Chapter 21
I cried for hours. He didn't say anything though. He just let me cry and watch me using his concerned eyes. Ramdam ko na gusto niya akong samahan ngayon at yakapin. Damn, I suddenly regretted my actions a while ago. I let my emotions filled me. I am giving him another hard time again. Kagaya ko, nahihirapan din siya.
Nang mahimasmasan ako ay agad akong ngumiti sa kanya.
"I'm sorry," I said for the nth time.
"Ayos ka na?" tanong niya. Tumango ako at saka pinahid ang natitirang luha at sipon.
"Yup. Sorry. Pumasok ka na," mahinahon kong sabi. He's already wearing his uniform. Damn, late na ito panigurado.
I saw how he loosened his uniform's necktie and then he went back to his bed.
"Hindi na ako papasok ngayon. Babawi ako sa iyo," deklara niya. Parang may kung anong nagbabara sa lalamunan ko nang marinig ito sa kanya. Gusto ko ulit umiyak pero masyado na akong maraming naiyak kanina. Masakit na rin ang mga mata ko.
What did he say? Hindi na siya papasok para sa akin? Damn!
"No! I'm already okay. Sorry. Ganito talaga ako. Namiss lang talaga kita kaya ganoon. Don't worry hindi ako galit kaya sige na pumasok ka na."
"No. We'll talk. Miss na rin kita," sabi niya.
Mga ilang segundo muna ang lumipas bago ako muling nagsalita.
"Sorry sa lahat ng mga nasabi ko kanina. Hindi ko... sinasadya."
"It's okay, Zarah. I understand you. Don't be too hard on yourself. Just be open with me. Come on, may problema ka ba?"
Problema? Wala naman akong problema bukod na naging stress at pagod ako sa school nitong mga nagdaang araw.
"Wala naman. Pagod lang siguro ako at... stressed."
"Magpahinga ka, Zarah. Kumakain ka ba?" tanong niya. I bit my lower lip when I remember that I didn't eat my lunch earlier.
"Please, Zarah. Kumain ka. Alagaan mo ang sarili mo diyan." May pag-aalala sa boses niya.
My lips parted and suddenly get embarrassed with my actions earlier. Hindi siya nakapasok ngayon dahil sa akin. Ang arte-arte at ang oa-oa ko kasi. Sa aming dalawa siya ang palaging nakakaunawa at nagpaparaya. Bakit hindi ko magawa iyon sa kanya? Akala ko ba magiging understanding ako sa kanya!
"Hey Kai... I'm sorry earlier. I promise I will be more understanding. It's just that I can't handle my emotions too well. But I promise I am trying my best to understand our situation." I raised my hand. "It's just that... I really miss you."
"I miss you too, Zarah. Walang araw o oras na hindi kita naiisip. I'm sorry if I made you feel that way. I promise too I will make more time with you."
YOU ARE READING
The Song's Memory (Engineering Student #2)
RomanceWhat the mind forgets; the heart remembers. You're always there to lift me up. I don't have a friend, everyone hates me, but you chose to be with me. Kaya hindi ko makakalimutan kung paano mo binago ang buhay ko. Nagpapasalamat ako dahil dumating ka...
