10

133 4 0
                                    

I made HB. Acronym for 'honeybunch.' Alam ko na sobrang corny ng tawagan na 'yon, pero 'yon ang gusto ko na maging tawagan natin, I heard it from somewhere and I found it cute. Bagay sa 'tin dalawa. Ginamit ko si HB para mailabas ang nararamdaman ko para sa 'yo at malaman mo na nandito lang ako sa tabi mo. Na may isang tulad ko na nagmamahal sa 'yo. Hindi ko siya ginawa para paglaruan ang damdamin mo," mahabang paliwanag nito. "Mahal kita, honeybunch."

Bell was speechless. Ngunit nararamdaman niyang nag-uumapaw ang iba't ibang damdamin sa puso niya. At lahat ng iyon ay positibo, lalong-lalo na ang tuwa. Walang nang mapaglagyan iyon. Kulang na lang ay maiyak siya sa tuwa. Mali ang naisip niyang pinaglaruan siya nito at pinagmukhang tanga. Kaagad na nalusaw ang galit niya kanina. Ngunit may hindi pa malinaw sa kanya.

"A-akala ko si HB si Henry?"

Hayagang sumimangot si Warren sa harap niya. "Hindi ba't sabi ko naman sa 'yo na 'wag mo nang pansi—"

"Inakala ko lang naman, bestfriend mo siya at saka HB din ang acronym ng pangalan niya. Tapos may pa-'Henry Bautista at your service' pa siyang nalalaman," natatawang aniya.

Tumaas ang isang kilay ng binata. "Mas guwapo naman ako kaysa do'n ng sampung paligo. And you can have me twenty-four-seven. Ginamit ko lang 'yon para kunwari siya si HB, at hindi ako mabisto."

An idea appeared on her pretty little mind. "Pero akala ko talaga siya si HB. Siya pa naman ang pinunta ko sa gazebo..."

Nabitawan nito ang mga kamay niya. Ngunit lumipat ang mga iyon sa mukha niya. He was cupping her face. "What did you just said?"

"Siya ang ipinunta ko sa gazebo kasi—"

Hindi na niya naituloy ang ipang-aasar niya rito. Naramdaman na lang niya ang pagdampi ng mga labi nito sa mga labi niya. Panandalian lang iyon ngunit tila nawalan siya ng kakayahan magsalita.

"May sinasabi ka pa?" nakangising tanong nito.

Pinaningkitan niya ito ng mata bago tinakpan ng dalawang kamay ang bibig nito. "Siya ang ipinunta ko kasi hahanapin kita sa kanya. Hindi ka kaya nagpakita sa 'kin simula nang mag-umpisa 'tong party. Gusto pa naman kita makasayaw no'ng open dance, ngayon patapos na ang party..."

Masuyong nginitian siya nito. Inpinaikot nito ang mga kamay niya sa batok nito, saka inilagay ang mga kamay sa baywang niya. "Pwede pa naman siguro tayong sumayaw bago ang speech mo. Tayo lang."

Bell can't help but smile as they started to sway, a sweet melody filled the background. Nang tingnan niya sa mga mata si Warren ay naalala niya ang hidden agenda niya sa pagsasayaw nilang iyon. Tumigil siya sa pagsasayaw at maging ang binata ay napatigil din. Agad siyang tumingkayad at inilapit ang bibig sa tainga nito. "I also wanted to tell you that I've fallen for you... Hinahanap ka na lagi ng puso ko, honeybunch. Sa totoo lang, okay lang kahit hindi ko na mameet si HB kanina basta mahanap lang kita. Ikaw lang sapat na," bulong niya rito.

Nginisian na naman siya nito. Impit na napatili na lang siya nang bigla siya nitong hapitin ang siilin ng halik, kasabay niyon ang palakpakan ng mga tao sa paligid nila. He stopped when they were both gasping for air.

"I love you, honeybunch..." ani Warren.

"I love you, too, honeybunch." Matamis na nginitian niya ito. Then they kissed again ignoring the crowd.

WAKAS

Love Letter For BellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon