77 Mother - Daughter Talk

16.9K 286 4
                                    

Chapter 77

Jennie's POV

Sobra na akong naiinis kay Lisa. Sa loob ng tatlong araw ay hindi ako nito pinapansin. Oo naiintindihan kong busy siya sa opisina nito pero ang maging cold ang treatment nito sa akin ang hindi ko kayang tanggapin.

Hindi ko alam kung ayaw na ba nito sa akin o baka naman sawa na siya.  Baka naman hindi na ako nito mahal kaya ganun na lang pakikitungo nito. Hindi na ba kami nito mahal ?

Nagbibigay pa naman ito sa akin ng mga bulaklak at kung ano ano pero bakit ang aura nito. Sabay kaming kumakain ng almusal , tanghalian at hapunan pero hindi ko siya ramdam. Parang kung may anong nakaharang sa pagitan naming dalawa na hindi ko alam kung ano nga ba iyon.

Kaya naman kahit hindi naman talaga ako pinapauwi nila Mommy and Daddy ay nagpahatid ako dito sa bahay. Maging ang mga magulang ko ay nagulat ng dumating ako dahil ngayon lang ako umuwi ulit.

Wala na din ang supporter ni Lisa sa braso nito kaya naman nakakapagdrive na siya at nagagawa na nito ang mga gusto niya kaya naman hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano ano. Lalo na't nung nakaraang gabi ay may kausap itong babae sa telepono nito. Paano ko nalaman ? Syempre pangalan ng babae ang binanggit nito sabay sabing "Okay , I'll see you soon Veronica". Sinong hindi maghihinala at magseselos doon.

Oo aaminin ko nagseselos ako , nagtatampo , galit , at nagdududa na ako kay Lisa sa mga ginagawa nito. Nalaman ko din kay Chaeng na umaalis siya sa opisina nito kahit na wala naman sa schedule nito ang mag-outside meeting or meet up sa mga business transaction nito maliban na lang sa site ng condominium nito.

Kaya naman hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa nangyayari kay Lisa. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa may nakarinig ako ng katok sa pinto ko .

"Jennie sweetie ? Gising ka pa ba ?"

Nang marinig ko ang boses ni Mommy sa labas ng pintuan ko ay hindi ako nagdalawang isip at nagtungo sa pintuan para pagbuksan ito. 

"Jen--" hindi pa natutuloy ni Mommy ang sasabihin nito ng niyakap ko siya at umiyak sa balikat nito.

"Mom" sambit ko sa kanya .

"Bakit ka umiiyak ?" Sambit nito pero patuloy lang ako sa pag-iyak .

Hinayaan nga ako nitong umiyak sa balikat nito habang nasa tapat pa rin kami ng kwarto ko.

"Halika sa loob at mag-uusap tayo" iginiya naman ako ni Mommy papasok ng kwarto ko at umupo kami pareho sa may paanan ng kama. 

"Okay. Now , why are you crying Jennie Ruby Jane ?" Pagtatanong sa akin ni Mommy.

Kilala ako nito at malalaman nito kapag kasinungalinan ang sinasabi ko. She knows me except for the FuBu thing between me and Lisa before.

"It's all about Lisa Mom" sambit ko naman kay Mommy .

"Anong meron kay Lisa ? Sinaktan ka ba niya ? Sabihin mo sa akin "

Fuck Buddy (Jenlisa G!P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon