CREDITS TO THE OWNER OF THE PICTURE. :)
~
"I need to excel on everything..." tanging nasabi niya.
"Been there, done that."
Sinilip niya ang mukha nito upang tingnan kung niyayabangan na naman siya nito. But he's serious.
"Honeybunch, I'm still Chinese even though I'm half Filipino. Kailangan ko rin galingan sa bawat ginagawa ko. Bring honor to our family, especially on our family business. Ganyan din ako no'ng highschool ako: class officer at nasa top dahil parati akong nag-aaral, nag-umpisa na rin ako noon pag-aralan ang pasikot-sikot sa business namin. Pero natutunan ko na hindi naman sa lahat ng oras kailangan seryoso at puro business na lang. Oo minsan nakakapressure dahil ang daming achievement ng parents ko lalo na sa business, gusto ko gano'n din ako so I strive hard. Alam kong gano'n ka rin, magkaro'n ka ba naman ng tatay na mayor at nanay na socialite. But sometimes you have to loosen up to enjoy life, that's what I learned. Take a break to be with your love ones and enjoy moments like this," masuyong payo nito. Hinagkan pa nito ang tuktok ng ulo niya.
Tama si Warren. Ginagawa ni Bell ang lahat para maging katulad ng parents niya, matagumpay sa larangan na pinili ng mga ito. Her father is a successful politician and her mother is a well known socialite, and she? She wanted to be a successful career woman. Kaya naman todo ang pagsusunog niya ng kilay.
Ngunit nitong linggo na kasama niya si Warren ay hindi na lang ang mga dapat niyang gawin ang nasa isip niya. Kasama na sa isip niya ang date nila ng binata, kung paano siya nito isusurpresa, at mismong si Warren. Higit sa lahat ay nakaramdam ang puso niya ng pagtatangi para rito na isang lalaki na ni sa hinagap niya ay hindi niya naisip na magugustuhan niya, at isa pa ay walang habas na umiinis sa kanya. Masaya siya sa mga nangyari ngayong linggo. She learned what he had learned.
Pumihit siya paharap sa binata at gumanti ng yakap dito. "Thank you for everything... Honeybunch."
Naramdaman niya ang biglang paninigas nito. Ngunit mas inihilig pa niya ang ulo sa dibdib nito. "Makikilala mo na bukas si HB," anito na nasa tono ang lungkot.
She slightly shook her head. Hindi na niya iniisip kung sino man ang HB na 'yon. Tama na si Warren sa kanya, kung sapat na siya rito ay sapat na rin ito para sa kanya.
TINANGGAL ni Bell ang suot na maskara at inilibot ang tingin sa buong gym. Nang mamataan niya si Mel ay tinawag niya ang dalaga. "Nakita mo ba si Warren?" tanong niya.
Mula umpisa ng acquaintance party nila ay hindi niya makita si Warren. Kanina pa siya paikot-ikot sa kakahanap dito pero wala talaga ito. Alam niyang wala ang binata dahil mararamdaman naman niya kung nasa paligid niya ito, at lahat din kasi ng tinanong niya ay hindi alam kung nasaan ang binata. Open dance na nila at gusto niya itong makasayaw o kahit makita man lang. Pero nasaan si Warren Li?
Inalis din ni Mel ang maskara nito bago magsalita. "Nakita ko siyang kasama si Henry kanina. At saka ipinapabigay niya nga pala 'to," iniabot nito sa kanya ang isang sulat. "Galing daw kay HB. 'Yon ba 'yong stalker mo, President?"
Dali-dali niyang binuksan ang sulat.
Bell,
It's time. Rose garden. Gazebo. If you're ready.
Your HB"Wala bang sinabi si Warren kung sa'n sila pupunta ni Henry?" tanong pa niya.
Umiling si Mel sa kanya bilang sagot. Nagpasalamat siya rito bago niya ito hinayaang makigulo ulit sa dance floor. Habang siya ay mahigpit na hinawakan ang sulat at nagmartsa palabas ng gym. Hindi na siya nag-abala pang isuot ulit ang maskara niya.
Mabilis siyang nakarating sa rose garden dahil katabi lang iyon ng gym. Nag-alangan siyang pumasok dahil walang katao-tao kundi siya lang yata, ngunit dahil sa mga poste na mga nakabukas sa magkabilang gilid ng daanan ay nabawasan ang takot niya at tumuloy. Hindi naman kalakihan ang hardin kaya't agad niyang mararating ang gazebo.
She was near the gazebo when she saw a guy standing in it, his back facing her. Tila nagrambulan ang kalamnan niya nang titigan maigi ang likod ng lalaki. She definately know that body built. It is Warren's.
