76 Lisa's Plan

18.9K 289 13
                                    

Chapter 76

Jisoo's POV

Lisa sent a message into our group na may sasabihin daw itong importante sa amin. She also tells everyone na huwag ipapaalam kahit na kanino ang pagkikita naming mga magkakaibigan ngayon. I wonder why ? Wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung anong ganap ngayong araw.

It's been three days na din simula nung wala na ang supporter nito sa kamay nito pero sinabihan siya ng doctor nito na huwag munang masyadong magbubuhat ng mga mabibigat kaya naman safe kami dahil hindi kami nito masusuntok kapag nagkataon pero mayroon pa rin pala ang kanang kamay nito.

"Teka nasaan na ba yun ? Siya ang nagpatawag tapos wala pa ?" reklamong saad ni Seulgi dahil kanina pa ito nabobored .

"Ano pa bang aasahan mo sa unggoy na yun. Syempre late na naman. Ano pa bang bago" saad ko naman dito.

Sina Moonbyul at Jeongyeon naman ay nag-uusap sa gilid at walang pakialam na late na naman si Lisa. Mukhang business kasi ang pinag-uusapan ng dalawa. Si Momo naman ay may kachat sa cellphone nito at kanina pa pangiti-ngiti , pereng tenge enebe.

"May alam ba kayo sa kung ano man ang gustong sabihin ngayon ni Pran ? Ngayon lang siya nagpatawag ng hindi gabi" sambit naman ni Minnie.

"Kita mo namang tirik pa ang araw diba kaya hindi gabi" pang-aasar naman ni Seulgi kay Minnie na binigyan siya ng malakas na sapok sa ulo nito.

"Aray naman . Ikaw kaya sapukin ko din. Halika dito!" saad nito kay Minnie at sinapok naman ito sa ulo pero nakaiwas ang loko.

"Ang iingay niyo naman" pangsasaway naman ni Momo ng mapansin ang bangayan ng dalawa.

"Eh di tatahimik" sabi naman ni Seulgi pero nakakuha ulit ng sapok sa ulo nito.

"Sorry guys . I'm late"

Lahat kami ay napatingin sa nanggalingan ng boses at sabay sabay na nasambit sa kanyang

"Wala ng bago"

Tumawa lang ito at umupo na sa upuang iniwan namin sa kanya .Nandito kami sa Bar ng dalawa pero hindi pa nagbubukas dahil ala-dos pa lang ng hapon. 

"So anong gawi natin ? Anong meron ?" Tanong agad ni Seulgi kay Lisa na halatang naiinis ito sa pagiging late na naman nito. Mukhang may LQ yata sila ni Irene ah. Mabuti pa kami ni Chaeng pachill chill lang . Chikin lang ang pinag-aawayan. Just kidding. Pero totoo isa din iyon sa pinag-aawayan namin minsan. Eh sa paborito ko eh .

"Bago mo muna sagutin iyon. Bakit ka late ?" Pagtatanong ko naman dito.

"Ang hirap kayang magpalusot sa girlfriend mo dahil wala naman akong outside meeting dahil alam nito ang schedule ko. Grabe kung makaimbestiga . Mabuti na lang at tumawag sa akin ang isa sa mga tauhan ko sa site at iyon ang ginawa kong alibi para makapunta dito" sagot naman nito na para ba talagang dumaan siya sa isang investigation.

Fuck Buddy (Jenlisa G!P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon