Chapter 8

11 2 0
                                    

 Cecilia's POV


It's already lunch time kaya andito na kami sa cafeteria inaantay yung boys.Nag-order na kami ng pagkain namin para hindi na kami makipagsiksikan mamaya kapag dumami yung students dito sa cafeteria.



Nagsimula na kaming kumaing tatlo.Samantalang si Ayii ayun inis pa rin.Paano ba naman nag-tie sila nung scholar sa top spot.At alam naman nating lahat ang ugali ni Ayii Heartly.Ayaw niya ng may kaagaw,lalo na sa top spot.Iningatan niya yun ng 11 years eh.



Mula grade 1 hanggang ngayon na senior high school na kami.Siya pa rin ang top spot. "Hoy kumain ka na nga" suway sakanya ni Kristel.




Pero agad niyang tinulak yung platong nasa harapan niya. "Ayoko.Wala akong gana" wika niya.




Wala siyang gana kumain dahil may nakatie siya sa top spot?Tsh.Hindi ba pwedeng give chance to others naman?Hayss sabagay i understand naman kung bakit ini aim niya lagi yung top spot.Strikto sila tito at tita sakanya eh.




Tinignan namin siya ng masama at pilit na pinahawak sakanya yung mga kubyertos.Inis niya itong dinabog sa harapan namin at nagcellphone nalang. "Ayii naman" wika ko.



Hindi niya kami pinansin.Hinayaan nalang namin siyang magcellphone.Pero itong si Joy gusto pang kulitin si Ayii kaya kinalabit niya ito.Humarap naman si Ayii sakanya.Agad na kinuha ni Joy yung phone ni Ayii. "Give it to me" seryosong saad ni Ayii.



Pero hindi nakinig sakanya si Joy at tumawa lang.Pinasa ito ni Joy sa matangkad na lalaking lumapit sa table namin.Goshhh!Ang gwapo niya mga sis!Para siyang koreano!Pasimple kong siyang pinagmasdan.Ahhhh!Siya na yung bago kong crush!. 



"Sayo to diba?" tanong niya kay Ayii sakan nilahad yung phone ni Ayii.Kinuha ni Ayii yung phone niya at ngumiti kay crush.Tahimik kong tinignan yung ID niya.Herodion Valverde.WAIT WHAT?!



Diba yun yung lalaking katie ni Ayii sa top spot?!Si crush yung kaagaw ni Ayii sa top spot.Wow.Infairness matalino si crush.Wala pa kasing nakakatie kay Ayii sa top spot eh.Aalukin ko sana siyang umupo sa tabi ko pero kusa siyang umupo sa tabi ni Ayii.



I pouted.Bat sa tabi pa ni Ayii siya umupo?Eh ang luwang luwang pa ng space ko dito oh. "Nga pala Ayii meet Herodion kaibigan namin" wika ni Prince na nasa tabi ko.Agad naman nanlaki ang mata ni Ayii.



Malamang gulat siya na katabi niya ngayon ang lalaking nakatie niya sa top spot.Tsh.Tapos na kong kumain kaya tinitigan ko nalang yung crush ko na ngayon ay nakatitig kay Ayii.Napairap ako.Tsk.Flirt.Nginitian mo pa kasi si Herodion kanina ayan naakit na sayo.Psh.

Its Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon