62 Worried

17.6K 302 16
                                    

Chapter 62

Lisa's POV

"Hi Ruby Jane" sambit ko sa kanya ng nakapasok na ito sa unit nito.

Bakas sa kanya ang gulat ng makita ako dahil hanggang ngayon ay nakatayo pa rin siya sa kinatatayuan nito .

"L-lisa ?" Hindi makapaniwalang saad nito habang nakatingin sa akin na nanonood ng TV at nakaupo dito sa couch nito.

Tumayo naman ako para halikan siya sa pisngi nito at yakapin .

"Ako nga, Bakit gulat na gulat ka . Remember , you gave me your passcode para makapasok ako agad dito"

Kumalas na ako sa yakap tsaka kinuha ang dala nitong bag at inilagay sa table dito sa may pintuan . Iginiya ko siya papunta sa sofa para umupo .

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong nito sa akin pero nasa TV na ang atensyon nito .

"Bawal na ba ako dito ?" Pabirong tanong ko sa kanya .

"Hindi naman sa ganun"

Susunduin ko sana siya kanina pero ang sabi ng mga staff doon kanina ay may sumundo na sa kanyang iba kaya naman dito na lang ako naghintay.

"May appointment akong pinuntahan kanina kaya naman naisipan kong sunduin ka sana pero sabi ng mga staff kanina na nakausap ko ay nakauwi ka na raw at may sumundo sayo kaya naman naisipan kong dito na lang dumiretsyo para hintayin ka. Sinong sumundo sayo hindi mo ba nadala ang sasakyan mo?"

Sumandal naman ito sa couch tsaka ipinikit ang mga nito . Ilang segundo din siyang ganun tsaka nito iminulat ang mga mata nito.

"Hindi ko dinadala ang sasakyan ko ngayong nagdaang araw kasi si Irene ang naghahatid sundo sa akin pero hindi niya ako nasundo kanina kaya naman si Seulgi ang inutusan nito kanina para sunduin ako"

"Sinong sumundo sayo ?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya dahil sa narinig ko.

"Si Seulgi , yung kaibigan mo" sagot naman nito .

Fuck Buddy (Jenlisa G!P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon