70 Discharge

21.6K 327 35
                                    

Chapter 70

Lisa's POV

"Ano ba Jisoo unnie hindi naman ako baldado , nakakapaglakad ako bakit ba ako sasakay pa diyan sa wheelchair"

Pinipilit kasi nila akong sumakay sa wheelchair eh ayoko nga.  Para naman na akong tanga nun . Naiintindihan ko pa kahapon dahil magagalit sa akin si Ruby Jane pero iba na ngayon. 

"Sumakay ka na lang para makuhanan ka ng litrato na naka wheelchair" sabi naman nito sa akin at pilit na inilalapit sa akin ang wheelchair na tulak tulak nito.

"Sige na Manoban sakay na and tagal" sambit naman ni Seulgi na hawak hawak ang stand ng dextrose.

"Para saan naman yan ? Bitawan mo nga yan huwag mong sabihing isusuot mo din sa akin yan Seulgi"

Hindi ko na alam kung anong trip ng dalawang to . Mabuti na lang at wala yung iba at baka talagang kanina pa ako mamamatay sa katarantaduhan nila.  Lumabas din sandali sina Mommy and Daddy para magbayad ng bill ko dito sa hospital at sumama si Jennie para mabigyan kami ng discount kahit sinabi kong huwag na pero nagpumilit pa rin ito.

Wala din ngayon sina Irene at Chaeng dahil sa nangyari kahapon. Naiinis pa din sila kina Seulgi at Jisoo kaya naman ako ang binubwisit ng dalawang to .

"Halika na kasi Manoban . Isa !" natatawang sambit ni Jisoo unnie sa akin kaya naman tumakbo ako papunta sa pintuan ng biglang bumukas ito at bumungad sa akin si Jennie .

"Ano na namang ginagawa niyo ? Ididischarge ka na nga lang tapos ganito na naman maabutan ko. Halika na naghihintay na sila Tita sa sasakyan. Pinauna ko na sila para mapatabi yung mga reporter na nasa labas" sabi nito at tiningnan sa likod ko sina Jisoo unnie at Seulgi.

"Kayo naman bitawan niyo na yang mga hawak niyo at hindi na yan kailangan o baka gusto niyong kayo ang isakay ko diyan"

Pasimple ko namang tinignan ang dalawa at binitawan naman nila agad ang mga hawak nila. Kaya naman pasimple ko silang inirapan ng hindi nakikita ni Jennie.

"Halina kayo para makauwi na tayo" sambit nito sa amin at sumunod naman kami agad dito habang ang dalawa ay nagbubulungan sa likuran namin .

Fuck Buddy (Jenlisa G!P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon