27 Jealous ChuChuTV

23.7K 356 17
                                    

Chapters 27

Jisoo's POV

Mukhang mali yata ang napasukan kong trabaho. Sana hindi ko na lang tinanggap ang offer ni Daddy na pagiging CEO ng company.  Stress lang naman pala ang ipapasa sa akin.  Wala pa akong matinong tulog at pahinga. 

"Argh !" Bulyaw ko sa sarili ko ng hindi ko na alam ang una kong pipirmahan at babasahin. 

Makaunang linggo ko na naman dito eh binigyan ako agad ni Dad ng sandamakmak na paper works.  Aba ! Yung matandang yun.  Sana man lang tinapos niya bago siya nagretired. 

Kaya ko namang tapusin to pero naiinis lang ako at ganito pala ang madadatnan ko.  Pinagalitan ko na din si Dad pero tinawanan lang ako. 

Nalaman ko na din ang nangyari kila Jennie and Kai kahapon ng tumawag sa akin si Jennie . Sinasabi ko na nga bang may something sa lalaking yun eh hindi kasi nakikinig si Jennie sa akin pero gaya nga ng sinabi ng pinsan ko hayaan na lang daw namin dahil tapos na sila . Mabuti naman baka kung ano pang magawa ko sa asong yun .

Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga papers ng bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok doon ang secretary ko. 

"Boss , may bisita po kayo sa labas hindi ko po muna pinapasok "

"Sino ?" Tanong ko naman dito dahil wala akong alam na dadating .

"Si Ms. Kang Seulgi po"

"Sige papasukin mo" sagot ko dito tsaka bumalik sa pagbabasa .

"Hey Jisoo the CEO by the way ang ganda ng secretary mo. Anong pangalan nun ?"

Rinig kong saad ni Seulgi ng makapasok ito sa opisina ko at umupo sa harapan ng lamesa ko.  May dalawang couch kasi doon na single sitter. 

"Hoy huwag mong pagtitripan si Nayeon bago lang yan . Akala ko ba may Bae Joo-hyun ka na" sambit ko naman dito tsaka siya tinapunan ng tingin. Bae Joo-hyun is Irene's real name . 

Tinigil ko muna ang ginagawa ko tsaka sinandal ang likod sa swivel chair ko.  I need to rest kahit saglit lang kanina pa ako pirma ng pirma at basa ng basa.

"I'm just kidding Chu . Maganda lang kasi kaya ko natanong. Anong Irene ka jan napasungit nun hindi man lang ngumiti sa akin" reklamo nito

"Pano ba naman kasi hindi ngingiti sayo yung tao kung makatingin ka naman kasi sa kanya para mo namang tutunawin" sagot ko naman dito habang minamasahe ang ulo ko. 
"Tsaka alam kong tipo mo siya sadyang ayaw sayo nung tao" natatawang dugtong ko dito. 

Fuck Buddy (Jenlisa G!P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon