"Siguro tayo na lang ang mag-announce sa kanila. Para naman malaman nila ang tungkol sa party. Saka ma-clear na din ang mga tanong nila," aniya na sinang-ayunan naman ng dalaga.
It's Monday afternoon, tapos na ang exam nila para sa araw na 'yon kaninang umaga. And since after the exam, they've been talking to each year and section's represantatives of their department. Ipinapaliwanag nila sa bawat isa ang gaganapin na acquaintance party nila. Hindi kasi nila nagawang sabihin sa mga ito ng sabay-sabay dahil may mga section na pang-hapon ang schedule.
Katamtamang lakas na kumatok si Bell sa nakabukas na pinto ng classroom ng second year section one para makuha ang atensyon ng mga estudyante, na nakuha naman niya. Wala pang guro ang mga ito kaya't pumasok na siya na sinundan nina Mel at Mira na mga kasama niya. "Good afternoon, everyone! As you all know, I'm Bell the president of our department. And these are Mel and Mira, the secretary and treasurer. Idi-discuss lang namin sa inyo sandali ang tungkol sa darating natin na acquaintance party, wala kasi ang represantative niyo na dapat kakausapin namin para magpaliwanag sa inyo."
"Ngayong Sabado ang party natin, after the last day of exam. Gaganapin dito sa school gym nang mga ala sais ng gabi," Mel said.
"And to make the party happen, everyone should cooperate on paying a small amount. We made sure that the amount is not a burden to each of us," pagtutuloy ni Mira. "It's affordable and worth paying."
"May mga tao na rin kaming na-contact para-" Isang katok ang nagpatigil sa sasabihin ni Bell.
Lahat sila ay napatingin sa pinto. There was Warren looking handsome on his casual clothes and wide grin on his mouth.
"Can you please excuse my honeybunch? We're going on a date," ngiting-ngiti na anito.
Lumapit siya rito. "Why now? Nakikita mo naman siguro na busy kami, Li. Hindi ba pwedeng mamaya na lang?"
Parang bata na sinimangutan siya nito. Kulang na lang ay magpapadyak ito at umiyak para pumasa na itong baby-damulag. 'Yon nga lang ay napakaguwapong baby-damulag naman nito.
"It's our weekdate! Usapan natin 'yon," angal nito. At tuluyan na nga itong nagpapadyak.
Tinawanan ito nina Mel at Mira, na sinundan na din ng mga estudyanteng nanonood sa kanila. "Sige na, President. Kami na dito ni Mira," sabi ni Mel.
Kaagad na hinawakan ni Warren ang isang kamay ni Bell at hinila siya palayo roon. Mahigpit ang pagkakahawak nito na tila ayaw na siya nitong pakawalan. Wala na siyang nagawa kundi ang magpadala sa binata. Nagtatakbo sila palabas ng campus nila. Sumakay sa kotse nito sa parking lot at ipinagmaneho siya. Dinala siya nito sa isang mamahaling coffee shop di kalayuan sa campus.
"Dito ang date natin?" di makapaniwalang tanong niya sa binata. Nakaupo na sila sa isang puwesto at hinihintay ang order nila.
Kung kanina lang ay tila excited na excited ito, ngayon naman ay nawalan bigla ng buhay ang mukha nito. "Ayaw mo ba rito?" mahinang tanong nito.
"Warren, ano... Hindi naman sa gano'n."
Muntik na siyang mapapitlag nang hawakan nito ang mga kamay niyang nakapatong sa lamesa. "Pinag-isipan kong mabuti kung saan kita dadalhin ngayon. And I end up thinking about this place. You need a coffee break because you're stressing yourself a lot again. Ayokong makita ka na pagod na pagod, kaya nga ginawa ko na ang iba mong dapat gawin. Dahil ayaw din kitang nahihirapan. I, ahmm... You've been a dedicated officer already on our department ever since our first year. Plus our exams. For now, just be with me and feel my warmth and sweetness through the shop's coffee and cakes."
He wasn't taking his eyes off her the whole time he was saying why he brought her there. There were no playfulness playing on his eyes. Seryoso talaga ito sa date nila. And she was impressed for real. Hindi niya ineexpect ito at ang sagot ng binata. Her heart likes him on instant.