ko lang ay sando at jogging pants . At sa kamalas malas din ay walang waiting shed na pagsisilungan hindi din lang uubra ang sumilong sa puno kasi malakas ang buhos ng ulan . Kaya naman no choice ako kundi tumakbo papunta sa parking lot .

Pagdating ko sa sasakyan ko ay sobrang basang basa na ako at naligo na sa ulan . Idagdag mo pang nakasando lang ako . Nang makarating ako sa condo ay nilalamig na din ako hanggang sa unit ko. Guard na lang ang nasa duty nun at hindi na ako nagpakuha sa kanila ng tuwalya.

Kasalanan ko din naman kung bakit ako nagkalagnat , naligo lang kasi ako pero hindi ako uminom ng gamot.  Akala ko kasi hindi ako tatablan ng sakit pero sa hindi inaaasahan ay nilagnat na pala ako kinaumagahan.  

Tinignan ko naman ang katabi ko na ngayon ay mahimbing na natutulog . Hindi ko alam kung paano siya napunta dito at nakapasok pero nagpapasalamat ako dahil inalagaan niya ako . Ramdam kong naging maayos na din ang pakiramdam ko dahil doon. 

Nakita ko naman ang pinagkainan ko sa may gilid at basang bimpo na ginamit siguro nito sa akin. Napansin ko ding iba na ang suot ko. Pinalitan ba niya ako ng damit ? Napangiti na lang ako dahil doon . Kaya naman dahan dahan kong inalis ang pagkakapulupot ng kamay nito sa akin tsaka maingat na umalis sa kama.  Pinalitan ko din ng unan ang yakap nito para hindi agad siya magising . Mukhang pagod na pagod .

Ako na ang kumuha ng pinagkainan ko na nasa bedside table at dinala ito sa kusina. Kinuha ko din ang thermometer na nasa table tsaka inilagay sa may kili kili ko to check my temperature. 

Nang mailapag ko ang mga pinagkainan ko sa lababo ay nagtungo ako sa intercom para magpadala ng pagkain sa amin ni Jennie. Tumunog din pagkatapos ang thermometer and my temperature now is normal.  I am thankful to Ruby Jane sa pag-aalaga nito sa akin .

Hinintay ko na lang ang service sa living room at in-on ang TV.  Limang minuto din ang lumipas ng dumating na nga pinapadala ko dito. 

"May kailangan pa po ba kayo Ms. Manoban ?"

"Wala na . You can go now"

Nang makalabas na ang delivery service naglakad naman ako papunta sa kwarto para gisingin si Jennie na hanggang ngayon ay himbing himbing sa pagkakatulog. I can't help to stare at her especially her lips. 

Hindi ko maiwasang ilapit ang mukha ko sa kanya tsaka siya tinitigan ng biglang nagmulat ito ng mata nito . Laking gulat nito ng makitang nakatitig ako sa kanya at ilang dangkal na lang ang lapit namin isa't-isa .

"L-lisa ? Anong ginagawa mo ? Okay na ba pakiramdam mo at nakatayo ka na ?" Sambit nito but she looks like nervous now . Nag-stutter din ito sa pagsasalita. 

Fuck Buddy (Jenlisa G!P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon