Herodion's POVMula nung magsimula akong mag-aral lagi akong kasama sa with high honors or with honors.
Lagi din akong nakakakuha ng iba pang award tulad ng Best in Math,Best in Science,Leadership
award at iba pa.Gusto kong bayaran lahat ng paghihirap ng mga magulang ko sa pagpapalaki saakin at pag-papaaral,kaya ako nagpupursigi sa pag-aaral.To make them proud.To make my self proud.
Oo nanggaling kami sa mahirap na pamilya pero hindi naman yun makakapigil saakin para abutin ang pangarap ko.Makakaahon din kami sa buhay.Kaya kahit anong mangyari hinding hindi ako susuko hanggat hindi ko natutupad ang lahat ng pangarap ko.
Present Time.
"Herodion got the highest score!"
Yes!Tahimik akong nag mini celebration sa upuan ko.Napangiti nalang ako ng marinig ko ang palakpakan ng mga kaklase ko.
"Sana ol!"
"Talino talaga neto!"
"Wooo!Top 1!"
Sigaw ng mga kaklase ko.Nakangiting lumapit saakin si sir at binigay saakin yung papel ko.
Tinapik niya muna yung balikat ko bago siya tumingin saakin. "Keep up the good work Valverde" saad ni sir.
Tumango ako at ngumiti.Inannounce pa ni sir yung score ng ibang kaklase ko bago niya kami i dismiss.
"Have a nice weekend everyone.Goodbye" paalam ni sir
Nagsitayuan yung mga kaklase ko at masiglang lumabas ng room.Inayos ko muna yung gamit ko bago sinakbit sa likod ko yung bag ko.
Masayang lumapit saakin yung mga kaibigan ko. "Tara dre shot tayo!" saad ni Axel saka inakbayan ako.
Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko. "Pass." wika ko saka naglakad palabas ng classroom.
Agad naman nila akong hinabol. "Dre sige na ngayon lang naman eh.Maraming chix dun!" wika naman ni Jude.
Psh.Umiling ako. "May group study pa tayo diba?" singit naman ng bagong dating na si Venus.
Sabay sabay na sumimangot yung mga kaibigan ko.Tumawa nalang kaming tatlo. "Treat ko na yung drink's and snacks!" wika ni Ivy.
"Sabi ko nga sasama na kami eh" sabay na sabi ni axel at jude.
Sabay sabay kaming pumunta sa bahay ni Ivy.Nilibre niya na din kami ng pamasahe sa jeep kaya hindi na umangal yung dalawa.
Pinagbuksan niya kami ng pinto ng bahay nila. "Pasok kayo.Huwag kayong mahiya alam ko namang wala kayo non eh" tumatawang saad niya saka nagpunta sa kwarto niya.
Umupo kaming lima sa sofa nila at nilapag yung gamit namin. "Kala mo naman may hiya yung si Ivy" saad ni Jude.
Pinalo siya ni Venus. "Manahimik ka nga pasalamat ka binayaran pa ni Ivy yung pamasahe mo" sabat niya.
"Nyenye" pang-aasar ni jude.
Kahit kailan talaga tong si jude.Napaiing nalang ako at tahimik na nilabas yung mga librong kailangan naming basahin
BINABASA MO ANG
Its Always You
RomanceMasipag at Matalinong anak si Herodion Valverde.Dahil sa pagpupursigi niya sa pag-aaral nakakuha siya ng scholarship sa pangarap niyang paaralan.Ang LIONEL HEART UNIVERSITY.University kung saan nag-aaral ang unica hija ng isang kilalang pamilya sa b...