ROXANNE POV :
" Roxanne, gising gising "
minulat ko ang mata ko at nakita si nolan na alalang alalang ginigising ako .
" binabangungot ka na nama... "
nasampal ko ng hindi sinasadya si nolan ng dahil sa mga napaginipan ko . Hindi ko akalain na siya pala , siya pala ang lalaki gumagambala saakin gabi gabi pero bakit ? . Siguro dahil nung 16 palang ako ay binabalaan na ako ng mangyayare saakin sa hinaharap .
Nanatiling tahimik si nolan at hindi makapag salita dahil sa nagawa ko sakanya .
umurong ako ng kaunti sakanya at muli akong humiga at tinalikuran siya habang siya naman ay na natiling naka upo lang doon at tulala .
pinilit kong makatulog agad pero bigla siyang umimik .
" Nag aalala lang naman ako sayo . " halata sa boses nito ang kalungkutan pero binaliwala ko na lang iyon .
------------------
MORNING :Nasa kusina ako ngayon at nag iisa dahil si nolan ay nandoon ulit sa opisina niya at may inaasikasong mga papel galing sa trabaho nito .
kasalukuyan akong nakain ng mga natirang pagkain na binigay saakin ni bryan kahapon . hanggang ngayon hindi parin siya maalis sa isip ko . Ang ganda kasi nitong lalaki at lalo na ang ngiti nito na parang nakakapang akit hayst .
Nang matapos na akong kumain ay agad ko naman hinugasan ang pinag kainan ng biglang sumagi sa isip ko na puntahan si bryan sakanila para ibalik ang pinahiram na tupperware . Nang naisipan ko iyon ay dali dali na akong nag madali sa gainagawa at agad nag ayos ng itsura bago lumabas ng bahay habang bitbit ang tupperware.
Sana nga lang matagalan si nolan at sana din hindi niya mapansin na wala ako sa loob ng bahay .
nasa gate na ako ngayon ng bahay ni bryan at akmang kakatok na sana ako ng bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa buong buhay ko ngayon lang ako kakatok sa ibang bahay at hindi lang basta bahay dahil sa pag kakataon na ito ay may sadya akong isang lalaki at hindi lang dahil sa may ibabalik akong bagay .
huminga muna ako ng malalim bago kumatok .
lumipas ang ilang segundo ay wala parin nalabas na tao kaya nakaramdam nalang ako ng pag kainip .
" Hindi mo ba alam na may doorbell ? "
Napabalikwas ako ng may narinig akong boses ng lalaki sa likuran ko kaya akin iyon nilingon .
" oh , uhm Bryan . ibabalik ko lang sana itong tupperware sainyo ." sabay abot ko sakanya ng hawak hawak ko .
Nakakahiya ka talaga Roxanne . bakit kaba kasi nag padala sa pagka hiya mo ? Ayan tuloy, hindi mo napansin na may doorbell pala.
" ahh ganun ba . salamat ahh " kanya naman iyon kinuha na may ngiti .
" a-aalis na ako . salamat nga pala sa pagkain at saka pasensya na din dahil hindi kita nabigyan ng regalo sa kaarawan mo ."
tumalikod na ako at naka dalawang hakbang na ako palayo pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahipan para muling tumingin ako sakanya at natagpuan ito na matamis na naka ngiti saakin .
" okay lang naman saakin iyon ...uhm roxanne ? "
naramdaman ko na parang namula ang aking pisngi . kahit sino naman ata babaeng mahawakan ng taong gusto ay kikiligin sa sobrang tuwa, katulad ko . Oo , kahapon ko lang siya na kilala pero grabe kasi ang dating nitong lalaki saakin . Mukhang sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakipag flirt sa isang lalaki sa personal . Meron din naman ako mga naka relasyon pero hindi iyon tumatagal dahil sa internet ko lang sila nakakausap .
" oh bakit ? " pag tatanong ko .
" pwede ba kitang maimbitahan sa loob ng bahay namin ? " sabay kamot nito sa batok at halata na nahiya ito.
Sa oras na ito ay bigla naramdaman ko nalang ang pag kabog ng dibdib ko . seryoso ba siya ? parang ngayon lang ako papasok sa bahay ng isang lalaki , nakakahiya .
" s-sige ba "
Matapos kong sabihin iyon ay napansin ko na mas lumapad ang ngiti ni bryan saakin .
-------------
Nasa loob na kami ngayon ng kanyang bahay . Maganda ang pag kakagawa nito at makikita sa desenyo ng kanyang bahay na pinag isipan talaga iyon pero kahit ganun paman ay mas maganda at malawak ang bahay ni nolan kaysa dito .
Pareho kami ngayon ni bryan na nasa sala at kasalukuyan niya ako ngayon binibigyan ng isang slice ng cake .
Madami kaming mga kwento ibinigay sa isat isa pero sa mga na kwento ko sakanya ay ni minsan ay hindi ko binanggit ang tungkol kay nolan at sa kasalukuyan na nangyayare saakin . ayoko lang naman na iwasan niya ako ng dahil doon kaya minabuti ko nalang na ikwento sakanya ang mga karanasan ko noon .
" Nakakatuwa ka naman Roxanne . hindi ko akalain na napakamaunawain mo na anak "
tumawa lang ako sa sinabi nitong papuri habang sinusubukan na hindi mabilaukan sa kinakain ko .
" Roxanne ..." tawag niya saakin.
" Bakit ? " naka ngiting tanong ko .
" Pwede ba kitang ligawan ? "
BINABASA MO ANG
The Vampire Sex Prisoner
VampireThis undying love story is about a young girl that's been living for all of her years with her strict parents . She's not allow to talk to any boys beside her relative . In order to implement that , her parents enroll her into an exclusive school fo...