She took a deep breath again and start discussing. "As I was saying, I called all of you because of this letters: mga reklamo, tanong at request. Madami ito after ng general assembly natin nitong first week of school, una ay dahil curious ang mga classmate at schoolmates natin sa kung anong mangyayari buong semester. At saka Pre-liminary exams na next-next week, pagkatapos ay acquaintance naman. Kailangan natin basahin ang lahat ng ito at subukan solusyunan ang kaya natin ngayong linggo. Para may next week tayo para magreview at magprepare ng dapat sa acquaintance."
Napansin ni Bell ang pagtaas ng kamay ni Jen, ang sergeant at arms nilang first year. She gave her a chance to talk. "Kailangan agad-agad na po ba 'to, Ms. Bell?" tanong nito.
"Oo naman, para maayos ang department natin. Hahatiin ko ang mga sulat na 'to sa 'ting lahat ng fair, para lahat may ginagawa."
"Honeybunch, tinatakot mo ang mga freshmen officers. Chill, 'kay?" sabat ni Warren. Binalingan nito si Jen, "Pasensya ka na sa honeybunch ko, ha? Hindi pa kasi kami, wala pa kasi siyang time magpaligaw."
Masamang tiningnan niya ang binata. He raised both his hands as surrender.
"Rita," tawag niya sa muse nila. "Heto ang sa 'yo."
Lumapit ang dalaga sa kanya at kinuha ang mga sulat na babasahin nito. Ganoon din ang ginawa ng ibang officers na tinawag niya. Matapos niyon ay sinabi niyang magkita-kita na lang ulit sila bukas at idi-discuss nila ang mga nabasa, tinapos na rin niya ang meeting nila.
Nang makaalis na ang lahat ay dumiretso si Bell sa library upang basahin na ang mga sulat na natira sa kanya. Wala na siyang klase ng hapong iyon kaya may oras siya para basahin ang mga sulat. Marami-rami ang mga iyon kompara sa iba, ayaw naman kasi niyang biglain ang mga kapwa officers. Ang iba naman ay sanay na sa kanya dahil mula first year ay officer na siya at alam na ang ugali niya.
She started to read the letters. Ngunit makaraan ang halos kalahating oras ay nababagot na ibinaba niya ang kasalukuyang hawak na sulat. Halos lahat kasi ng nabasa niya ay pare-parehas ang sinasabi: kesyo kailangan daw ba na lahat ay kasali sa acquaintance, kung bakit kailangan may bayad pa daw iyon, kung worth it daw ba ang ibabayad ng mga ito, may ilan din nagsuggest ng theme para sa party at marami pang sulat na madali lang maaksyunan.
Nag-inat si Bell sandali para mawala ang antok, inantok kasi siya sa pagbabasa. Susubsob sana siya sa lamesa nang maalala ang sulat na ibinulsa niya kanina. Kinuha niya iyon at binasa.
Bell,
I know you'll gonna start working so hard, again. Take time to rest sometimes. Don't stress yourself too much. :)
Your HBSince she was first year, nakakatanggap na siya araw-araw ng mga sulat galing sa tingin niya ay secret admirer niya. Si HB. Noong una ay mga simpleng love quotations lang, hanggang sa nagpapahayag na ng dadamin si HB, at kung minsan ay tila adviser niya sa bawat ginagawa niya sa school. She kept all the letters, natutuwa kasi siya. She found HB sweet and interesting. Sweet because for her giving letters is a novel way of showing one's feeling, like what HB does. And interesting because she keep wondering how HB knows everything she do, how would he act if she meet him on personal and how does he looks like. Pressured at stressed lang kasi siya kanina kaya naitapon niya sa basurahan ang sulat.
"Will you take time to read that, Lyn? Please? For me." Hindi mawala sa isip niya ang pakiusap na iyon ni Warren kanina. Naiisip niya na posibleng kilala nito ang nagbibigay sa kanya ng sulat araw-araw, kahit na sinabi na nitong hindi nito kilala. She wanted to know who HB is. Kaya naman sa ayaw man niya ay pipigain niya si Warren kung sino si HB.
Dahil sa antok ay tuluyan na siyang sumubsob sa lamesa, habang nakatingin sa sulat. Maaga pa naman para umuwi siya at saka may mga sulat pa siyang babasahin, iidlip lang siya bago ituloy ang pagbabasa. Buti na lang at nasa tagong lamesa siya ng library kaya hindi siya mapapansin ng librarian kung matulog man siya. Unti-unti ay ipinikit na niya ang mga mata, at nagpagupo sa antok.