Chapter 2

38 7 1
                                    


Herodion's POV 

Nakatayo ako ngayon sa harap ng unibersidad na pinapangarap kong pasukan. Kaya ko ba to?   

Huminga ako ng malalim at inayos yung buhok ko. "Hoo!Kaya mo to Herodion.Papasok ka lang ng classroom mo at makikipagkaibigan" pagmo-motivate ko sa sarili ko

Tinignan ko yung mapa ng LHU.Binigay to saakin ng nagbabantay sa dorm.Sundan ko daw to para hindi ako maligaw.

Pagpasok ko sa university namangha agad ako.Hindi lang pala sa mga commercial to maganda pati pala sa personal.

Hindi na muna ko naglibot kasi baka malate ako.Nang mahanap ko yung classroom ko pumasok agad ako.Ang susungit naman tignan tong mga kaklase ko.Mukhang mahihirapan akong makipagkaibigan neto.

Umupo ako sa 2nd row sa harapan.Baka hindi ako marecognize ng prof. na bagong student ako. Nilingon ko yung katabi ko.He's smiling at me.I smiled back. "Hi bago ka?" tanong niya.


Tumango ako. "Scholar" wika ko.Tumango tango siya. "Oh btw I'm Theodore Lacson" wika niya saka naglahad ng kamay. "Class President"  ngiti niya.



Nag-shake hands kami. "Herodion Valverde.Nice to meet you" pagpapakilala ko.

Mag-uusap pa sana kaming dalawa kaso biglang dumating yung prof. kaya agad kaming tumayo. "Good Morning" wika nung prof. "Good Morning Sir"  pagbati namin.

Nilapag niya yung gamit niya sa table. "New student please introduce yourself infront" saad niya habang nakatingin saakin.

Tumayo ako mula sa upuan ko at pumunta sa harapan.

"Good morning everyone.I'm Herodion Valverde.I'm looking forward to knowing each of you.Thank you" casual na saad ko sabay ngiti.

Iba't ibang reaksyon ang nakuha ko sa mga kaklase ko.Yung iba pumalakpak,yung iba ngumiti,yung iba naman walang expression at yung iba naman walang pake saakin.

Okay.Pagkatapos kong magpakilala dumeretsyo nalang ako sa upuan ko at nakinig sa first lesson namin.

Matapos yung klase namin napahawak nalang ako sa tyan kong kanina pa tumutunog. "Tara kain na tayo" pag-aaya ni theo.

Pagdating namin sa cafeteria namangha nanaman ako sa laki neto. "Huwag ka ng tumunganga dyan baka maubusan tayo ng pagkain" wika niya saka binigyan ako ng tray. Namili na ko ng gusto kong kainin.

After naming mamili pumili na kami ng mauupuan.Umupo kami dun at nagsimulang kumain.Habang kumakain kami biglang umingay yung cafeteria.Tumigil ako sa pagkain at nilingon kung saan nanggagaling yung ingay.

Tumambad saakin ang tatlong lalaking naglalakad papasok ng cafeteria.May itsura sila kaya hindi na ko magtataka kung bakit ganito kalakas yung tili ng mga kababaihan.Their wearing LHU'S jersey at may dalang black duffel bag.

Mukhang varsity silang tatlo sa basketball. "Sino yang mga yan?" tanong ko kay theo nung hinarap ko siya. "Varsity players" simpleng sagot niya.See tama ako diba?

Nang matapos kaming kumain umupo muna kami sa mga bench dun sa gilid ng field at pinanood yung mga naglalaro ng football. "Gaano ka na katagal sa LHU?" wika ko habang pinagmamasdan ang paligid.

"Five years na.Dito na ko nag-aral nung pasimula palang ako ng high school"

Tumango tango ako.Ang tagal niya na pala dito.Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga experience namin sa high school hanggang mag ala una. "Simulan na natin ang tour mo dito sa LHU" saad ni Theo sabay tayo.Kinuha ko yung bag ko at tumayo na din.


Its Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon