37 Seulrene

39.1K 351 35
                                    

Chapter 37


Seulgi's POV


Siguro kung nakamamatay lang ang mga titig at tingin kanina pa ako nakabulagta dito ngayon sa pwesto ko.

"Buhay pa ba ako?" Pagtatanong ko sa kasama ko ngayon dito sa café restaurant ni Irene. Yeah , nandito nga ako.

"Oo naman buhay ka pa . Nakikita pa naman kita tsaka nakakausap" sagot naman sa akin ni Joy na kaibigan ko maliban kila Lisa at ng squad.

"Kahit ang weird mo at halos isang buwan na tayong pabalik balik dito ay wala naman tayong ginagawa kundi kumain lang habang titig na titig ka sa may ari nitong café na to. Type mo noh bakit hindi mo lapitan pero ang sama ng tingin sayo hahahaha" dagdag naman nito ulit.

Tama nga ulit kayo . Para na akong stalker sa kanya this passed few days or should I say this whole month dahil sa pagtambay dito para makita siya. Nung unang punta ko kasi dito ay sinungitan lang ako ni Irene at pinaalis dahil kung hindi daw ako bibili ay lumabas na raw ako . Pinapadalhan ko din siya ng mga bulaklak pero binabalik lang nito sa akin pero minsan tinatapon nito. Hindi naman masakit eh . Kahit kulang na lang kainin ako nito ng buhay ay nagawa na nito kung pwede. Kaya naman nagsama ako ng ibang kasama para hindi ako nito paalisin at hindi nauubusan ng pagkain ang table namin.

"Halata namang ayaw sa akin" sabi ko naman sa kanya tsaka kumain ng cake na nasa harapan ko .

Siguro kapag hindi pa ako pinansin ni Irene magiging diabetic kami ni Joy sa kakakain ng matamis .

"Hayst , lapitan mo kasi Seul hindi yung nagmamasid ka lang sa kanya. Ang creepy kaya nung halos isang buwan na tayong nandito sa café nito" sabi naman nito sa akin .

Nang hindi na din lumabas sa opisina nito ang may-ari ng café na to ay nagpaalam na sa akin si Joy na may lakad pa siya kaya naman no choice na din ako para lumabas baka masabugan pa ako ng granada kapag naabutan pa ako ni Irene na nasa loob ng café nito.

Iniwan ko na din ang restaurant ko para lang sa kanya. Alam ko namang walang magiging problema kapag sandali muna akong mawawala tutal nandun naman si Yeri at Wendy , ang dalawang partners ko sa pagpapatayo nung restaurant namin at nakapagpatayo na din kami ng ibang mga branches all over here in South Korea. Inaasikaso na lang namin ang ibang mga papers and other necessities for the other branches na ipapatayo namin sa Europe.

Kaya naman napagdesisyunan kong hindi muna umuwi at hintaying magsarado ang café nito tutal 6:45 naman na ng hapon at 7:30 PM ang closed nito . Hihintayin ko na lang . May dala din akong isang bouquet ng bulaklak na nasa passenger seat para ibigay sana sa kanya pero baka hindi na naman nito tanggapin o di kaya itapon. Baka iwanan ko na lang sa harap ng condo unit nito.

Fuck Buddy (Jenlisa G!P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon