9

95 4 0
                                    

CREDITS TO THE OWNER OF THE PICTURE. :)

~

Hinubad niya ang suot na pares ng sandals na may mataas na takong. Nang nakayapak na ay tatakbo siya sa gazebo hanggang sa mayakap niya si Warren. Mahigpit ang yakap niya rito.

"Bell?" anito sa pinalagom na tinig.

She chuckled with what he did. "Ang lakas ng trip mo, Warren! Nasaan na si HB?"

Pumunta kaagad siya roon dahil ang akala niya ay si HB ang maabutan niya. She was actually going to ask him where Warren is. Ngunit yakap na niya ang kanyang hinahanap. And HB was nowhere to be found. Dadalawa lang kasi sila ni Warren doon.

Kinalas nito ang pagkakayakap niya rito saka humarap sa kanya. He was wearing a mask. Dahan-dahan niyang hinubad iyon dito. Seryosong nakatingin ito sa kanya.

Bigla ay parang nakaramdam siya ng kakaiba. Huwag nito sabihin na... "Are you... A-are you HB?" panghuhula niya.

Nahuli niya ang paglunok nito. Pagkatapos ay tila maamong tupa na tumango ito.

Napamulagat siya rito. How could he do all of this to her? How... "Paano mo nagawa lahat ng ito, Warren?"

"Would you listen to my explanations?" nag-aalangan na tanong nito.

Iisa si Warren at HB. Paano? Parang magkaiba ng ugali ang dalawa. Paano nagawang umakto ni Warren na malungkot ito dahil gusto niyang makilala si HB? Paano nabuo si HB? Ano ang ibig sabihin nito sa HB? Pinagti-trip-an lang ba siya ni Warren?

Umahon ang galit sa dibdib niya. Pinagmukha siya nitong tanga simula nang makilala niya ito. Kinikilig siya kay HB habang inis na inis naman siya rito, na iyon pala ay iisang tao lang pala ang mga ito. Ngayon ay pinapakilig na rin siya nito. Ang lakas ng loob nito na paglaruan ang damdamin niya.

"Honeybunch..."

Galit na tinapunan niya ito ng tingin. "Ang lakas mong tawagin ako niyan. Pinagmukha mo kong tanga, Li!" maluha-luhang sigaw niya rito.

"Bell..."

Mariin siyang pumikit. Nang magmulat ay huling beses niya itong tiningnan, saka tumalikod na rito para umalis. "'Wag mo kong susundan," puno ng hinanakit na aniya.

Tuluyan na niya itong iniwan mag-isa sa gazebo. Binalikan niya ang naiwang sapatos at isinuot muli. Habang palabas ng garden ay inayos niya ang kanyang sarili, mabuti na lang at water proof ang make-up niya. Gustuhin man niyang umuwi ay hindi pwede, kailangan pa siya sa party.

Nang makapasok si Bell sa gym ay sinalubong siya ni Mel. "President, kanina ka pa namin hinahanap. Speech mo na. Kailangan ka na sa stage," sabi nito sa kanya

Tumango siya rito bago naglakad papunta sa stage.

"Bell Legarda!"

She was already in the middle of the crowd when she stopped because of that shout. Nang lingunin niya ang sumigaw ay nahati sa gitna ang mga estudyante. Kitang-kita niya si Warren na hinihingal dahil mukhang hinabol siya.

"Sinabi ko sa 'yong 'wag mo na akong susundan," aniya saka muli itong tinalikuran. Binalewa na niya ang binata nang magkaingay ulit ang mga estudyante.

Ngunit nagulat siya nang biglang may humawak sa isang kamay niya at hinila siya paharap rito. Si Warren. Then he also held her other hand. "Hindi ko kayang hindi ka sundan, Bell. Magpapaliwanag ako, please? Huwag mong aalisin ang tingin mo sa 'kin. Gusto ko na makita mo na totoo lahat ng sasabihin ko. Na hindi kita niloloko o pinaglalaruan. Could you do that, honeybunch?"

Kinalma niya ang sarili na puno pa rin ng galit. Saglit siyang pumikit, at nang magmulat siya ay nakaya na niyang tumango. Kahit na ginawa nito si HB ay ito pa rin ang Warren na naka-date niya ng isang linggo. The Warren that her heart searches, no matter how angry she is with him.

Tumikhim ito bago nag-umpisa. "Totoo 'yong sinabi ko sa 'yo kagabi na huling date natin para sa linggo na 'to, na mula noon hanggang ngayon ay gusto kita. Na nahulog ako sa 'yo dahil sa mga ginawa kong panunukso at pagyayabang. May isa pang purpose ang panunukso at pagyayabang ko sa 'yo, honeybunch. At 'yon ay ang itago ang nararamdaman ko. Itinago ko dahil sigurado akong wala sa isip mo ang magboyfriend. Pero sabi nga nila, habang itinatago mo ang isang bagay mas lalong kumakawala...

Love Letter For BellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon